LOKIAH'S POV
"You are the way th--"
Naglalakad ako pauwi sa amin habang kumakanta ng biglang may magarang sasakyan na huminto sa harapan ko. May lalaking bumaba mula sa passenger's seat at pinagmasadan ako mula ulo hanggang paa then he smirked at me.
Napansin kong biglang nagtilian ang mga kababaihan sa paligid ko habang ang iba naman ay nakiki-chismis lang.
Hindi ko masisi ang mga kababaihang kinikilig dito dahil may itsura ang lalaki kahit na may peklat ito sa mukha. Tinitigan ko ulit ang lalaki at narealized kong ito ang anak ng mayor na basagulero at babaero, si Pagnell. Marahil ay naghahanap nanaman ito ng babaeng bibiktimahin.
Aalis na sana ako dahil baka mapagdiskitahan pa ako nito pero nagulat ako ng bigla itong humarang sa dinaraanan ko.
"Lokiah right? You're so damn pretty." Pinagapang nito ang kamay sa leeg ko pababa sa balikat at inabot nito ang strap ng suot kong bistida at ibinaba iyon. Bigla akong nagka-goosebumps dahil sa pagkabigla.
"Bastos!" Agad ko naman itong sinampal at itinaas ang strap ng bistida ko. Tinitigan ko muna ito ng masama bago tumakbo palayo. Nginisihan niya lang ako na para bang hindi nito pinagsisihan ang ginawa.
Bastos! Napakabastos! Hindi purkit mayaman ito ay ganito na ang trato niya sa aming mga maralita. Kung tingin nito na ang lahat ng mga babae na kaparehas ko ng estado sa buhay ay mabilis niyang napapaikot sa mga kamay niya pwes iba ako!
Kumalma lamang ako ng makarating ako sa tahanan namin at makita ko ang ama na natutulog sa sofa ng sala habang ang aso naman naming si Red ay nakapwesto sa paanan nito na tila ba binabatayan ang aking ama.
Himbis na gisingin ay kumuha nalang ako ng kumot para hindi ito ginawin at hinalikan sa pisngi bago iniwan ito at dumeretso sa loob ng kwarto ko.
Nakatayo ako sa harap ng salamin habang naghuhubad ng damit. Hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko sa ibang kababaihan.
Sabi ng nakararami ay maganda ako pero mukhang bata nga lang.
Ang taas ko ay saktong apat na talampakan at siyam lamang. Maliit rin ang mga dibdib ko para sa isang eighteen years old na dalagang tulad ko. Itim ang buhok ko na tuwid na tuwid na kasalungat ng maputla kong kutis na para bang gatas.
Kaya siguro walang nagkakainteres sa aking lalaki dahil mukha akong bata, tapos mukha pa akong white lady. May nagkakainteres nga pero puno naman ng pagnanasa ang trato sa akin tulad ng anak ng mayor.
Kailan ba ako makakahanap ng lalaking mamahalin ako? Halos lahat ng dalaga dito sa baranggay namin ay may karanasan na sa pakikipagrelasyon. Minsan 'di ko masabayan ang usapan nila tuwing nagkwekwento sila kung gaano kasarap ang mahalikan ng kasintahan kaya umaasa nalang ako sa mga nobelang nababasa ko.
Napabuntong hininga nalang ako at nagbihis na upang matulog.
Nagising ako ng may marinig akong putok sa labas ng kwarto ko. Agad akong napabangon upang silipin ang nangyayari.
Napasinghap at napatakip nalang ako ng bibig ng makita ko ang ama kong naliligo sa sariling dugo habang may nakatutok na baril dito. Tiningnan kong maigi kung sino ang bumaril sa tatay ko at hindi ako nagkakamali ang anak ng mayor!
Humihinga pa ito na tila ba lumalaban parin para sa buhay. Nakita ko itong humarap sa gawi ko at pilit na sinabi ang mga salitang, "Anak! Takbo!"
Napatingin naman sa akin ang anak ng mayor na may malademonyong ngiti bago nito muling pinaputukan ang ama ko sa ulo.
Takbo. Gusto kong samahan ang ama ko pero alam kong gusto nitong iligtas ang buhay ko kaya bago pa man makalapit sa akin ang mga tauhan ni Pagnell ay sumipol ako para tawagin si Red. Tumakbo ang aso kasama ko papasok sa kwarto ko. Agad kong kinandado ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The Right Hand
Ficção Geral"Is he going to be my right hand?" I gulped when I saw a man standing with full of confidence. The intensity in his eyes were intimidating me. Lumapit sa akin ang lalaki para obserbahan ako at hindi ko mapigilang mapayuko dahil sa itsura ko. I feel...