Nakadungaw sa bintana ng kanyang silid ang dalagang si Ingrid habang pinagmamasdan ang walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Natutuwa sya sa tuwing umuulan pagkat naiisip nya ang binatang laman lagi ng kanyang isipan.
Gabi gabi , sa tuwing sasapit ang alas dose ng gabi, di nya mawari kung ano ang nangyayari sa knya pagkat laging pinapakita ng kanyang isipan ang binatang may abong buhok na wari moy nang galing sa sumabog na bulkan.
Ang binatang iyon ay may matipunong katawan na pinarisan ng malaporselanang balat. Ngunit ang pinagtataka ng dalaga ay kung bakit sa t'wing pinapakita ito sa knyang isipan ay wala itong mukha, tila nababalutan ng isang misteryo ang imahe ng binata.
Sa nagdaang mga araw at buwan ay yun at yun parin ang pinapakita ng kanyang isipan sa t'wing sasapit ang alas dose ng gabi ay madalas mag pakita ang misteryosong binata na may abong buhok ngunit walang mukha.
Lumaon ang mga araw. Ang dating misteryosong binata ay mas naging misteryoso pa, sapagkat sa t'wing nagpapakita ito sa knyang isipan ay tila may sinasabi syang mga kataga na nag pahulog ng husto sa damdamin ng dalaga para sa binatang may abong buhok
Madalas sabihin ng binata sa dalaga "
Mahal, matagal na kitang hinihintay. Tara sumama ka sakin dadalhin kita sa ating kaharian at doon, masaya tayong mamumuhay" agam ang kanyang nadarama para sa binata sa knyang isipan.Isang gabi habang sya ay mahimbing na natutulog ay may imaheng nagpakita sa kanyang isipan. Ang imaheng iyon ay may matipunong pangagatawan , maputing balat na akala mo ay galing sa porsela , naka amerikano ng kasootan at higit sa lahat ay naaninag ng kanyang magaganda at bilugang mata kung gaano kakisig at kagwapo ang mukha ng binatang may abong buhok.
Base sa nakikita nya, ang binata ay nagtataglay ng nkakahumaling na itsura. Biniyayaan ito ng matangos na ilong, mapupulang manipis na labi, mapangang mukha na nagpadagdag sa maskulado nitong itsura at higit sa laht ang kanyang itim na singkit na mata.
Hindi maipagkaila ng dalaga ang kanyang pagkamangha para sa binata.
Ngaun ay malinaw na para sa knya ang kanyang nadarama, may pagtatangi ito para sa binata.
Pagkakuway tumikhim ang binatang may abong buhok. "Mahal, tara sumama ka saken. Matagal na kitang hinihintay sa aking palasyo"
Nagulat ang dalaga pagkat ang tinuran ng binata ay lalong nkapagpalambot sa puso ng dalaga.
"Mahal tara na" inilahad ng binta ang kamay nito sa dalaga
Tumikhim ang dalagang si Ingrid. "M-mahal mo ko?" Waring nahihiya sa kanyang tinuran
"Oo naman, Mahal kita" nakangiting sambit ng binata sa dalaga.
Naguluhan at lalong bumilis ang pintig ng puso ng dalaga. Hirap na hirap syang intindihin ang mga nangyayari.Sa malalim na pag iisip ng dalaga, biglang Tumikhim muli ang binata. Waring nililito ang dalaga upang mapawi ang iniisip nito.
"Mahal ko, sumama ka na sakin" inilahad nito ang kamay nito na may ngiti sa labi.
Parang nahipnotismo naman ang dalaga at napawi ang malalim nitong pag iisip na tumingin sya sa mukha ng nakangiting binata. Agad nyang inilahad ang kamay nito at dahan dahan silang naglakad.
Sa isip ng binatang may abong buhok. "Akin ka na ngaun mahal ko. Magsasama na tyo sa ilalim ng impyerno, wala ng makakapigil sa pagmamahalan nating naudlot. Pagkat ako at ikaw at pinagbikis upang mag mahalan habang buhay"~
~~~~
Natagpuan sa silid ang mga labi ng dalaga ng kanyang mga magulang. Puro saksak ito sa katawan. at puno ng dugo ang puting damit nito.
Nung mga oras na hinawakan at sumama sya sa binata ay doon narin nagwakas ang buhay ng dalaga.
Doon nila na pagtanto na kinuha na pala ito ng demonyong napapanaginipan at tinakda para sa Dalaga.
Ito pala ang dahilan kung bakit gusto nya ang ulan at lagi nyang napapanaginipan ang binatang may abong buhok.
Napara sa binata ay magsasama sila hanggang sa kamatayan.
Samantala Humagulgol at Humingi ng tawad ang mga magulang ni Ingrid sa hndi pagprotekta sa kanya laban sa demonyong binata.
Sa mga oras na ito labis parin ang kanilang hinagpis at lungkot sa pagkamatay ng kanilang nag iisang anak na para sa kanila ay labis nilang minahal higit pa sa buhay na kanilang hinihinga.
Fin~
BINABASA MO ANG
Default Title - Till Death
Short StorySa mundong ating ginagalawan meron pa bang mapagkakatiwalaan?