Her POV
Hay. As usual wala na namang klase. Nandito kami sa room. Nakatambay kami sa tapat ng aircon. Tutal nagbabasketball naman ang tao na nakaupo sa part na ito.
Katabi ko sa left side si Andy. Kuya kuyahan ko. Katabi naman niya si Serena. Isa sa tropa ko. Inaantok ako kaya umunan ako sa balikat ni Kuya at pumikit. Nakatakip ang isa kung kamay sa mata at ang isa ay nakapatong sa armchair.
Di pa nalalim ang tulog ko, ng biglang may humawak sa kamay ko at pinag intertwine sa kamay niya at pinisil pisil ito. Syempre nagitla ako.
Pagmulat ko, si Justine pala. Hindi ko alam kung bestfriend ko tong hayop na to. Hahaha
"Oh bakit?" Tas kinuha ko kamay ko.
"Inaantok ako." Tas kinuha niya ulit ang kamay ko at pinaglaruan.
"Pakealam ko." Kinuha ko ulit ang kamay ko at bumalik sa pagkakapatong ng ulo sa balikat ni Kuya.
Hinatak niya ako at umunan sa balikat ko. Wala na kong nagawa. Patuloy padin siya sa paglalaro ng kamay ko.
Sa sobrang antok ko talaga nakatulog ako na nakapatong ang ulo ko sa ulo niya.
Pagkagising ko ang sakit ng leeg ko. Tiningnan ko si Just tulog na tulog pa din.
Nagpaalam na si Kelly. Ang class president namin. Ako na daw ang magsara ng room.
"Hoy Shina una na ko. Ikaw na maglock ng room. Patayin mo aircon. Himbing ng tulog ng labi dabs mo. Hahaha. Ingat beh." At kiniss niya ko sa cheeks. Tropa ko yan e.
Tulog pa din si Just. At nakahawak parin siya sa isa kong kamay.
Gamit ang isang kamay tinapik ko ang pisngi niya, "Just. Just."
"Hmmm" At hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko.
Hay, kung assuming lang ako...
"Justine hapon na. Gumising kana. Ilalock ko na ang room"
"Ehhhh." Pagkatunghay niya agad akong tumayo, pero hinatak niya buhok ko kaya nagulo.
"Katanga mo lang. Nagulo tuloy." Aayusin ko na sana kaso,
"Akin na." At pinatalikod niya ko. "Ako mag aayos" At inayos niya buhok ko. Kahit lalaki siya alam niya kung pano mag pony. Palibhasa may kapatid na babae.
Hinatid niya ko pauwi. Baka daw kasi maglakwatsa pa ko.
Kinabukasan 2 subjects lang na klase namin dahil wala yung mga susunod na subject teachers. Kaya dating gawi.
Magkatabi ngayon ang magsyotang si Isaiah at Sia. Nasa kasayahan kami ng biglang may naglean at hinalkan ako sa pisngi.
"Yieeeeeee!" Sila.
Pagtingin ko si Just. Lintek. Kung assuming lang ako...
His POV
Katatapos ko lang mag basketball. Umakyat na ko at magpapalamig sa room.
Pagpasok ko, narinig ko ang tawa ni Shina. Hay. Para siyang magnet. Lumapit ako sa kanya at hinalkan siya sa pisngi.
Nag yieee ang mga kaklase namin. At ngumiti naman siya at binatukan ako.
Hay... kung assuming lang ako.
Nag uwian na sila. Nagbabasketball pa kami ni Isaiah at Karl dito sa school.
"Pare nililigawan mo ba si Shina?" Si Isaiah.
"T-tanga. M-maligawan ko naman yun."
"Sabagay di yun ang tipo mo." Si Karl.