Prologue

19 5 1
                                    


Someone's P.O.V




Matinding ulan at kumukulob ng gabing iyon pero maririnig mo pa din ang ingay na dulot ng isang sanggol na naiwan sa kanyang higaan. Kinuha ito ng isang babae at kinarga kaya dulot nito ang pagiging tahamik ng nakakaawang sanggol.



Nagulat ako ng may biglang lumuhod na lalaki sa aking harapan, ang edad niya siguro ay nasa late 30's ito ay makisig at matipuno pero bakas sa kanyang mga mukha ang pagmamakaawa. Ito siguro ang ama ng sanggol banta ko.


Sa sobrang pagmamakaawa niya ay sinipa siya ng aking ama at nauntog ang ulo niya sa isang kahoy. Ang kahoy na ito ay matalim ang dulo kaya dulot nito ang pagkatuhog ng ulo ng lalaki, linapitan siya ng babae at iniwan ang sanggol sa kanilang kama at agad tumungo sa lalaki, maybe it's his wife. Sinubukan ng babae na pigilan ang pagdaloy ng dugo at nagbabakasaling mabuhay pa ito ngunit hindi pa ito nakagawa ng paraan ay agad na siyang ginamitan ng aking ama ng ability at kaagad itong namatay.


Agad na nilapitang ng aking ama ang sanggol na naiwan at akma na sanang kargahin ito ngunit may liwanag na pumasok at agad na dulot ng pagkasira ng pinto, hinayaan ko lamang ito. Naagaw ng atensyon ko ang ginagawa ng aking ama sa sanggol. Huli ko nang napag tanto na nilagyan niya ito ng marka. Isang marka na kapag tinanaw mo ay mabibighani ka.

May narinig akong malakas na kalabog ng paa at agad akong napatago sa likod ng aking ama at hinawakan ang kanyang roba at pinilit siya na umalis na. Lumakas na lumakas ang kalabog ng mga paa at agad akong kinarga ng aking ama at tumalon siya sa bintana kasama ako. Sinabihan niya ako na gamitin ko daw ang aking ability dahil baka maabutan kami dito at agad na mamatay.



Ginamit ko kaagad ang aking teleportation ability at agad kaming napunta sa aking silid sa aming kastilyo. Naabutan namin ang aking ina na mahimbing na natutulog sa aking kama at agad akong tumungo dito para halikan ang kanyang noo at agad ito gumalaw simbolo ng kanyang pagising.



"Saan kayo nangaling na mag-ama?"Nagtataas kilay na tanong samin ng aking ina.


"May pin-------



"Ah wala may pinuntahan lang kami nitong anak mo Lucile" Biglang sabi ng aking ama na ipinagtaka ko. May pinatay siya yun sana ang sasabihin ko sa aking ina.

"Per-------

"Matulog kana anak at gabi na mamamasyal tayo bukas kapag maaga kang natulog" Masayang sambit ng aking ama ata agad namang sumabat ang aking ina."Andaya niyong dalawa ha parati nalang kayo ang namamasyal iniiwan niyo nalang ako dito sa bahay, wala naman akong gagawain dito" Agad akong tumawa dahil ngumuso ang aking ina at hinalikan siya ni papa.




"Sige po mama isasama ka namin bukas bibili tayo ng ice cream"




"Totoo baby ha? Sleep kana para makapasyal tayo bukas" Sabi ng aking ina at hinalikan ako sa aking pisngi at saka pinatay agad ang ilaw tsaka lumabas.



Masaya ako parati kapag completo kami. Matutulog na sana ako ng naisip ko ulit ang ginawa ng aking ama kanina. Bakit niya kaya pinutol ang aking mga sasabihin kanina? Ayaw niya bang malaman ni mama ang kanyang ginawa?



Gusto ko sanang tulungan ang pamilyang inabuso ng aking ama, gusto ko silang tulungan kaso baka may gagawing masama ang aking ama sakin kaya ayun pinigilan ko nalang ang aking sarili.Biglang pumasok sa isipan ko ang sanggol, kamusta kaya siya? Kinuha kaya siya ng taong humadlang kay papa kanina? Sana kinuha siya at sana nasa magandang kalagayan siya.






Gusto ko sanang pigilan ang aking ama sa kanyang mga ginagawa katulad ng kanina yung ginawa niya sa mga magulang ng sanggol. Gabi-gabi niya nalang ginawa yon, ang pagkatay ng buhay ay parang nornal lang sakanya pero anong magagawa ko eh ama ko siya at isa lang akong batang lalaki na nag e-edad ng 4 na taon.



Habang inaalala ko ang nangyari sa sanggol ay biglang nasagi sa isip ko ang imahe ng marka na ibinigay ng aking ama sa kanya. Iniisip ko kung bakit ako natulala sa marka na yon, nakaka-akit ng sobra.


I have this feeling na gusto ko siyang makita someday.



Hahayaan ko nalang lahat ng yun dahil maaga akong magigising bukas at mamamasyal kami ng pamilya ko sa parke dahil minsan lang kaming pumunta doon dahil parati lang kaming nasa kastilyo. Unti-unti ko nang ipinikit at aking mata at unti-unti ding nabalot ng kadiliman ang paligid.





--------------------------------------------------------

A/n:

Hi peoples I hope you like the story I've wrote and I hope you also enjoy it. Mag comment po kayo kung anong gusto niyong mangyari sa kwento o mag suggest po kayo. Please Vote and Share po ng story. Sa mga silent readers ko I hope na mag vote din kayo dahil first time kong gumawa ng story please support me po. Thankyou and lovelotsssss

Ability (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon