Short story

1 1 1
                                    

"Wala ka nang ibang ginawa kundi ang sumama jan sa mga kaibigan mo!! Kaya wala yang lamang utak mo dahil panay barkada ang iniisip mo!! For god sake Ellen!! Kelan ka ba mag titino?!"bulyaw sakin ni mama.sa totoo lang hindi na bago sakin ang eksinang ganito.tuwing uuwi ako ng bahay laging ganito ang eksina namin ni mama.na sanay narin ako kaya wala nalang para sakin ang mga sinasabi nya.

"Ellen!! Nakikinig ka ba?"singhal nya ulit.napabuntong hininga nalang ako saka tipid na tumango.sa tuwing bubulyawan ako ni mama mas pinipili ko nalang na manahimik...para saan pa kung mag sasalita ako? Hindi din naman nila ako papakinggan.my words was just nothing for them.hindi dapat pag aksayahan ng oras pakinggan.

-

"Saan ka na naman pupunta? Sa mga barkada mo na naman ba?! Kaya wala kang natototonan puro ka barkada!! Bakit hindi mo gayahin ang ate mo?! Maaasahan hindi yong puro ka barkada!!"sa tuwing mag papaalam ako para sa practice namin ganyan lagi ang sinasabi ni mama...tulad ng ginagawa ko I just keep my silence hindi din naman sila maniniwala kung sasabihin ko na practice ang pupuntahan ko.

-

"Ellen!! Ano bang ginagawa mo? Buong mag hapon hindi ka manlang nakapag linis ng bahay?! Ano nalang ang silbi mo sa pamilyang toh? Palamonin ka nalang?! Bakit hindi mo gayahin ang ate mo! Tinalo ka pa nga ni sam na mas bata pa sayo oh! Tingnan mo! sya pa ang nag wawalis!!"gusto kong sabihin kay mama lahat ng ginawa ko buong mag hapon pero mas pinili ko nalang na manahimik.nakita nya si sam na nag wawalis it is because kakatapos nya lang gumawa ng project nya.

-

"Masakit ulo mo?! Kakaselpon mo yan!! Anong oras ka ng natutulog dahil jan kaya wag kang mag rereklamo kong masakit ulo mo! Ginusto mo yan!"sa tuwing dadaing ako na may masama akong nararamdaman sa katawan ko yan lagi ang sagot nya sakin.kaya mag mula nun hindi ko na sinabi sa kanya kung may nararamdaman ba ako o ano sa katawan ko.ganun din naman sesermonan nya lang ako,sasabihan ng kung ano ano embis na asikasohin.

-

"M-ma! B-bagsak po ako sa isang subject...kailangan ka daw pong kausapin ng teacher ko"balita ko sa kanya.kita ko ang mabilis na pag rehistro ng galit mula sa mga mata nya.napayuko agad ako.

" ano?! Bakit ka bumagsak?! Samantalang halos umagahin ka na kakaaral tapos babagsak ka? O baka naman embis na pag aaral ang atupagin mo yang barkada mo ang inuuna mo!!"hindi na ako nakaimik ng mag simula syang bulyawan ako.nanatili akong tahimik pigil ang pag hikbi habang pinapakinggan ang mga salitang tumatagos sa dibdib ko mula sa kanya.

"Sa susunod na pasokan wag ka na mag aral! Ganun din naman! Ibinabagsak mo lang! Sinasayang mo lang yong perang ibinibigay namin sayo!! Mabuti pa kung ang pag laanan ko nalang ay si sam at ate mo,...kesa sayo!! Wala kang ginawa kundi ang mag bulakbol sa pag aaral mo!! Puro barkada yang nasa isip mo!!"muling bulyaw nya sa akin bago ako tinalikuran.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya na yong barkadang sinasabi nyang nakakasira sa pag aaral ko iyon yong mga taong nanjan sakin sa tuwing iiyak ako.na sakanila ko nararamdaman yong saya na dapat sila ang nag paparamdam sakin.

Gusto kong sumagot sa kanya at sabihin lahat ng laman ng puso ko lahat ng hinanakit ko pero sa tuwing mag sisimula syang singhalan ako wala akong magawa kundi ang manahimik at pigilan ang ano mang luha sa mga mata ko sa pag patak.

Sa mga salitang na tatanggap ko mula sa kanya kulang ang salitang sakit para mailarawan yong nararamdaman ko.hindi ko lang matanggap na lahat ng yun. Maririnig ko mismo sa kaniya sa mismong magulang ko pa.I though parents should be the first person who will support their children and cheer them up when the world drag them down..

Pero bakit sakin iba? Bakit mismong mga magulang ko parang hindi iniisip kong anong mararamdaman ko sa mga salitang bibitawan nila? Bakit mismong mga magulang ko ang humihila sakin pa baba?

-

"M-ma..kuhaan namin ng card buka--"

"Hindi ako pweding um-absent sa trabaho ko..ikaw nalang ang kumuha"

"Pero ma...s-sabi ni sr. Magulang daw--"

"Sinabi nang hindi ako pwede..buti sana kung kikita ako sa pag punta ko dun! Sunod sunod ang bayaran natin kaya hindi ako pweding hindi pumasok!"sambit nya saka ako tinalikuran.nanggigilid ang luhang napatingala nalang ako.halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na nyang tinanggihan ang pag kuha ng card ko.ni hindi ko na nga rin matandaan kung kailan ang huling beses na pumunta sya sa school ko.alam kung wala lang yun sa iba na balewala lang yun kasi simpleng bagay lang pero para sakin na masakit.napangiti nalang ako ng mapait.

"Ma! Kuhaan namin ng card bukas sabi ni ma'am kailangan magulang daw ang kumuha."

"Ako din ma"

"Ganun ba? Anong oras ba? Baka pwede kung puntahan bago ako pumasok sa trabaho"hindi ko maiwasang hindi mapaluha dahil sa narinig kong pag uusap nila mama ate at sam.

Ang akala ko ba hindi sya pwede?...tahimik na napahikbi nalang ako.

-

"ANONG PUMASOK JAN SA KOKOTE MO AT NAG DROPPED KA HAH?!!"galit na galit na singhal sakin ni mama nasa grade 11 na ako ng tumigil ako sa pag aaral

Nanatili akong tahimik sa harap nya tulad ng nakasanayan ko sa tuwing bubulyawan o sesermonan nya ako.

"Wala ka talagang marating!! Talo ka ng ate mo at ni sam..hanggang jan ka lang talaga tambay! palamonin! walang pakinabang!!"singhal nya na inaasahan ko narin naman na marinig sa kanya.hindi ko nga lang mapigilan ang hindi masaktan sa mga salitang lumalabas mismo sa kanya.

-

"Ako? Si sam ga-graduate na ngayong taon.yong panganay ko naman sa susunod graduating na din sa college"minsan ay hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing kausap ni mama ang mga kamag anak namin.lagi kong naririnig sa kanya na pinag mamalaki nya si ate at si sam...aaminin ko gusto ko din yun..gusto kong marinig na ipinag mamalaki ako ni mama sa mga kamag anak namin...

Pero salungat sa gusto kong marinig ang mga sinasabi nya...

Mga salitang gugustohin kong hindi pakinggan sadya man o hindi.

"Yong pangalawa ko? Ito! Huminto sa pag aaral! Ewan ko kung anong  pumasok sa kokote! Papanong hindi titigil eh,nababarkada wala ng ginawa kundi ang sumama sa mga barkada nya!!..wala ngang utak na bata eh!! walang patutungohan hindi ko ata yon anak ibang iba kila sam..barkador!!..mag popokpok nalang ata sya..papano wala naman pinag aralan..wala din naman lalaking papatol sa kanya.hindi naman sya maganda panget...tamad! tambay lang din mag kakagusto at papatol sa kanya!!.."napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang sunod sunod na pag patak ng mga luha ko dahil sa mga marinig.

Akala ko immune na ako sa mga salitang binibitawan at naririnig ko mula sa kanya.hindi parin pala...nasasaktan parin ako at yun yong sakit na kahit kailan hindi ko masabi sa kanya...kahit sa mga kapatid ko.

Sabi ko dati wala nalang sakin yong mga salita nya pero hindi pala kasi heto parin ako.umiiyak at palihim na nasasaktan.

Humihikbing bumalik nalang ako sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak.ganito lagi ang eksina ko.sa tuwing makakarinig ako ng mga salitang mula sa kanya ipapakita kong wala lang sakin,na hindi ako apektado pero sa oras na makapasok ako sa kwarto ko ang apat na sulok nato ang saksi sa hinagpis ko.

Gustohin ko mang mag salita at depensahan ang sarili ko wala akong magawa kasi kahit ipaliwanag ko sa kanila.hindi din naman nila maiintindihan.hindi din nila ako pakikinggan kasi ang alam lang nila at nakikita lang nila ang mga mali ko.lahat ng imperfections ko.

Para saan pa ang pag sasabi ko sa totoong nararamdaman ko.wala naman silang panahon para alamin ang mga yun.

Mas mabuti nalang namanahimik ako ganun din naman hindi din nila ako pakikinggan.pero yong sakit na idinudulot ng mga salitang binibitawan nya hindi ko alam kung hanggang kailan ko madadala.I emotionally broken and physically tired...All I wanted right now is to die.

                       🌵END🌵

Voiceless PainWhere stories live. Discover now