My Princess

88 0 0
                                    

Nakatingin ako sa mga bituin. Tila ba nangugusap sila sakin. Ang sarap sa pakiramdam. Sa pagtingin ko sa langit nakakausap ko sya. Yung babaeng nagpatibok ng puso ko. Yung babaeng naglagay ng mga ngiti sa aking mga labi. Yung babaeng minahal ko higit pa sa sarili ko.

Sa sobrang pagka-miss ko sa PRINCESS KO. Napagdesisyunan ko na puntahan sya. Kaya agad akong pumunta ng Dangwa. Dun kasi madaming bulaklak na pagpipilian. Paborito kasi ng Prinsesa ko yung RED na ROSE. Natutuwa kasi sya. Napakaganda daw ng kulay nito. Buhay na buhay kasi. 

Naka-bili na ko ng bulaklak. Dumaan ako sa isang supermarket. Bumili ako ng paborito nyang grapes. Yung seedless. 

Agad agad akong sumakay ng jeep papunta sa kanya. 

Ramdam ko ang init ng panahon. Sikat na sikat ang araw.

Naiinip na ko. Ang init pa. Kinuha ko ang aking cellphone. Nakita ko agad ang mukha ng aking Prinsesa. Napaka-tamis ng ngiti nya. 

Hindi ko namalayan na medyo malapit na pala ako. Agad akong pumara.

Pumasok ako sa isang daan.

Tahimik lang.

Walang tao.

May mga babaeng nakaupo sa isang sulok. Tila pagod na pagod sila.

Agad kong natanaw ang lugar kung nasan ang Princess ko.

Umupo ako.

Nilagay ko ang dalang bulaklak sa tabi ng aking Princess. Kasama ang paborito nyang grapes.

Kinuha ko sa aking bag ang kandila. Sinindihan ko ito at tinirik ko sa tabi ng aking Princess.

Miss na miss ko na sya. Iloveyou Princess. Sana masaya ka kung nasan ka man.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot: My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon