3 "Buhay ka pa ba?"

66 1 0
                                    

(Credits to madness and insanity...luv lots!)

Zyrah's P.O.V.

Kriinnnggggg!!!!

(tunog ng bell namin.)

"Yehey!!! Recess na! Sa wakas!!" sabi nung isa naming kaklase. Si Jun pala yun. Palagi kaseng bored yun pag history time.

"Hoy! Lumabas ka na nga! Nakaharang ka sa daan eh!" sigaw nung babae kong classmate sa likod ko.

Nakaharang pala ako? Eh ang laki nga ng space sa gitna eh. Harang ba yun?! Maganda sana si Cleah kaso ang panget ng ugali. Dahil wala naman akong magawa sa sigaw nya edi lumabas na ako ng tuluyan sa classroom, mga tao talaga dito. Nakuu!

"Hoy Xyrah panget! San mo balak pumunta ha?!"

At butike! Bat ba palagi tawag sakin ngayon hoy? Si hoy ba ako? At umaandar na naman ang mga loka nato. Eh sino pa ba sila edi sila Dennise Tan at ang mga alapores nya. Pinalampas lng nila ang first day of school aandar na naman sila sa mga kalokohan nila. Hayy buhayy...

"San pa ba ako pupunta pag recess time sa bahay ko?" mahina kong sabi.

"Aba! At sumasagot sagot kana ngayon ha?! Hawakan nyo nga yan!" Sabi nya sabay utos sa dalawa nyang alapores.

Hala narinig nya? Eh ang hina lng nun ah. Inis na kase ako sa kanila eh.

Bigla naman akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Ano to kidnap?!

"Hoy! bitawan nyo nga ako?! Anu ba?!" Sigaw ko habang nagpupumilit bawiin sa kanila ang mga braso ko. Ang lalakas naman ng dalawang to nagwork out ba sila? Teka san ba nila ako balak dalhin? Papuntang mini forest to ah?

"Pwedeng wag kang magreklamo di bagay sayo eh." Sabi ni Mara

"Oo nga! Kaya sumama kana samin panget!" Sabi naman ni Frannce. Si Frannse yung isa pang alapores ni Dennise, actually Clara Frannse ang totoong pangalan nya.

"Aray! Anu ba?!" Sigaw ko sa sakit. Kung makahawak naman tong dalawang to.

Nasa madilim na hallway na kami. At dito na din sila hum into.

"Long time no see Xyrah! Good thing, mas lumevel up ka ngayon. See! Mass pumanget ka ngayon!" Dennise. Tas nagtawanan sila.

Anung long time no see? Summer lang nga kami di nagkita eh. At joke back yun? Di ko gets eh? I mean di ko talaga sya gets, pero parang gusto ko talaga silang sipain, tadtarin ng bala, gawing chop chop lady, at mali ladies pala, tapos ilibing sa tuktok ng Mt. Everest. Tas huhukayin at ipapalapa sa mga pating sa Pacific Ocean. Muaaaahhhahaha!!!

"Hahahahaha!!" Ako

Tas napatigil sila sa pagtawa.

"Oh bat napatigil kayo? Cege tawa pa tayo hahahaa!!" Tas tinitigan nila ako ng masama at biglang hinigit ni Dennise yung kamay ko sabay sigaw.

"Hoy! Xyrah, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Hindi mo ba alam na wala kang karapatan na makisale sa amin! Bawal ang mga katulad mong PANGET!!!"

Ouch! Ang sakit naman nun! Kung makadiin ng salitang panget kala mo kung sinong maganda. Eh kamukha ng a nila yung flower horn namin eh. Tapos yung mga mukha nila parang mga clown sa perya. Alam ko namang pang it ako sa paningin nila. Pero mas pangit pa yung mga ugali nila!!

Pinipilit kong bawiin yung kamay ko kaso mas humigpit pa yung hawak nya sakin hanggang sa sumakit na yung sa may pulso ko dahil sa kuko nya.

"Bitawan mo nga yung kamay ko!!!!" Sigaw ko, masakit na talaga sya.

"HOW DARE YOU PARA SIGAWAN MO KO NG GANYAN!! ISA KA LANG HAMAK NA PANGET NA NAKAPASOK SA SKWELAHANG ITO!!"

"Aarraayy!!!" Sigaw ko sa sakit.

Bigla na lng nya ako tinulak ng malakas na halos mautog yung ulo ko sa sahig.

Sisipain na sana ako ng dalawa nyang kasama nang biglang may narinig silang mga yabag ng paa sa di kalayuan. Bigla nalang silang napatigil.

"Princess Dennise, may paparating na epal!!" Mara

"Oo nga princess Dennise, baka makita tayo!" Frannse

Tinutukan naman ako ni Dennise ng masama.

"Di pa tayo tapos Xyrah, PANGET!!" tapos sabay talikod at naglakad na palayo. Naiwan naman yung mga alapores nya na gusto pa ata akong bugbugin kaso tinawag na sila ni Dennise.

Aray! Mukhang napuruhan ata tong pwet ko sa pagtulak kanina. Di ko tuloy magawang tumayo agad. Bad trip naman oh. Mukhang nagalusan pa ako ng konte.

Kaya nakahiga lng ako sa sahig ng ilang minuto. Di ko naman maaabutan pa yung next subject ko eh. Mukhang ang pait naman ata ng recess ko. Sana dumiretso nalang talaga ako sa bahay kanina noh. Hayyy....

"Buhay ka pa ba?" Boses

Hah? Ikaw ba to Lord?! I mean Hindi naman ako patay hah. Teka baka ikaw to fairy god echos?! Pero teka sa notebook lng kita sinulat ah. Madilat nga yung mata.

"SINO KA?!!!"

End of chapter 3...

My Damsel Princess (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon