LOVE IS SACRIFICE (GAY STORY)
Kahit sobrang mahal na mahal mo ang isang tao, darating tayo sa puntong kailangan nating magsakripisyo para sa sarili nilang kapakanan.
Third year college ako noong dumating si Zach sa buhay ko. Anyway, Im Seth and I'm gay. Si Zach ay nakilala ko sa facebook, my friends accepted his friend request without my permission. Saka ko na lang nalaman na friend ko na pala siya noong nagchat siya sakin. Nung una hindi ko pinapansin yung mga chats niya. He's chatting me nonstop, so noong wala akong ginagawa I replied to him hanggang sa nagtuloy-tuloy na kaming magkachat. I get to know him better, may pagkapilyo siya, loko-loko pero kahit ganun, may pangarap siya sa buhay. Im older than him kaya minsan inaasar niya akong tawaging KUYA which is he knows na ayaw ko. Sino bang bakla ang papayagang tawagin siyang kuya?! Everytime inaasar niya ako, naiinis ako pero siya tuwang tuwa. Naging close kami. Naging bestfriends. And one day, unexpectedly, nanligaw siya. So ako naman hindi makapaniwala. Wow ha? Ang gwapo niya, tapos manliligaw siya sakin? Hindi ako naniwala. Hindi ako nagparamdam sa kanya. What if pinagtritripan niya lang pala ako? What if hindi pala siya to? What if gumamit lang sila ng pangalan para lokohin ako? Lahat ng what if's naisip ko na. Nagduda ako. Hindi ko siya chinat. Chat siya ng chat. Pati mga kaibigan ko chinat niya pero hindi pa rin ako naniwala. Then one day, he called me! Through video chat. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko, at the end sinagot ko. Siya nga. Siya nga yung naaa profile niya. Hindi ibang tao. So tinanong niya ako, bat daw hindi ako nagrereply sa chats at texts niya? I can see it through his eyes na frustrated siya kasi hindi ako nagparamdam. I told him the truth, na nagdadalawang isip ako kasi baka pinagtritripan niya ako, nagalit siya. Bakit raw niya gagawin yun sakin? Porket daw ba nasa Maynila siya? Porket daw ba bakla ako? Pilyo raw siya pero hindi siya gago. That time, naramdaman ko na seryoso siya. So pinayagan ko siyang manligaw.
Months passed at doon ko na siya sinagot. Habang nagvivideo call kami, sinagot ko siya. He cried. Mga bakla! Ang haba ng hair ko! Umiyak siya kasi sinagot ko siya. Feeling ko im the happiest gay in the world kasi yung lalaking mahal ko nakikita at nararamdaman kong mahal ako kahit magkalayo kami.
Ilang months na kami, masaya naman. Nag-aaway man pero naayos rin naman namin agad. Naghihiwalay pero hindi umaabot sa isang araw. Unti-unti niyang sinabi sa pamilya niya. Una, sa ate niya. Nung una ayaw niya sa relasyon namin, pero hindi ko alam, bigla na lang siyang nagchat sa akin na okay na raw sa kanya kasi nakikita niya raw na masaya si Zach sakin. Sinuportahan niya kami. Sa family ko, alam na nila. Nakakausap nga nila si Zach minsan aa videocalls or tawag. Close rin sila ng kuya ko. So si Ate Neah, ate ni Zach ang naguupdate minsan sakin kapag may kapilyohang ginagawa si Zach.
One night, hindi pa nagchachat sakin si Zach. Kaya minessage ko si Ate Neah kung anong ginagawa niya. Seen lang ako. So baka kako busy sila. Nagchat ako kay Zach na matutulog na ako, nag-i love you ako sa chat ko. Biglang nagchat si Ate Neah sakin, sabi "Seth, huwag ka muna magchachat sa account ni Zach. Nalaman ni papa relasyon niyo. Galit na galit siya." Napabangon ako bigla. Nanginginig ako sa takot. Ang papa ni Zach ang may ayaw talaga sa relasyon namin. Naiiyak na ako kasi nag-aalala ako. Nagchat ulit si Ate Neah, at ang chat niya na yun, ang nakadurog sa puso ko. "Seth, si Zach. Binogbog ni papa. Seth awang-awa na ako sa kapatid ko. Binogbog niya si Zach namin. Kinulong niya si Zach sa CR. Hindi na namin alam gagawin namin. Sobrang iyak na ni Mama. Hindi nakikinig si papa sa kahit anong sabihin namin. Seth, naaawa ako kay Zach. Sa totoo lang, ikatlo na to. Ayaw lang ni Zach na ipaalam sayo pero hindi ko na matiis. Ikatlo ng pambubogbog ni Papa to sakanya kasi nalaman niya noon pa. Binantaan niya na itigil na pero hindi ginawa ni Zach, alam ko kasi mahal na mahall ka niya e. Noong time na sinasabi niyang may projects siyang kailangang taposin? Yun yung time na binubogbog at kinukulong siya ni Papa. " Pagkabasa ko palang ng chat ni Ate Neah, humagulhol na ako. Bakit naman ganito? Bakit naman nangyayari sakanya to? Mali ba? Mali ba tong relasyon namin? Bat naman hindi mo sinabi Zach? Bat naman ganun? I cried until nakatulog ako.
Paggising ko, may text galing sa unknown number. Pag-open ko. Nanikip agad dibdib ko. "Ikaw ba? Ikaw ba ang BAKLA ng anak ko? Pwede ba?! May narating ka na ba sa buhay mo?! Bata pa ang anak ko!! At kung magkakarelasyon man siya, HINDI SA KAGAYA MONG BAKLA!! Layuan mo na ang anak ko! Layuan mo na siya. Ako ang nagmamakaawa sayo. Hindi deserve ng anak ko ang baklang kagaya mo!! Wala kapang nararating. Wag mong sirain ang kinabukasan ng anak ko!!" Grabe. Iyak ako ng iyak. Ano ba ang tingin nila sa mga bakla? Grabe sila manghusga sa mga bakla. Grabe niya akong tinapakan. Nagmahal lang naman ako. Ayaw ba niyang sumaya ang anak niya? Pero para sa kapakanan ni Zach, para sa kinabukasan niya, kailangang may gawin ako. So chinat ko si Zach, "Zach, lets break up. May iba na ako. Matagal na. Hindi kita mahal. Matagal na kami ni AJ, wag mo na ako guluhin. Salamat," without blinking i hit the SEND button and noong nakita kong nasend na, blinock ko na siya. Sa FB, sa Text and i eeven told my friends to blocked him. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ayoko siyang iwan, pero kapag kumapit pa ako, patuloy siyang bubugbogin ng papa niya. Kailangan kong isakripisyo ang relasyon namin para sakanya. Kung kami, kami talaga. I love you so much Zach but if I need to sacrifice this love for your own safety, gagawin ko. Im sorry.
~G.