"Kailan mo pa ako niloloko?"
Malakas na sigaw mula kay Gabriel ang sumalubong kay Kelly matapos siya nitong hilahin patungo sa botanical garden ng kanilang university. Bagama’t nais niyang pagmasdan ang mukha ng binata sa huling pagkakataon ay hindi niya mahanap ang kanyang lakas upang diretsong tumingin sa mga mata nito.
Natatakot siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya dahil walang ibang emosyon na laman ang mga mata nito kundi galit at dismaya. Siguro kung ibang tao lang ito, baka napagbuhatan na siya nito ng kamay. Walang kapatawaran ang kanyang nagawa at alam niya 'yon, kaya hindi niya masisisi ang binata kung kasuklaman siya nito habambuhay. But Gabriel, a man who deeply respected women, she knew he would never hurt her, or even laid his finger on her. Even if she had suddenly become the person he hated the most.
"Saan ba ako nagkulang, Kelly?"
Kelly shook her head, staring down at her feet. Wala itong naging pagkukulang sa kanya. Sa katunayan ay wala na siyang mahihiling pa. Napakaswerte niyang babae dahil halos ibigay na ni Gabriel ang buong mundo sa kanya. She wished she could tell him that right now, that she was the luckiest woman alive for being loved by him, ngunit panay ang panginginig ng kanyang mga labi. Hindi na niya magawang bumigkas ng mga salita.
"Kaya ba pinipilit mong mag-cool off muna tayo dahil may namamagitan na sa inyo ni Brix? Best friend ko pa talaga?”
Iling lang nang iling si Kelly. Gustuhin man niyang magpaliwanag ay hindi na niya malaman kung anong dapat niyang sabihin at gawin. Sobrang gulong-gulo na ng utak niya nitong mga nagdaang araw at hindi niya akalain na hahantong ang lahat sa ganitong tagpo. Ang tanging nais lang naman sana niya ay ang maghiwalay sila nang maayos, ngunit may mga taong pinangunahan ang desisyon niya.
"Magsalita ka naman, please! Sabihin mong hindi totoo na may relasyon kayo ni Brix. Sabihin mo sa akin na mali lang ang pagkakaintindi ko sa mga picture na 'yon. Parang awa naman, Kelly!"
Tila naging isang malakas na pag-agos ng ilog ang mga luhang naglandas sa pisngi ng dalaga nang marinig ang buong pusong pagsusumamo ng binata. Ilang beses niyang sinubukang humugot ng malalalim na paghinga bago iangat ang ulo nang dahan-dahan. Buo na ang desisyon niyang tapusin na ang lahat sa kanila kahit siya pa ang magmukhang masama sa mata ng lahat. Kailangan niya si Gabriel sa mga sandaling ito, ngunit mas matimbang ang kagustuhan niya na palayain na ito mula sa sakit na daranasin pa nito kung ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon.
"I-I'm sorry, Gab. I-I'm sorry...totoo ang lahat ng 'yan. Totoong may relasyon kami ni Brix," halos pabulong na pag-amin niya.
Nakatitig lamang si Kelly sa mga litratong hawak-hawak ni Gabriel na kanina lang ay pinagpepyestahan ng mga estudyante sa bulletin board. Lukot-lukot na iyon dahil naiipit ang mga ito sa nakakuyom na kamao ng binata. Picture nila 'yon ni Brix habang magkayakap. Kumalat na ang litrato na 'yon sa campus nila at marahil ay pinag-uusapan na ng lahat ang tungkol sa panloloko niya. Madali lang naman manghusga ang mga tao lalo’t hindi nila alam ang kabuuan ng kwento.
"Kailan pa kayo?" Gabriel demanded for answer, his voice filled with a mix of anger and confusion.
"T-Three months na kami."
"Three months," he repeated. Walang buhay.
"Gab! Sorry...I'm really sorry!” Kelly apologized over and over again. Sa mga sandaling iyon, parang iyon lamang ang mga salitang alam niyang bigkasin.
"Mahal mo ba siya?"
Binalot ng lamig ang buong katawan ni Kelly sa tono ng pananalita nito. Muli ay nawalan siya ng kakayahan na magsalita. Patuloy lang siya sa pag-iyak, hawak ang dibdib na kanina pa naninikip.
"Silence means yes.” Marahas na itinapon ni Gabriel sa harapan ng dalaga ang hawak niyang mga litrato.
Paubos man ang natitira niyang lakas ay sinikap ni Kelly na sulyapan ang mukha nito. Lalo siyang nanlumo nang masilayang lumuluha na rin ito, ngunit mabilis na pinunasan ni Gabriel ang luha.
"Hindi ko alam na ganyan ka palang babae,” hayag nito, nababalot ng disgusto ang boses. “First year high school pa lang tayo, alam mong minahal na kita. Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. Halos sa 'yo na umikot ang mundo ko, pero paanong nagawa mo pa ‘kong lokohin?”
“Gab—”
“Masaya na ba kayo na napaikot niyo ‘ko? Mga manloloko!" Matatalim ang bawat salitang binitiwan ni Gabriel pero tinanggap lang ni Kelly ang lahat ng iyon kahit nagdurugo na ang puso niya. "It's over between us,” he continued with unkind smile. “Hindi ako gago para magpakatanga pa sa 'yo. At kung pwede lang, huwag na huwag ka nang lumapit-lapit pa sa akin. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo.”
Napako si Kelly sa kinatatayuan. Gusto man niya itong habulin nang tuluyan na siya nitong lisanin ay ayaw sumunod ng katawan niya sa dikta ng utak niya. Iyak na lamang siya nang iyak habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng lalaking pinakakamamahal.
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Romansa"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...