Chapter Four: He's gone..

108 1 0
                                    

Chapter 4

So.. Ito na pala ang langit...

Napaka tahimik.

Napaka peaceful.

Makakarating pa pala ang isang tulad ko, na nagsuicide sa langit.

Mabait naman ako eh..

Nagmahal lang ako ng sobra sobra..

at ayun. nasaktan din ng doble pa.

"Doc, conscious na po ang patient "

Bigla akong napatigil sa pag re-reminisce. Nagawa kong imulat ang aking mata. At nakita ang isang babaeng nakaputi..

WHITE LADY?

NO. She's a nurse..

Ngayon lang nagprocess sa utak ko ang lahat..

BUHAY PA AKO. 

NAGAWA KO PANG MABUHAY SA KABILA NG LAHAT NG NANGYARE..

ANG MALAS KO NAMAN..

Tumingin ako sa nurse sa tabi ko.

"Sinong nagdala saakin dito?" Napakahina ng boses ko na parang hindi na saakin nagmamay-ari sa akin..

"Sya. "

May tinuro sya sa may pinto, hindi ko maigalaw ang aking katawan kaya hinintay ko nalang syang lumapit..

Pinagdadasal ko na sana si Jasper  yun. Pinagdadasal ko na sana bumalik na sya at pinuntahan ako.. Sana sya na nga.. Sana hindi na nya ako iiwan pa..

Nawasak lahat ng expaectations ko nang nakita ko ang nagdala sa akin sa hospital..

Isang Beki .

 Nginitian nya ako na mukha namang hindi plastik. 

"Buti naman at nakaligtas ka" Sabi nya saakin..

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Hindi naman sya nakadamit pambabae, o naka make up... Mahahalata mo naman sa isang tao kung silahis o hindi.

Iniwas ko ang tingin nya, "Bakit mo ako dinala dito, sana hinayaan mo nalang ako"

Umupo sya sa tabi ko, kung saan nakapwesto kanina yung nurse na kaaalis lang.. 

"Hindi ka pa pwedeng mamatay, madami ka pang gagawin sa buhay mo, at hindi ito dapat masayang ng dahil lang sa isang lalaki" 

"hindi mo ako kilala, kaya wag mo akong pagsabihan.. "

"kilala kita Ady.. ako siguro hindi mo na kilala.. "

Banggit nya.. tinignan ko ulit sya ng mabuti, at ngayon ko lang narealize na sya pala yun

"Oh my gosh.. sorry,,, Tami hindi kita nakilala agad" 

niyakap ko sya agad, pero napabitaw ako agad dahil masakit yung wrist ko, ... 

"Sorry,, Ady, bakit mo ginawa yun?? Hindi sya worth it"

ang silahis pala na katapat ko, ay ang pinsan ko, na matagal nawala.. Sya si Tami.. 

(picture nya sa next chapter)

"Si Jasper kase, nang iiwan nalang"

"Hay naku yang Jasper na yan.. pag nakita ko talaga sya, hindi ako magdadalawang isip na ipapatay sya"

"Wag ka namang ganyan Tami.. Mabait si Jasper at mahal na mahal ko"

"Hindi ka nya iiwan kung mahal ka talaga nya"

"Wag ka namang ganyan Tami .." Pagdadahilan ko , tama naman sya... pero.. mahal ko talaga si Jasper at hinding hindi nya ako kayang iwan.. Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko..

"Hayan ka na naman Lady Odette Manzano.. tsk tsk tsk. Iyak ka nalang ba  ng iyak dyan?? ..Iniwan ka na nga nya,, ibig sabihin nun,,, ayaw na nya sayo.. Magising ka nga Ady.. Tatlong taon kayong magkasama at nawala lahat yun, dahil nagpakasal sya sa iba.."

Napatingin agad ako sakanya ng nagtataka .

"Paano mo nalaman yun?" 

"Sinabi saakin ng nanay mo" Sagot nya saakin

"Si Mama?? Paano nya nalaman"

"Ewan ko, sinabi ata sakanya ni Jasper"

"Jasper? Nagkita sila? Nagkausap sila? Paano? Saan? Kailangan ko din syang makita.. Kailangan kong makausap si Mama.. " Mabilis kong sabi na parang bumalik lahat ng lakas ko.. Umamba akong tumayo pero pinigilan ako ni Tami..

"Tama na Ady!!!"

"WALA NG MAGBABAGO KUNG MAKITA AT MAKAUSAP MO PA YANG JASPER NA YAN.. KASAL NA SYA !! KAYA AKO NAANDITO AY PARA BAGUHIN KA,, PINAPUNTA AKO DITO NI TITA PARA SAMAHAN KA.. PARA BAGUHIN KA .. AT PARA TULUNGAN KA.. AKO MUNA ANG GUARDIAN MO NGAYON.. AT WALA KANG MAGAGAWA DUN"

natakot ako nung sinigawan nya ako.. dama ko na galit sya saakin..

"A-anong gagawin mo saakin?"

"Hindi mo muna malalaman ngayon..Ang gawin mo nalang ay magpagaling ka, at sisimulan natin ang pagbabago mo oras na gumaling ka"

Lumabas na agad sya.. Pagkalabas nya ay napahiga ako sa malambot kong kama at napaiyak ulit..

Jasper, bakit mo ako ginaganito ?? Paano mo to nagawa saakin?? 

Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon