Bandang alas dos y media ay bigla na lamang naging makulimlim ang paligid. Tila kumupas ang mga matitingkad na kulay ng mga halaman at bulaklak. Isang malaki at maitim na ulap ang bumalot sa kaninang maaliwalas na langit. Sa anumang oras ay bubuhos ang ulan.
Iniligpit namin ang aming pinagkainan saka pumasok sa loob. Nag-alok kami ng tulong kay Renata sa paghugas subali't tumanggi ito at nag-suggest na maupo na lamang kami sa sala. Mukha itong takot na mabasag namin ang mga mamahaling china dahil sa aming kalasingan.
Sa dulo ng mahabang upuan ay nakaupo si James habang nakahiga't nakapatong ang ulo ni Charlotte sa kandungan nito. Sa katabing upuan nila ay umupo si Edmund at ibinuklat ang ilang music sheet. Hiniwalay niya ang nabasang papel saka pansamantala itong iniwan sa windowsill.
"Edmund, play us a piece, will you?" wika ni Charlotte dahil sa bagot.
Sa kabila ng pagkunsumo namin ng isang bote, matuwid pa rin ang pag-iisip naming apat. Masaya namang sumunod si Edmund saka inilabas ang violin mula sa lalagyan nito. Nilihis ko pansamantala ang tingin ko habang meron siyang hinahanap na partikular na sheet at naghanda.
Mayamaya'y isang pamilyar na piyesa ang tinugtog. Binaba ko ang binabasa kong libro saka pinagmasdan si Edmund. Ang mga gamit nina James at Charlotte ay inilipat na sa dati kong kuwarto, subali't presensya lamang ni Edmund at ukupado ulit ang sala.
Kung saan-saan ko binuhos ang mga oras ko, pakiramdam ko wala akong patutunguhan.
Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nabigla si Renata sa pagsulpot ko at akmang magsalita nang hawakan ko siya sa braso papasok sa cupboard. Saka ko lang napagtanto ang abrupt kong akto nang humakbang siya palayo sa akin.
Humingi ako ng paumanhin at binitawan ang kanyang braso. Mula rito ay inilipat ni Renata ang kanyang tingin sa akin at sinuri ang mukha ko.
"Meron bang problema, Ate?"
"Sorry, Ren, ginulat pa talaga kita," mahinang wika ko. Sumandal ako sa pintuan at napabuntong-hininga. "Gusto ko lang malaman kung sa'n ngayon nakatira si Madeline. Alam mo ba kung sa'n ko man lang siya makikita?"
"Pwede ko po bang malaman kung anong pakay mo sa kanya?"
"Ren, sagutin mo na lang ang tanong ko." Sumulyap ako sa likuran ko. Patuloy pa rin ang himig ng musika. "Kailangan ko siya makausap, ngayon din."
"Kung gano'n po ay bigyan na lang po kita ng contact number niya. Sandali't kunin ko ang aking cell-"
"I must talk to her in person." Dahil sa masamang panahon, tiyak akong mas magiging mabagal ang koneksyon ng telecom. "Matagal pa bago matanggap niya ang message ko. Ayokong mag-aksaya ng oras."
Sumimangot ito. "Sa kondisyon ng panahon ngayon, hindi po kita mapapayagan umalis."
"Babalik din ako agad. Hindi ako aabutan ng malakas na ulan, kung iyan ang iniisip mo." Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Sa ilang buwan kong pananatili sa England, hindi na bago sa akin ang ganitong panahon.
Sinubukan niyang lumabas ngunit hinawakan ko siya sa pulso nito. Hindi ko sinadyang itulak siya sa pader.
"Ito bang nakuha mo sa abroad, Ate, ang maglasing?" Maingat niyang inalis ang kamay ko. "Simula pa noong bata, hilig na ninyo ni Madeline na gayahin ang mga matatanda."
Ngumiti siya nang malungkot sa akin. Natatakot ba siya na pipiliin ko si Madeline kaysa sa kanya? Na iwan ko siya at hindi na babalik?
"Mukhang desidido ka na talaga, Ate. Hindi ko na mababago ang isip mo." Mula sa bulsa ng palda niya, inabot niya ang sobreng binigay ko sa kanya kagabi. "Pero hindi ko hahayaang umalis ka na ikaw lang mag-isa."
BINABASA MO ANG
Reverie
Mystery / ThrillerHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...