Isang gabi na ang lumipas at ngayon ay disperas ng Pasko. Ang lamig ng umaga at naninindig ang balahibo ko. Ngunit gayun pa man, napanatag ako na nahuli na at nagbayad na ang may mga kasalanan sa pagpatay kay Julio.“Maligayang araw pamangkin,” bungad ni Tiya Louda paglabas ko ng silid.
Isa pa ‘tong panira ng araw. Kung umasta akala mo anghel, may sungay naman. Kung sa bagay, ang demonyo ay dating anghel na naging masama. Pero itong si Tiya Louda ay likas ng masama.
“Hindi pa ba kayo aalis ng hacienda?” malamig kong tanong.
“Hindi pa, s’ya nga pala, may sulat ka mula kay Rose Blue? Sino ‘yun?” panghihimasok n’ya.
Pati pa naman buhay ko panghihimasukan n’ya. Ang init ng dugo ko sa kanya. Hindi ko alam pero tuwing nakikita ko s’ya, kumukulo mga laman-laman ko.
Hinablot ko ang liham saka lumabas ng bahay. Ni hindi ko s’ya pinansin basta dire-diretso lang ako. Ayokong makita ang pagmumukha n’ya at ng pamilya n’ya nasisira ang araw ko.
Magandang araw aking sinta, mamayang gabi ay may sayawan sa bayan bilang pagsasaya sa papalapit na kapaskuhan sana ay makasayaw kita roon.
Ikagagalak ko ang iyong pag-unlak, mamayang alas-otso sa Plaza de San Feliciano.
-RoseKahit unti nawala rin ang init ng ulo ko. Naririto na naman ang mag-ama sa hardin ng hacienda. Kahit saan ba ako tumingin naroroon sila?
“Ihanda ang pinakamagarbo kong uniporme,” utos ko na agad naman sinunod ng isang babaeng tagapagsilbi ng hacienda.
Kahit na papaano kailangan ko rin namang magsaya sa araw na ito. At makakasayaw ko rin ang aking sinisintang si Rose.
----------
Naririto kami sa plaza para sa pagdiriwang. Halos isang daang sundalo ang pinagbantay ko ng lugar lalo na at baka makapasok ang mga Hapon.
Lahat ng naririto ay nakabarong, saya at ang iba naman ay nakadamit magsasaka. Lahat ng naririto sa bayan ay may karapatang sumali sa sayawan.
Nagtipon-tipon sila sa gitna nang magsimula ang marahang tugtog. Hinahanap ng mata ko si Rose sa paligid at nagtagumpay naman ako dahil nakangiti s’yang nakatingin sa’kin.
Lumapit ako saka lumuhod at inilahad ang kamay sa harap n’ya. “Binibini maaari ko bang makuha ang kamay mo at maisayaw ka?” nakangiting alok ko.
Inilagay n’ya ang kanyang palad sa kamay ko saka ako tumayo at magkasama kaming pumunta sa gitna. Aking inilagay ang dalawang kamay sa baywang n’ya habang s’ya naman sa balikat ko.
Dalawa naming sinasalubong ang musika at sumasayaw gaya ng iba rito sa plaza. Nakangiti at masaya kaming gumagalaw ng walang pag-aalinlangan.
“Binibini, maaaring hindi ko pa ito nasasabi ng pormal, sa mundo natin, maraming storya ng pag-ibig at kapag tinanggal mo ang kaartehan, isang bagay lang ang lilitaw, ‘yun ay ‘mahal kita.’” Ngiting sambit ko.
Ngumiti s’ya saka ipinatong ang noo sa dibdib ko saka nagsambit, “I love you on the other side of my heart.”
Ilang oras ang nakalipas at tumigil ang tugtog. Ngayon naman ay kampana naman ng simbahan ang tumunog hudyat na magsisimula na ang misa.
Humawak s’ya sa braso ko saka kami pumasok sa simbahan. Naririto rin ang pamilya Blue at sila Tiya Louda sa kabilang dulo ng simbahan.
---------
“Maligayang pasko aking pamangkin!” pagpasok ng bahay ay bumungad ang demonyo.
Alas-dose na pala ng gabi nang ‘di ko namamalayan. Mukhang pati ang pasko ko masisira ng pamilyang ‘to!
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romance"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...