Xianna's pov
Isang linggo ang naka lipas simula ng pagkamatay ni Jason. Nakilamay kami sa mga magulang niya. Sobra ang iyak ni Sabrina nun na kasintahan pala ni Jason.
"Hey!!" Someone said and snap their finger in front of me.
"What!?" Irita kong sagot. Isang linggo ko nadin iniiwasan si Victoria. Hindi ko alam kung kokomprontahin ko ba siya sa narinig ko or hindi. But one thing is really clear to my mind.
I need proof.
"Hoooy! Tulala kananaman. Parang ikaw ang namatayan ah.." Saad ni Kath. Nakaupo kami sa tambayan namin sa garden. Andito si Red, Drake, Aubrey, at Kath. Wala si Sabrina, ayaw niya daw lumabas. Kahit anong pilit namin ayaw.
Well, I can't blame her. She lost someone she love.
"May iniisip lang." Sagot ko, they look at me for a brief moment at nag patuloy na ulit sa kwentuhan.
Simula din ng alitan namin ni Victoria ay hindi niya ako kinausap. Kaya madali lang sa akin ang iwasan siya.
"Hey Stranger.." Bulong ng kung sino sa tenga ko kaya napabalikwas ako ng upo.
"Ano ba!?" Irita kong saad dito. She laughs and pinches my cheeks.
"Ang cute mo talaga." Tugon naman nito na lalong ikinaasar ko.
"Claire, I told you to stay away from me." Walang emosyon kong saad. She pouted at nag papacute sa akin.
"Hindi mo ba ako na miss?" Tanong ng nakakairita niyang boses.
Claire is the one I kissed when Red is chasing me. Buti nalang at hindi nakita ni Red ang mukha ko kaya hindi niya alam na ako yun. Now I really regret my decision of kissing her. Gosh!
"Andito kana pala Claire." Nakangiting saad ni Kath. Binati naman siya ng mga kaibigan ko at nginisihan naman sila ni Claire.
"Yup! Namiss ko si Xianna ehh " Saad nitong linta na t'o dahil kung makakapit sa akin ay wagas.
"Go away Claire!" Inis kong litanya at inalis ang pag kakahawak niya sa braso ko. Nag pout siya at nag papaawa effect. Sorry siya hindi yan tatalab.
"Ang harsh naman Sis, may regla ka ba?" Komento ni Aubrey at nag tawanan sila.
"Ewan ko sa inyo." Saad ko at iniwan sila.
"Alam nyo, bakit hindi nyo pa sinabi samin dati na mag jowa pala kayo. Nilihim lihim niyo pa. Hindi kami judgemental." Pahayag ni Drake at nginitian ako. Something is off with his smile though.
"Kasi wala naman talagang kami." Pabalang kong sagot.
"Ayysus, mag dedeny pa. Nakita ko kaya kayo kagabi nag memake out sa hallway." Saad ni Red. Napatigil ako at napatingin sa kaniya.
Nag tawanan ang mga kasama ko but I remain expressionless.
"Wild si Xianna sa hallway napag tripan makipag chukchakan." Saad ni Kath sabay high five kay Aubrey.
"Bahala kayo diyan." I said and left. They shouted 'pikon' and laugh.
I need to find Victoria.
Pauwi na ako sa dorm ko ng marinig ko ang pag tawag ng pangalan ko. Hindi ko ito nilingon dahil kilala ko na kung kanino ang nakaka iritang boses na yun.
"Wait lang naman baby." She said and put her arms in my shoulder ng maabutan niya ako. Agad ko naman itong tinanggal at nag patuloy sa pag lalakad.
Naramdaman kong sumunod ulit siya. She kept on talking kaya inilabas ko ang headphones ko at isinalpak sa tenga ko para hindi ko marinig ang boses niya.
BINABASA MO ANG
NOT All We See Is TRUE
Misteri / ThrillerEvery one has something inside that they don't show. What you see is not everything. -Victoria Carson