"BAKIT BA TAYO INIIWAN?"
isa ang tanong na yan sa mga bagay na bumabagabag saakin. kung bakit tila ginawa naman natin ang lahat, pero parang hindi sapat? hindi sapat para manatili ang mga tao sa tabi natin..
"Aba ewan ko... May kanya kanya tayong dahilan sa bawat bagay. Hindi ko pwede pangunahan ang dahilan ng nang iwan sayo," sabi ko kay Seokmin. Yung tropa kong mukhang wawers na half yokai.
"Pero di nga Kwan, magbigay ka nga ng posibleng dahilan kung bakit ako iniwan? Like, ginawa ko naman yung best ko ah, ginawa ko lahat para lang iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya at gusto ko syang manatili sa tabi ko. Pero bakit ganun parin? Bakit iniwan parin ako?"
"Alam mo Seokmin... Kahit paulit ulit mong gawin ang 'best' mo, magkakaiba tayo ng standard, magkakaiba tayo ng desisyon sa buhay. Hindi mo mapipilit ang isang tao na manatili sayo kung gusto nilang lumisan. Dahil kung gusto nilang manatili sayo, mananatili yan kahit hindi mo pa sabihin. But sometimes, people leaves for their own good, or maybe because they're tired, or for us to learn our own lesson. Masakit man para satin na tanggapin yung ganun, kailangan talaga natin mag let go. Kailangan natin tanggapin na ang lahat ay lilisan, lahat ay mang iiwan."
"Hindi ba pwedeng ituro nila yung lesson natin ng hindi tayo sinasaktan? Ng hindi tayo iniiwan?"
"Ang sakit ang magtuturo sayo. Sakit ang magsasabing mahalaga pala sayo yung tao, bakit sinayang mo. Sakit yung magtuturo sayo na dapat mo nang tanggapin. Lahat ng sakit, lahat ng lungkot, lahat ng pasakit, lahat lahat. Para maintindihan mo. Para dahan dahan mong matanggap.."
"Kailan kaya darating yung araw na yun? Kailan ko kaya matatanggap ang lahat?"
"Hihilom ang lahat ng sugat. Pero malala kasi pag puso, matagal mawala. At kung mawala man, may babakas parin." Mapait akong ngumiti sa kanya.
"Pero... B-Bakit ba nasisira ang isang relasyon?"
"Alam mo, parang building lang yan e. Pinag isipan mo, pinag planuhan, pinaghirapan mong itayo. Pero kapag dumating ang isang sakuna, tulad ng malakas na lindol. Mawawala lahat. Masisira. Pahirapan na kung bubuuin mo ulit. Magmumukha kang ewan. Better to build it again in other place."
"K-Kwan... Ayokong mawala sya sakin, ayokong iwanan nya ako— pero hahahaha, sino nga ba ako para pagtiisan nila? Para hindi nila iwan? Para hindi nila saktan? Para hindi nila pabayaan? Sino ba ako para pahalagahan? Sino ba ako sa kanila?!"
"You're just in pain, Seok. Kaya mo nasasabi yan. But trust me, lahat ay masakit sa una. Pero lahat ng sugat hihilom, okay?"
"Pwede akong maka move on, pero hindi ako pwedeng makalimot sa sakit."
"Seokmin.. alam mo, mas mabuti pang dahan dahan mo munang namnamin yung sakit na nararamdaman mo. Dahan dahanin mo muna. Wag mong bibiglain ang sarili mo.. sabi nga nila diba, time heals."
"Tangina, ilang oras yung hihintayin ko? Ilang araw? Ilang buwan? Ilang taon? Ilang dekada?! Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.."
"Hindi ko alam, walang nakakaalam kung kailan. Matuto kang maghintay, because everything takes time. Ang dali mong ngang na-fall e, siguradong sigurado ka na ba d'on?"
"Sana kung gaanon ko kadaling nasabi sa sarili ko na mahal ko na siya, ganon rin kadaling sabihin na okay na ako. Na tanggap ko na. N-Na.. h-hindi ko na sya mahal."
"It takes a very long time para ma figure-out mo talaga na mahal mo ang isang tao, para saakin lang naman. Hindi porqué kinilig ka, mahal mo na, hindi porqué napapangiti ka, mahal mo na, hindi porqué lagi kang kinakausap, mamahalin mo na, at hindi porqué nag-i love you sayo, mahal ka talaga. Dahil maraming meaning ang love, kaso mas pinapaniwalaan natin yung sinisigaw ng puso natin, mas binibigyan natin agad ng meaning bago natin siguraduhin. At panghuli, hindi porqué mahal mo, mahal ka rin."
"Tangina mo, tama na."
"At wag kang mag-expect, na kung mahal mo yung tao kaya ka rin nyang mahalin pabalik. Sabihin nating pwede nilang magawang mahalin ka, pero hindi lagi sa paraang masa-satisfy ka. Dahil hindi naman nila obligasyon yun. At..."
"At dahil nagmahal ako, kailangan kong masaktan ng ganito."
"Dahil pinasok mo ang mundo ng pag-ibig, kailangan mong maging sundalo ng katapangan at katatagan, para sa haharapin mong masakit na laban. Para makamit mo ang ninanais mong kasiyahan. Dahil ang pag-ibig ay hindi madaling nakukuha, hindi mo madaling makakamit, okay? Kailangan mo munang madurog ng paulit ulit, kailangan mo munang sumugal ng paulit ulit, kailangan mo muna masaktan ng paulit ulit.. hanggang sa bumagsak ka nalang bigla, at isiping talo ka na sa labanan. Hanggang sa dumating yung taong tutulong sayong bumangon, magtuturo sayo ng tunay na kasiyahan, yung hindi pang madalian. Yung taong handa kang alalayan, at hindi ka bibitawan sa kahit anong labanan. Sabay nyong haharapin ang lahat, sabay nyong susuungin ang lahat, sabay kayong mabibigo, sabay nyong mapag tatagumpayan ang lahat. At sabay nyong tatapusin ang senaryong iyon, para simulan ang panibagong kabanata.."
"S-Salamat.. ng marami."
"Tatandaan mo 'to, 𝑖𝑡 𝑑𝑜𝑒𝑠𝑛'𝑡 𝑚𝑎𝑡𝑡𝑒𝑟 𝑖𝑓 𝑦𝑜𝑢 𝑓𝑎𝑖𝑙, 𝑎𝑡𝑙𝑒𝑎𝑠𝑡 𝑦𝑜𝑢 𝑡𝑟𝑦."
"Opo. Lika na, baba na tayo, kain nalang tayo hehehe. Gutom na 'ko e."
_a/n: forgive me. thnx.