Chapter 20: Matching Chains

394 7 3
                                    

Hey! Andito na naman ang isang early update.. Ahahaha

Please bear with my kacornihan. Hindi ko nga alam kong bumebenta ba yung jokes at kilig moments sa inyo o hindi lang talaga halata na meron nun. hahaha! I just hope that you enjoy reading it as much as I enjoy writing it. hehe.

So, malapit na ang student ball! Naihanda niyo na ba ang ball gowns niyo? Eh mayroon na ba kayong date? haha. Kung wala pa, pwede ako! Ako na lang plith? haha!

Tama na nga! It's December 1 and this will be an early treat from me! Yiih! Sana maihabol ko pa ang events nito sa actual Christmas eve para damang dama! xD

Oh siya ang daldal ko ngayon pansin niyo? Haha

Enjoy Reading Guys! :)))) ---and don't forget to fill me with your own ideas and comments!

-L

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa isang araw? Ilang bagay ba ang pwedeng mangyari? Kung normal lang na araw, paniguradong boring. Well, yun naman talaga ang meron sa mga oras na may pasok. Pero pag wala naman paniguradong mas walang kakwenta kwenta ang mga pangyayari. Yun nga lang, mas naappreciate yung rest day, yung buong araw na hihilata at walang gagawin kundi matulog.


Pero ngayon, mas naappreciate ko ang may pasok.


"Ang sarap mo talagang magbake Tommy!" papuri ko sa binake niyang cheese cake. Grabe kasi umuusok pa at talagang nalalasap ko yung crust niya. Pagkakagat kasi, parang natutunaw yun tapos ang lambot lambot pa nung loob niya at nakakapanglaway naman yung filling.


Naghati pa ako ng malaking portion nung binigay niya sa aking slice kanina saka masayang isinubo yun. Grabe talaga napapapikit na lang ako habang nilalasap ko yung lasa. Parang lahat sumasabog sa loob ng bibig ko.


Ito pala kasi yung laman nung may takip kanina sa trolley stand at si Tommy pa talaga ang nagbake. Kaya nga favorite ko siyang utusan sa council na ipagbake ako kasi alam kong magaling siya. Hula ko nga nung una eh pastry chef siya. Yun pala hobby niya lang ito.


"Talaga?" minulat ko yung mga mata ko at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Tumango tango naman ako at kumuha ulit ng bagong portion ng cake. Siguro kung bibigyan ako ng isang buong cake na ganito, mauubos kong mag-isa. Sa sobrang sarap ba naman at saka hindi siya nakakaumay.


"Sige lang kumain ka pa." udyok niya. Aba tinuruan akong huwag tumanggi sa grasya kaya naman kumuha pa ako. Hindi ko naman itinatangging may pagkapatay gutom ako at sa oras ngayon ay nagpipig out na naman ako sa harap ni Tommy. Hindi naman ako nahihiya eh. Di naman kasi ako yung klase ng babaeng mahinhin. Kung anong natural mong ugali di yun, basta ba wala kang naapakan di ba?


"Ahm Tommy,.." tumunghay ako at napatigil sa sunod kong sasabihin ng bigla niyang abutin yung labi ko. Nakatulala akong nakatingin sa kanya at siya naman ay parang nahihiyang napailing nung bawiin niya yung kamay niya.


"Ang dungis mo talagang kumain kahit kelan." wika niya at sunod na pinagtuunan ng pansin yung slice ng cake niya. Pinunasan ko na lang yung gilid ng labi ko gamit ang kamay ko saka siya pinanood. Kanina pa niya nahati kasi yung kanya pero hindi niya pa rin naisusubo.


"May problema ba?" pagkatanong ko nun ay masyadong mabilis ang ginawa niyang pagtingin sa akin kung kaya napakunot ang noo ko.


"Anong problema wala kaya?" natatawang sagot niya.


"Wala daw. Wag mo nga akong pinagloloko." pinaningkitan ko siya ng mata at saka biglang natawa nung may marealize ako."Teka, naghahanap ka ng date no!?" sa sinabi kong yun ay agad na nanlaki yung mga mata niya. Tss.. "Sabi na nga ba eh."

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon