Chapter 5

1.5K 95 2
                                    


Pagod na pagod si Phemie na nagtago sa likod ng building ng school. Hingal na hingal na siya at gusto na niyang magpahinga.

Nadulas siya sa naapakang mga holen, sinira ang upuan niya, tinapon ang gamit ng bag niya, pinatid, pinagtawanan, sinulatan ang damit, at ngayon ay hinahabol naman siya ng mga baliw na estudyante.

Naiinis na inalala niya ang nakangising mukha ng lalaking nagngangalang Primo.

'Gwapo nga, gago naman! Mas bagay na tawagin siyang kwago kesa gwapo!'

"Oh my gosh! What happened to you?!" Anang isang boses ng babaeng nakakita sa kaniya.

Agad na nanlaki ang mata niya. Mukhang nakita na siya ng isa sa mga ito. Bigla siyang pumosisyon na tila lalabanan ito.

"Ihh! Stop that! I'm not gonna hurt you!" Anito habang pilit ibinababa ang kamay niyang naka-taas.

Tinignan niya ang kabuuan ng babae. May suot itong abubot sa katawan, na bumagay naman dito. Sakto lang ang ikli at haba ng palda, pero ang uniform ay masikip at nakikita ang kahubugan ng katawan. Mataas din ang takong na suot nito at maputi ang balat. Maikli ang buhok at may hair band sa ulo, samantalang may hikaw itong mahaba sa tainga. Lahat ay kulay asul. Mukha naman itong normal kesa sa mga siraulong estudyanteng nakaka-salubong niya. Napanatag siya at umayos ng tayo.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" Tanong nito at may kinuha mula sa buhok niya—balat ng saging pala. "Eww!" Anito sabay hagis ng balat ng saging sa malayo.

"That bullies me!"

"Ha?"

Ngumuso siya rito. "Sabi ko, binully nila ako!"

"Oh." Napatango ito at napapangiwi rin nang makita ang kabuuan niya. "My gosh, girl! Bakit naman nila 'to ginagawa sa 'yo? Second day of school palang kaya!"

"Sabihin mo 'yan sa kwagong Primo na 'yan!" Aniya at biglang tumalim ang tingin sa isang direksyon.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Primo? As in Primo Beau Vladimir?"

"Ewan ko! Basta gwapo pero gago! Siya 'yon!" Inis niyang saad.

Hinila siya nito patungong palikuran ng mga babae. "My gosh, girl! Sandali lang! Wait for me here, ha? May extra pa akong uniform in my locker! Wait lang!" Anito matapos tumakbo palabas ng palikuran.

Napabusangot naman siya at napatingin sa salamin. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya nang makita ang sarili.

Hindi na niya makilala ang sarili. Bukod sa itlog, tubig at harina ay sabog ang buhok niya na may halong puti. 'Yong damit niya ay sobrang dumi dahil sa mga sulat. May nakikita naman siyang buhangin sa siko at sugat sanhi ng pagkadapa niya nang hindi makita ang holen sa sahig.

Inamoy niya ang sarili.

"Pwe!"

Napaubo siya nang maamoy ang pinaghalo-halong nilagay sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang amoy dahil halo-halo na rin iyon.

Kung iisipin, kulang na lang ang kawali at mantika at ready na siyang prituhin.

"Here, girl! Wash yourself na!" Ani ng babaeng tumulong sa kaniya nang makabalik ito. May bitbit na itong isang uniform pampalit sa kaniya.

Napahinga siya ng malalim habang nakatingin sa damit na malinis. Nakonsensya siya bigla. "'Wag na lang kaya? Sigurado akong madudumihan din 'yan mamaya."

"No, girl. Kailangan mo na magpalit. Go!" Tinulak-tulak siya nito papasok sa isang cubicle.

Wala na siyang magawa kun'di ang magpalit. Naiinis na nagpunas si Phemie ng katawan at pinalitan ang suot niyang uniform. Nanggigigil siya habang pinupunasan ng basang bimpo ang katawan.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon