Chapter 8

269 80 52
                                    

Bunnie

"Bunnie Hop... Bunnie Hop Hop, Bunnie wave and Bunnie eat"kakanta kanta ko sabay sa bawat kumpas ng batang kasama ko sa tabi.

"Bunnie, Bunnie, Bunnie laugh and turn her jump"tamang tama ng matapos ang kanta ay nasa harap na kami ng school gate ng mga bata.

Sinamahan ko kasi si Mie para ihatid ang kapatid niya dito e' tamang tama rin na papasok na yung mga anak ng kapitbahay namin kaya sinabay nalang namin dahil narin may mga trabaho pa itong gagawin.

Lahat yata ng bata sa amin kasundo ko maliban lang sa isa. Ayun na naman siya sa likod namin at mukhang walang planong pumasok ng gate. Nakabusangot at parang naiirita.

Hinarap ko ang mga batang kasama namin ni Mie "Pagkatapos ng klase hintayin niyo ang mga Mama at Papa niyo rito para subduin kayo. Wag kayong lalabas ng gate hanggat wala pa sila. Naiintindihan niyo?"

Tumango naman sila sabay sabay na sumigaw ng 'Oo'.. pumasok na sila sa loob at naiwan naman yung batang lalaki na malaFil-Am kasi may lahi talaga siyang ganun.

Lumapit ako sa kanya at tinapik. Nasa Grade 3 palang ito pero grabe na kung makabusangot hindi niya talaga ito ikakagwapo. Sayang lahi nito kapag magsusungit nalang. "Aries, ayaw mo ba pumasok?"tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at sinamaan ng tingin. "Who do you care"asik niya

Tinapik ako ni Mie "Kakatayin ko yang Fil-Am na kapitbahay natin. Papasukin mo na yan sa loob"bulong niya sa akin natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"What are you laughing at?"nagsalubong naman ang kanyang kilay sa akin.

I gave him my best smile then pinch him in the cheek. "Sungit- sungit naman nito. Pumasok ka na doon, Aries. Ang gwapo gwapo e' tapos magsusungit. Hindi bagay sayo"

"Tsk, umalis ka nga dyan. Nakaharang ka sa daan kaya hindi ako makapasok"masungit niyang saad sa akin at umalis na sa harap ko.

Hinarap ko si Mie na mukhang naiinis na dahil sa ugali ni Aries. Bagong lipat lang sa amin si Aries kaya hindi pa siya sanay magtagalog. May mga kataga parin siyang sinasabi na hindi normal sa isang grade 3 student at naiintindihan ko naman. Isinama ko siya sa amin dahil wala siyang kasama lalo na hindi siya maihahatid ng mama niya rito dahil maaga pa iyon nagtatrabaho.

"Alam mo kung hindi lang yata natin yun kapitbahay at kung walang utang nanay niya sa akin namurder ko na iyon. Sobra pa sayo kung mag-isip, sa tingin mo bata pa yun"kunot noo niyang tanong.

Hinampas ko naman siya sa balikat "Ikaw talaga pati bata papatulan"natatawa kong ani sa kanya

"Aba, jusmeyo na bata yun. Kung bata siya paano ka pa kaya. E' mas bata ka mag-isip kaysa sa kanya"

Ngumuso naman ako. "Hindi naman ah. Paano mo naman na sabi"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nginuso niya ang suot ko na ribbon sa buhok pati na rin ang bag kong kulay pink na may drawing ng We Bare Bears'. "Wala naman masama kung gamitin ko ito diba?"

Napatampal nalang siya ng noo. "Kailan ka pa ba magmamature?"pahabol niya pang tanong.

Pagpasok na pagpasok namin sa building ay katahimikan agad ang sumalubong sa amin sa loob. Ganito naman talaga katahimik ang building namin e'. Usually nga parang masasabi mong haunted ito dahil sa sobrang tahimik. Ang mga estudyante kasi rito puro mga seryoso lalo na kung may test, expect kang hindi iyon miniminimo na question kaya ngud- ngod sila sa pag-aaral. Kahit wala kang makitang papel na binabasa nila, malalim naman ang iniisip ng mga yan.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon