His Ideal Girlfriend (One shot)

473 19 6
                                    

"Sa larangan ng larong pag-ibig. Palaging ako yung bigo at nasasaktan. Palaging ako yung umaasa at nag aassume. Mahirap ba talaga akong mahalin? Siguro nga. Dahil kung ganun ako kadaling mahalin, baka noon pa naging kami. "

"Uy section A ka?"

tandang-tanda ko pa yung unang mga salitang sinabi mo saakin. Or should I say tinanong mo saakin. Alam kong hindi mo ako kakausapin nun kung hindi mo lang talaga kailangan. Wala kasing magtuturo sayo sa classroom na papasukan mo. Transferee ka kaya naman naliligaw ka dito sa school na ito.

First impression ko sayo, manloloko at mayabang. Gwapo ka kasi eh. Parang kaharap ko nung mga sandaling yun ang isang prinsipe. Sa sobrang kagwapuhan mo hindi ako agad nakapagsalita. Nakakaspeechless kasi ang mga tingin mo eh. Parang nawala ako sa katinuan nung mga oras na yun.

Tandang-tanda ko pang winave mo ang kamay mo sa mukha ko sa sobrang tameme ko sayo. Doon palang ako nakabalik sa sarili kong katawan. Akala ko galit ka nun pero nginitian mo pa ako kaya alam ko na nung mga oras na yun na crush na kita.

Itinuro ko sayo yung room natin. Ang saya-saya ko dahil kaklasi kitang gwapo ka. Naiilang pa ako habang naglalakad dahil alam kong nasa likod kita. Hindi ko alam kung bakit parang nasira ang mga paa ako at ganun ako maglakad. Para bang na pike at sakang ako nung pinasunod kita saakin. Masyado akong lutang nung panahong yun. At first time kong maranasan yun sa tanang buhay ko.

Doon na nagsimula ang pagkakaibigan natin. Parati na tayong sabay magbreak, maglunch, gumawa ng assignments, projects at umuwi. Naturingan pa natin ang isa't-isa na 'bestfriends'. Hindi na tayo mapaghiwalay. Para bang naka stapler tayo sa isa't-isa o di kaya'y may mighty bond na nakalagay sa pagitan natin.

Minsan na din nila tayong tinukso bilang magkasintahan. Ni hindi mo nalang ito pinapansin at tinatawanan nalang kaya naman natuwa ako. Ano kaya ang ibig sabihin nun? May puwang ba ako sa puso mo?. Sana naman meron ako kahit maliit na space lang dahil ikaw, sinakop mo lahat dito sa puso ko.

Lumalim na ng lumalim ang pagtingin ko syo. Hindi ko alam kung manhid ka lang ba talaga o ano eh. Gusto kitang tanungin kung sino ang babaeng gusto mo. Pero nung ginawa ko ito, ngumiti ka lang at ginulo mo ang buhok ko. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko kasi may pag-asa ako sayo.

Sana.

Nung minsan naman kitang tanungin nagulat ako nung sinagot mo ako. Parang nagliwanag ang mukha mo at nagningning ang mga mata mo habang nagsasalita ka.

"Mabait yun, palagi akong napapasaya kahit wala naman siyang ginagawa. Bonus nalang na maganda siya"

Ewan ko pero bakit feeling ko ako yun?. Na ako yung babaeng tinutukoy mo. Mabait naman ako at napapasaya din kita parati sa mga korning jokes ko. Hindi ko lang sigurado kung nagagandahan ka saakin.

Ang saya-saya ko nung oras na yun. Parang ako yun eh. Sana gusto mo din ako gaya ng pagkagusto ko sayo.

Pero ayoko munang umasa. Mahirap ng masaktan. Baka kasi magmukha akong tangang assume ng assume, yun pala hindi ako.

Palaging tayo nalang ang magkasama kaya naman mas lalo akong nagkakaroon ng pag-asa na magustuhan mo na din ako. Masayang-masaya ako kapag may pasok, e dati naman ay hindi. Noon tuwing may bagyo ang saya ko dahil hindi ako papasok sa paaralan pero ngayon naiinis ako dahil hindi kita makikita ng isang araw o dalawa o tatlo. Ayoko! Gusto ko na nga na every 365 days in a year tayo pumasok eh. Para palagi kitang nakikita.

Schoolfair

As usual tayo nanaman ang magkasama. Palaging may kulitan at asaran. Feel ko nga na parang tayo na hindi eh. Kinacareer ko na ngang maging girlfriend mo kahit na nasa imagination ko lang.

Sumakay pa tayo sa roller coaster kahit na ayoko dun. Alam ko kasing gustong-gusto mong itry kaya naman umoo nalang ako. Kahit na masuka-suka na ako sa sobrang hilo ko. Mahalaga kasi ang mga ngiti mo saakin eh.

Nung gabing yun hinatid mo ako saamin. Nagulat ako nung hinawakan mo ang kamay ko. Hindi ako makasagot at napahinto sa paglalakad. Tinignan mo ako at sinabing...

"Nag papractice lang hahahaha" atsaka mo ginulo ang buhok ko. Nag tuluy-tuloy na tayo sa paglalakad kahit na lutang na ako. At parang ninakaw na ang kaluluwa sa katawan ko. Hindi ako makapaniwala. Kinikilig ako anak ng tinapa!. Nananaginip lang ba ako? Hindi eh. Hanggang makadating sa bahay magkahawakan tayo ng kamay.

Hindi ako makatulog nung gabing yun. Naiisip ko yung ginawa at sinabi mo. Totoo kaya yun?. Napatili nalang ako sa sobrang saya ko. Sa sobrang saya ko nung gabing yun, kahit hindi ako magaling magdrawing at tamad akong babae. Nakuha ko pang ipagdrawing ang kapatid ko sa project niya. Nagawa ko pang makapagluto kasama si mama sa kabila ng pagiging tamad ko at sa wala kong talento. Lahat ng hindi ko talaga ginagawa, nagawa ko. Dahil yun sayo.

Simula nung nangyari yun. Palagi mo na ding ginagawa. Para saakin yun na ang way mo na sabihing mahal mo ako. Sana lang talaga hahahaha.

Pero hindi parin ako matatahimik kung hindi yun mismo nanggaling sa bibig mo. Gusto na kitang kausapin at tanungin kung ano ba talaga ako sayo at ano ang dahilan ng mga pinapakita mo saakin.

Valentines Day

Bitbit ko sa kamay ko yung paperbag na may lamang chocolate. Ngayon na kita tatanungin. Ang tagal kong inipon ang lakas ng loob ko sa gagawin ko. Sana naman hindi umurong ang dila ko. Hinihintay kita sa labas ng classroom. Naiwan kasi kayo dahil hindi niyo natapos ang kailangan niyong ireport.

Nung mga bandang 5:00 na ng hapon lumabas ka din. Dala ang nakakaakit na ngiti sa iyong mga labi. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. HindiM dapat ngayon na, baka magsisi pa ako sa huli.

Tinanong kita kung pwede tayong mag-usap. Umoo ka naman at nagtungo tayo sa may playground ng elementary dept.. Dito kasi ang tambayan natin pag may seryoso tayong pag-uusapan. Bukod sa bata lang ang mga nandito at wala silang pakialam sa kung ano mang pag-uusapan natin.

Nakaupo tayong dalawa sa swing at nakakandong saakin ang paperbag kong ibibigay sana sayo.

Bumuntong hininga muna ako bago kita kinausap. Pero nagulat ako nung tumayo ka at lumuhod sa harapan ko habang nakaupo ako sa swing. Hinawakan mo pa ang kamay ko kaya naman bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ito na ba yun? Ito na ba talaga ang hinihintay ko dati pa?

"Ikaw palagi ang nagpapasaya saakin. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na akala ko imposible kong magawa. Ikaw ang naging inspirasyon ko. Kapag may pinagdadaanan ako, isipin lang kita para bang ang gaan na lang lampasan ng mga ito. Ikaw palagi ang naglalagay ng ngiti sa labi ko. Ikaw lang at wala ng iba. Mahal na mahal kita" nanlaki ang mga mata ko at mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay mo. Totoo ba talaga ang mga sinasabi mo?. Para bang naglulundag ang puso ko sa tuwa sa narinig ko. Parang musika sa tenga.Ang sarap pakinggan. Lalo na dun sa huling apat na salita.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi mo. Nanatili akong nakatingin sayo. Ngumiti ka kaya naman napangiti na din ako. Heaven to mga dre. Hindi ko expect ang mga nangyayari.

Tumayo ka bigla mula sa pagkakaluhod mo atsaka ako tinitigan sa mata.

"Ano ayos ba? Hahahaha. Balak ko sanang sabihin yan kay Trisha."

"Sa larangan ng larong pag-ibig. Palaging ako yung bigo at nasasaktan. Palaging ako yung umaasa at nag aassume. Mahirap ba talaga akong mahalin? Siguro nga. Dahil kung ganun ako kadaling mahalin, baka noon pa naging kami. "

--------------

Copyright 2014 by Nicolodeion

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Okay hahaha. At dahil wala nanaman daw pasok bukas due to bagyong Ruby. Keep safe everyone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Ideal Girlfriend (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon