Prologue

32 1 0
                                    


"HUUWAAAAAHHAA" napatakip ako sa bibig ko pagkatapos humikab ng pagka laki ng makita ko ang repleksyon ni Kiel sa salamin na katabi ng PC ko.

"Hummpff .. Uy break time na, tara Coffee tayo Let!" Halatang nag pipigil ng tawa.

"Anung ginagawa mo dyan sa likod ko?" Natatawa ko ding tanong sa kanya.

"Papunta nako sa Pantry ng makapa ko ang bulsa ko, naiwan ko pala ang wallet ko."

"Dun ang station mo diba?" Tinuro ko yung pang unang PC sa kabilang side. Napakamot naman sya sa ulo nya habang nakatingin sa sahig at parang nahihiya.

"Hehe, mukha kasing antok na antok ka kaya gugulatin sana kita. Kaso mukhang nakita moko sa salamin hehe." Medyo nahihiya sya. Hindi kami masyadong close ni Kiel kasi hindi naman talaga ako mahilig makisalamuha sa ibang tao, specially dito sa work. Minsan kapag kinaka usap nila ako, nakiki ride naman ako pero never akong mag sstart ng conversation kapag hindi naman kailangan. "Tara coffee para mawala yang antok mo?" Offer nya kahit alam naman nyang tatang gihan ko sya.

"Sure, tara." Halata namang nagulat sya sa sagot ko kasi never naman talaga akong sumabay sa kahit sino sa kanila para kumain or mag coffee.

Naglakad na kami pa pantry.
Nag tatrabaho kami bilang CSR sa isang BPO Company. Laging nightshift ang schedule ko pero good thing is wala kaming overtime kaya hindi masyadong pagod.

On our way patungong pantry, napansin ko ang mangilan ngilang mata na nakatutok sa amin ni Kiel habang nag lalakad.

"Tss" napaismid nalang ako. Minsan nalang ako makisama sa kawork ko mukhang issue pa. Tch. Katabi ko si Kiel habang nag lalakad kaya naman hindi ko naiwasang suriin sya.

Matangkad si Kiel, makinis ang balat para sa isang lalaki, matarik ang pag kaka arko ng ilong nya, yung mga labi medyo pink, halatang hindi nag yoyosi. Yung mga mata nya mapupungay na tinernuhan ng makakapal nyang mga kilay. Bukod sa mukha, ang ganda din mag dala ni Kiel ng mga damit na sinusuot nya. Kahit yung mga simpleng damit lang ang suot nya ang lakas pa din ng dating kaya hindi na ako nag tataka kung bakit pinanlilisikan ako ng mata ng ilang kababaihang nakaka kita samin.

Napatigil ako sa pag suri sa kanya ng lumingon sya sakin.

"May dumi ba'ko sa mukha? Siguro kung hindi kita kilala iisipin ko na may gusto ka sakin haha."

Seryoso pa din akong nag lalakad na parang walang narinig.

"Bahala ka dyan. Kilala moko? Talaga?" Pang iinis ko sa kanya habang naka ngiti, baka sakaling mag sisi sya't niyaya nya ako. Haha

"Oo ikaw si Leticia Mercado Ascaño, Letlet for short. Ako na ang oorder anung gusto mo?" Naka ngiti pa din sya.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa pantry. Sinabi ko sa kanya yung order ko tsaka ko inabot yung five-hundred pesos, hindi naman nya kinuha kasi treat daw nya ko since sya yung nag aya. Nag hanap nalang ako ng magandang pwesto at napili ko ang tabing bintana.

"Umuulan." Bulong ko. Unti unti kong isinandal ang ulo ko sa transparent na pader..

"Hindi mo kailangang mag tago o mapag isa. Pwede mo namang hindi sabihin sa kanila yung mga nakikita mo." Napalingon ako sa lalaking nag salita.
Nakatayo sya sa harapan ng table na napili ko. Naka pasok ang dalwa nyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot nyang pants. Mukhang dito din nag tatrabaho ang lalaking yun. Ngayon ko lang sya nakita.

Matatalas ang mga tingin nya na para bang alam nya na ang sagot sa lahat ng mga magiging katanungan ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas.

"Wala akong ibang nakikita." napansin ko naman ang pag tango ng lalaki ng paulit ulit, animoy naiintindihan nya ang sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PossessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon