[Vannie’s POV]
“Nanay! I will be late na!”
“Here Gino, here’s your baon.” Lumapit ako kay Gino and kissed him on the forehead. I gave him his baon. “Gino, be a good boy ha? Don’t forget to pray during your trip. Promise me you’ll be okay there?”
“Yes nanay! I promise! Saka nanay, I’m a big boy na. I can handle myself!” Gino hugged me tightly. I hugged him back.
“I’ll petch you at 7:00 PM okay?” Tumango naman si Gino sa akin at excited na sumakay ng kotse. Binuksan niya ang bintana at kumaway sa akin.
“Nanay! I will miss you! You and tatay and Luke! I love you Nanay! Bye Nanay!” Hindi ko alam pero hindi naging maganda ang pakiramdam ko ng marinig kong nag-bye sa akin si Gino. I was about to stop them but the car already went on. Napabuntong hininga lang ako and started going inside the house.
-
Umakyat ako para pagdalhan ng pagkain si Luke. Nilalagnat nanaman kasi siya. “Luke, baby.. Wake up.”
Dumilat naman si Luke at ngumiti sa akin. “Kumain ka muna oh, para makainom ka ng gamot mo.” Sinubuan ko si Luke ng porridge. Kumakain naman siya.
“Nanay, water.” Nakalimutan ko palang kumuha ng tubig.
“I’m going to go down to get you water okay? Just wait here.” Tumayo ako saka bumaba. Dumiretso ako sa kusina saka kumuha ng baso. Pinatong ko yun sa mesa saka kumuha ng pitsel. Pero nabangga ko ang baso at nahulog yun sa sahig.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Parang hindi ako mapalagay. Hindi ako mapakali. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Gino.
Pero bumukas ang pintuan at nakita ko si Gian na pumasok sa loob ng bahay. “Nandito na ako mahal, maaga kaming pinauwi ngayon eh. Nasan ka?” Nagmadali akong tumakbo palapit kay Gian at niyakap siya. “Mahal.. Bakit?”
“Hindi ako mapalagay. May bumabagabag sa akin Gian. Hindi ko malaman kung bakit pero..”
“Ssh.. Okay lang yan Vannie. Nag-aalala ka lang kay Gino. He’ll be fine.” Medyo kumalma naman ako ng sabihin ni Gian yun. Siguro nga, siguro masyado lang akong nag-aalala para kay Gino.
–
3RD PERSON’S POV:
NAKASAKAY si Gino sa bus, just on time. Kasama niya ang Yaya niya na umupo sa bandang unahan ng bus. Excited na excited si Gino para sa fieldtrip niya. Pero bago pa man umandar ang bus ay nagdasal na muna si Gino, katulad ng sinabi sakanya ng nanay niyang si Ivannah.
Umandar ang bus at tuwang tuwa si Gino. Eto ang unang beses na sasama sa fieldtrip si Gino kaya excited na excited ang bata. Masaya silang nagkakantahan habang bumabiyahe. Ang mga kaibigan ni Gino ay inaya siyang kumain habang nasa biyahe.
Habang nagdadrive ang bus driver ay mayroon siyang napansin sa minamaneho niyang bus. Pero isinawalang bahala niya lang yun. Patuloy lang siya sa pagmamaneho.
Nagring ang phone ni Gino at lumabas ang pangalan ng nanay niya. Sasagutin na sana ni Gino yun ng biglang gumewang gewang ang bus. Niyakap ng yaya niya si Gino. Nagsimula ng magpanic ang lahat. Wala silang ibang magawa kundi ang umiyak.
“Sira po ang preno ng bus!” Sigaw ng bus driver. Lalong nagpanic ang lahat. Kanya kanya sila ng paraan para makatakas sa bingit ng kamatayan. Pero hindi rin nila nagawang makaalis.
PATULOY sa paggewang gewang ang bus. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang bus at duguang nawalan ng malay ang mga pasahero, kabilang si Gino.
–
[Vannie’s POV]
4 PM.
NASA sala lang kaming tatlo habang nanunuod ng TV. Natutulog ang mag-ama ko. Kumuha ako ng isang baso ng tubig. Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun habang bumabalik sa sala. Lumabas sa screen ng phone ko ang pangalan ni Gino. Sinagot ko yun kaagad.
“Hello Gino? Kamusta ka jan? –” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may ibang boses ang magsalita sa kabilang linya.
“Is this Gino Cristobal’s mother? I am the principal of Gino’s school. I would like to inform you about the accident that happened an hour ago..” Para akong nabingi sa narinig ko. Biglang nagflash sa screen ng TV ang isang scenariong.. Ayokong makita.
Napansin kong nagising na rin si Gian at nakatingin lang siya sa akin. “Ivannah, anong problema?” Tanong niya sa akin pero hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam ang sasabihin sakanya.
[Flash news, an accident occured during a fieldtrip that caused the lives of the passengers and the teachers. It was a matter of life and death between the students..]
Patuloy lang rin sa pagsasalita ang principal ni Gino. “I’m so sorry ma’am but, your son, Gino, is one of the victims of the tragedy..”
[Napagalaman na ang mga pangalan ng mga bangkay ay sina Harold Guia, Hannah Yap, Janine Yuzon, Bea Tan, Michael Dela Cruz, Gino Cristobal..]
Nabitawan ko ang basong hawak ko pati na rin ang phone ko. Napaluhod ko ng marinig ko ang pangalan ni Gino. No. Hindi pwedeng patay na ang anak ko, baka nagkakamali lang sila. Baka mistaken identity lang ang nangyari.
“Nanay! I will miss you! You and tatay and Luke! I love you Nanay! Bye Nanay!”
“Nanay! I will miss you! You and tatay and Luke! I love you Nanay! Bye Nanay!”
Bumalik sa alaala ko ang huling sinabi sa akin ni Gino. Lalong kumikirot ang dibdib ko. Ang sakit sakit.
“Vannie..” Naramdaman kong niyakap ako ni Gian pero nagpupumiglas ako.
“Hindi pwede Gian! Hindi si Gino yon! Hindi siya yon! Nagkakamali lang sila di’ba?! Sabihin mo sakin! Nagkakamali lang sila!!” Napatingin ako kay Gian at nakita kong umiiyak lang rin siya. Hinampas ko siya sa dibdib. “Gian! Wag mong sabihin saking naniniwala ka sa pekeng balita na yan?! Buhay pa si Gino! Mali lahat yan! Maling mali! Gian!!!”
“Tara na Ivannah. Susunduin na natin si Gino.” Pinaalagaan namin si Luke sa yaya niya at nagpunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
—
[Gian’s POV]
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng marinig ko ang balita. Napakahirap paniwalaan pero hindi ako pwedeng magpakahina. Alam kong sobrang nasasaktan si Ivannah. Kailangan kong magpakatatag. Kahit sobrang sakit.
Nagpunta kami sa pinangyarihan ng aksidente. Naabutan namin dun ang bus na nakabaliktad. Nakapalibot ang mga katawan ng mga biktima sa aksidente. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Gino. Nakita ko si Vannie na naglakad na palapit kay Gino. Nakahiga siya at punung-puno ng dugo ang katawan niya.
Tumambad sa akin ang walang buhay na katawan ni Gino. Mahigpit na niyakap ni Ivannah ang anak namin. Tumulo na ulit ang luha ko habang nakikita ang anak ko. Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako?
Napaluhod ako habang hinahaplos ang ulo ni Gino.
“GIAN! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA! TUMAWAG KA! BUHAY PA SI GINO! GUMAWA KA NG PARAAN PARA MABUHAY SI GINO! GINO! GINO! GUMISING KA JAN!” Wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin si Gino at Ivannah. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao dahil wala akong magawa para sa mag-ina ko. Bakit?
“Hindi pwedeng mangyari to! Gino!! Anak ko! Gumising ka jan! Please Gino!!” Patuloy pa rin sa pagmamakaawa si Ivannah. Lalo akong nasasaktan sa nangyayari.
Hindi ko na nakaya ang nangyayari at napasuntok nalang ako sa lapag.
“GINO!”
—
Author’s Note: Hello. Feedbcks naman po para sa chapter na to. Sobrang nasaktan ako habang tinatype ko to. Umiiyak rin ako habang ginagawa ko siya. Sobrang nadala talaga ako. :( Kaya sana magcomment kayo para alam ko kung nadala din kayo. :[
- jeystarlight (Walang smiley alam kong malungkot rin kayo katulad ko. :()
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?