Shane
Tumunog ang aking alarm bandang alas sais ng umaga (6 am). Tumayo agad ako upang makapag-ayos. May sariling uniform ang SVT Universiity pero dun mo pa sa school locker mo makukuha. Kaya naman nang matapos akong maligo nagsuot nalang muna ako ng paborito kong suot. White T-shirt na medyo loose, Black skinny jeans, at sneakers na black den, tinernohan ko lang ng black na relo. Kinuha ko na ang mga pinamili namin ni Wonu na gagamitin sa school. Kinuha ko na din ang bag ko. Isang kulay sky blue na bag na may nakaburdang pusa pero maliit lang. Binuksan ko na ito at inilagay dun ang mga gamit ko.
Matapos yun ay nagmessage ang SVT University sa akin.
Dear our Precious and Talented Student
Your room is located at the 3rd building 3rd floor, Serenity Kim | A11 (Section | Class Rank and Grade.) Your class time is 9 am to 10 pm. Please wear your uniform when you're already in school. You can find your achool uniform, school ID, and PE uniform in your locker. Your locker number is 117 and the passcode you must remember your passcode 675844. Please cooperate and follow our rules. Thank You.
Sincerely yours, SVT University
Matapos mabasa yun ay tinandaan ko agad ito. Nagawa ko pang i-screenshot para na din makasigurado na di ko makakalimutan ang passcode ko. Pagkababa ko ng kwarto ay kumain na ako ng pagkaing nakahain sa harapan ko. Niluto ito ng chef namin, sinangag bacon, tocino, at hotdogs. Mayroon ding Chocolate drink. Nang matapos ko na ang aking kinakain ay magpapaalam na sana ako nang bigla akong abutan ng Milktea ng chef namin. Nginitian ko siya at nagthank you. "Kilalang kilala na talaga nila ako." Sabi ko sa aking isipan at napangiti nalang. Hinatid na ako ni Mang Canor sa bahay namin para mahingi ko na ang weekly allowance ko.
Nang mahatid ako ni Mang Canor binigyan ako ni Dad ng 7k at dinagdagan naman ni Mama ng 3k para daw saktong 10k. Nagkiss na ako at umalis. 8:30 palang ay nasa school na ako kaya naman nakapunta ako sa room ko ng maaga. Nakaschool uniform na din ako nang pumunta dito. Madami na ding estudyante ang nasa room namin kaya nahihiya akong pumasok. Pagpasok ko nagtinginan ang halos lahat sa akin. May mga ngumiti sa akin, may mga seryoso ang mukha, at ang mga lalaki nakatingin lang sa akin. Nag-hi ako at nakakatuwang naghello sila pabalik. Tumingin ako ng vacant seat. At sa paghahanap ko ang nakita kong magandang upuan ay sa bandang likod malapit sa bintana na tanaw ang stage sa covered court at kita din dito ang garden.
Nagdatingan na ang iba ko pang kaklase. At may sari-sarili silang mundo. May mga lumapit sa akin at nagpakilala. Katulad ni Macey, Joana, Mavy, at Jennie. Mababait naman sila, magaganda din, katamtaman lang ang katawan hindi mataba at hindi mapayat. Umupo na din sila sa kanilang seats. At nakita ko sa di kalayuan na papasok si Wonu. "Dito classroom ni Wonu? Paano si Shua at Han?" Pabulong na tanong ko. Nang makapasok siya tinaas ko ang kanang kamay ko. Agad naman niya iyong nakita at tumabi sa akin. Nagbulungan agad yung mga babaeng ang sama ng tingin sa akin kanina.
"Buti nalang kaklase kita, magkaklase sila Shua at Han eh." Sabi niya. " Akala ko di ko kayo magiging kaklase o hiwa-hiwalay tayo. Pero atleast may kasama pa din tayo." Sabi ko na sinang-ayunan naman niya. Nagulat kaming dalawa ng magtilian ang mga kababaihan sa classroom. Wala ng ibang vacant seat kundi ang row ng upuan namin. Apat lang upuan sa kada row. At kada group ng row ay may apat lang din. So bale 12 seats sa kanan 8 seats sa gitna at 12 seats ulit dito sa kaliwa kung saan kami naka-upo.
Tinignan ko kung sino ang papasok at kung bakit natili ang mga babae. Papasok si Mingyu. "Dito room niya? Saan yan uupo ngayon? Sa tabi namin ni Wonu? Naku-nako parang gusto ko ng lumipat ng ibang classroom." Sabi ko sa isip ko. Umupo si Mingyu sa row namin ni Wonu, may isang vacant seat lang ang layo sa amin. Pumasok na din ang teacher namin.
BINABASA MO ANG
Secret Feelings | Mingyu
FanficWe're friends simula nung 5 years old pa lang kami. Not up until now. He changes a lot. Parang ako, I changed pero hindi katulad ng pagbabago niya. Anlayo niya sa dating siya. At anlayo ng dating pakikitungo niya sa akin, sa pakikitungo niya ngayon...