"Ang sakit ng ulo ko" bulong ko matapos kong tumayo mula sa pagkakahiga,sabay kuha sa cellphone ko na nakacharge magdamag.
Walang tao sa bahay,siguro naglaro na mga batang iyon hayys,naiwan nanaman sakin lahat ng mga gawaing bahay.
Nagtimpla ako ng kape kahit na mukhang magtatangnghalian na para magising kahit paano ang diwa ko.
Napuyat nanaman ako kagabi sa paghihintay kay Trem na mag online sya pati narin sa pagwawattpad at kung ano-ano pa.
Ok lang namang ma-late ako ng gising dahil sabado naman,nakakapagod sa school ang dami-daming activities,nakakadrain.
Matapos magkape,kinuha ko na agad ang walis para makapaglinis na,oras na din.
Pero natigilan ako ng mapagawi ang tingin ko sa kalendaryo.
September 1,2017
Hala,September na pala.
Apat na buwan na agad ang lumipas?
Ang bilis naman,malapit na pala birthday ko,as usual sigurado wala nanamang handa nito,napabuntong hininga nalang ako.
"Sa'n na kaya sina mama"?
Bago ko sinimulang magwalis sinet ko muna yung speaker,magpapatugtog ako,Kpop songs.
Ano kaya?
*Scroll*
Don't wanna cry-Seventeen
*Scroll*
Boombayah-Blackpink
*Scroll*
Hide and seek-Astro
*Scroll*
Ahh,eto favorite,Say Yes by Loco tsaka ni Punch.
Wala ang ganda kasi ng tono,kabisado ko narin kaso di ko maintindihan.
Matapos kong maset nagsimula na'kong maglinis.
" Sam,hinaan mo nga yan" natigilan ako ng dumating si mama
"Opo ma,san po kayo galing?" Tanong ko sabay adjust nung volume ng speaker
"Ahh don lang kay Sis Delly,teka nagsaing kana ba?" Tanong nya umiling naman ako at dali-dali naman syang dumiretso sa kusina.
Kakagising ko lang eh.
Tsaka sinong sis Delly?
Di kasi ako palalabas ng bahay kaya wala akong kilala.
"Umuwi na ba tatay mo?" Tanong ulit nya
"Hindi pa po ma" sagot ko
"Nga pala na'k maghanda nakayo ng isusuot nyo ah" bilin nya
"Huh?bakit po saan tayo pupunta?tanong ko
"Magchuchurch tayo bukas" nakangiting sabi nya habang inihahanda ang ulam na dala-dala nya
"Church?Saan pong church ma?Doon ba sa dati?" Nakangiti ring sabi ko,ewan pag naririnig ko ang salitang "Church" sumasaya pakiramdam ko.
"Hindi,yung church do'n sa may purok 4,kung saan umaattend si Sis Delly" sagot nya
"Ahh ok po mama" nakangiting tugon ko at bumalik na sa paglilinis
Ewan,may kakaibang saya akong nararamdaman pag naririnig ko yung salitang "church" alam ko paulit-ulit ako pero basta.
Buti nalang naalala ulit ni mama,Born again kasi sya at ang sabi nya backslider daw sya,di ko naman maintindihan kung anong ibig sabihin no'n.
Nasama nakami ni mama noon sa gathering sa church kung saan sya umaattend dati,Mother's day no'n kaya tandang-tanda ko pa.Binigyan pa sila ng red roses no'n at inipit yung mga petals sa Bible namin.
Bata pa ako non, mga six or seven years narin siguro ang lumipas.Yun yung unang beses na nakaattend ako sa Church.
Ang saya,masaya sa pakiramdam iba yung feeling.
Sabi noon ni mama babalik daw kami pero hindi na kami nakabalik,hanggang sa nakauwi nakami dito sa lugar nina lolo.
Mas gusto ko sumasama kay mama,kaysa kina tita kapag nagsisimba,di ko alam dahil siguro do'n masaya tas ang babait nung mga tao.
Nakaramdam ako bigla ng excitemeeent!
Ang saya kooooo!
Pero..natigilan ako ng bigla kong maalala.
Nakaramdam ako hiya.
Nagpapatuloy parin ako sa pagkakasala.
*****
1 John 1:9
If we confess our sins to Him, He is faithful and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all wickedness.
YOU ARE READING
Only by Grace
Spiritualitégrace /ɡrās/ See definition: the free and unmerited favor of God, as manifested in the salvation of sinners and the bestowal of blessings.