Chapter 25 - Hello Love

47 2 2
                                    

"Are you okay?"

Tanong ni Brad habang lumilipad ang aking isip.

"Oh, yes, yes. Don't you have class?"

"I do, I just wanted to see you..."

Matipid na ngiti lamang ang sagot ko dito saka nito inabot ang isang card.

"...and give you this."

Pagpapatuloy nito at saka tumalikod at umalis.

"Brad!"

Tawag ko dito ngunit hindi ito lumingon.

Binuksan ko ang card at binasa. Isa itong birthday invitation.

To: Brad + 1

Come and celebrate with me!

From: Megan

'Ini-imbita ba ako ni Brad na maging plus one niya sa birthday ni Megan?' tanong ko sa sarili.

Biglang naka-receive ako ng isang text.

From: Brad
cm w/ me, pretty pls?

Hindi ko alam ang isasagot dito. Sa kabilang banda ay gusto kong pumunta sa party para mawala panandalian ang mga iniisip ko kaya't pumayag ako.

Ok :)
<Message Sent>

From: Brad
il pck u up then :*

Bumilis muli ang tibok ng puso ko ng makita ang kissing smiley ni Brad sa text nito.

'Am I giving them false hopes?! Ako ba ang may kasalanan kung bakit ako naguguluhan ngayon?!' pagdududa ko sa aking sarili.

Huminga ako ng malalim at sinubukang kalimutan ang mga problema ko. Ngunit kahit anung pilit ay patuloy pa rin na pumapasok sa isip ko sina Brad, Kurt, at lalo na si Migs na makikita kong muli pagkatapos ng mahabang panahon.

Matapos ang aking mga klase ay biglang bumigat ang aking mga paa. Pawang ayaw nitong lumabas ng classroom. Bawat paghakbang nito ay anung bagal.

Mula sa malayo habang palabas ng campus ay may pumukaw ng aking pansin. Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo sa tabi ng isang pamilyar na sasakyan sa parking lot. Doon sa memorable na parking spot na iyon.

Tinignan kong mabuti ang lalaking iyon. Parang may biglang sumuntok ng aking dibdib nang tuluyan kong mabatid kung sino ang lalaking iyon - si Migs.

Nanigas ako sa aking pagkakatayo. Parang lalong dumikit ang mga paa ko sa lupa. Ayaw nitong humakbang at pawang gusto pa nitong umatras.

Lalo akong kinabahan ng lumingon si Migs sa aking kinaroroonan at saka kumaway. Hindi pa rin ako gumagalaw sa pagkakatayo habang lumalakad ito palapit sa kinatatayuan ko.

"Hi."

Matipid na pagbati nito.

Sa unang pagbuka pa lamang ng labi nito ay agad na nanumbalik muli ang nakaraan naming dalawa. Ang mga masasaya naming tawanan. Ang masasarap naming lambingan. At ang mga halik ng mga labi nito sa akin. Gusto kong sumagot ng 'Hello' sapagkat tanging kanta lamang ni Florence Warner na 'Hello Love' ang laman ng puso ko ng mga sandaling iyon.

It's good to see you
You've been gone for so long
Tried to find you
But my reason went wrong

Doesn't matter
No one cares anymore
I wish you'd come by
When I needed you before

Hello love
Where you've been
I tried to start without you
But I lost it in the wind

Hello love
Come on in
I sure could use a friend
To tell me how to start again

I'ts good to see you
You've been gone for so long

Subalit hindi ito kayang sambitin ng mga labi ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Migs. Dapat ay nagagalit ako dito dahil sa mga ginawa nito sa akin. Dapat ay puro galit ang laman ng puso ko para dito. Subalit hindi. Mas ninanais kong kumustahin ito. Mas nananabik akong yakapin ito. Marahil ay sa matagal ko itong hindi nakita. Marahil rin ay sa mas gumuwapo ito ngayon. Marahil ay sa sobrang na-miss ko na ito.

Nakatayo lamang kami ni Migs ng matagal na may ilang hakbang sa pagitan namin. Nakatitig lamang ito sa nangungusap nitong mga mata. Sa mga tinging iyon, para akong nawawala sa aking sarili. It's like I'm letting my guard down.

Pinilit kong iwasan ang mga tingin nito subalit kusa akong napapatingin dito. Kaya naman kahit hindi nito sabihin ay nababasa ko sa mukha nito ang pagsisisi.

"Nikki, hey!"

Pagbasag sa katahimikan namin ng isang matinis na boses mula sa likuran ni Migs.

Napalingon kaming pareho ni Migs kung saan nanggaling ang tawag na iyon. Galing ito kay Megan na naglalakad papalapit sa akin.

"Hey girl, where have you been? I rarely see you!"

Excited na tili nito.

"Hi Megan, what's up?"

Sagot ko dito habang nakamasid lamang sa amin si Migs na mukhang hindi napansin ni Megan.

"My birthday! So here..."

Abot nito ng card na katulad ng inabot sa akin ni Brad kanina.

"...You should come! Kurt is going to be there! And bring a date! Hihi!"

Excited na sabi nito.

Hindi ko alam ngunit noong sinabi ni Megan ang salitang 'date' ay napatingin ako kay Migs kaya naman napatingin din si Megan dito at biglang namilog ang mga mata nito.

"Of course! Who else would you bring rather than your boyfriend!"

Kinikilig na pahayag nito.

"Uhm, Meg..."

Gusto ko sanang itama ang sinabi nito ngunit nawalan ako ng pagkakataon dahil sa madali rin itong nagpaalam.

"Okay then, I'll see you there! Bye!"

Naiwan kami ni Migs na lalong naging awkward sa isa't-isa.

"Here, I already have a date."

Supladang sabi ko dito habang iniaabot ang invitation.

Nag-iba ang mukha nito na pawang nasaktan sa mga narinig nito. Ngunit mabilis din nitong inalis ang lungkot sa mukha nito.

"How are you? You look good."

Tanong nito kasama ng isang matipid na ngiti.

"Thanks."

"Where would you like to go?"

Tanong nito.

Hindi ako makapag-isip ngunit ayoko rin na ibigay kay Migs ang desisyon kung saan kami pupunta.

"Somewhere quiet and near."

Ang tanging sagot ko saka ito nag-ayang umalis.

"Let's go."

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon