"Dian, please naman oh"
Pagmamakaawa niya kay Dian para samahan siya mamaya na manood ng theatre play kung saan isa sa mga casts si Brent.
Gustong-gusto na talaga niya itong makita dahil ilang araw na itong hindi umaattend ng mga klase nila.
"Mika, kung manonood tayo ay gagabihin ka sa pag-uwi"
Sabi nito dahil matagal talaga ang theater play lalo na at may misa pa iyon pagkatapos ngunit hindi naman sila aattend ng misa. Aalis din sila pagkatapos ng theatre play.
"Okay lang 'yon, basta makita ko si Brent"
Sabi naman niya at mahina naman itong natawa saka bumuntong hininga.
"Sige na nga, pasalamat ka at kaibigan kita"
"Thank you, Dian! Thank you talaga!"
Masayang sabi niya at natawa naman ito saka siya nagpaalam na para bumalik na sa classroom niya.
Sinabi niya dito na magkita na lang sila sa labas ng gate ng school mamaya pagkatapos ng dismissal.
"Zyrina, free ka ba mamaya?"
Tanong niya kay Zyrina nang makabalik siya sa loob ng classroom.
"Oo, bakit?"
"Tara, manonood ng theatre play"
"Naku! Mika, alam na alam ko na 'yang mga galawan mo na 'yan. Si insan lang talaga ang pakay mo 'no?"
Natatawang tanong nito at natatawa din naman siyang tumango dito.
"So pwede ka ba?"
"Oo naman! Alam mo namang palagi kitang susuportahan pagdating kay insan"
"Wow! Thank you, Zyrina!"
Niyakap pa niya ito dahil sa sobrang tuwa. Hindi na tuloy siya makapaghintay na manood ng theatre play.
Gusto na niyang makita kung gaano kagwapo si Brent sa suot na costume nito. Gusto rin niya itong makita na umarte sa harap ng madaming tao.
Excited na ako!
Kaya naman nang sumapit ang dismissal time nila ay agad niyang inayos ang mga gamit niya.
Tumingin siya sa wristwatch niya at nakita niyang kaunting minuto na lang ay magsisimula na ang theater play.
"Zyrina, tara na!"
"Hindi ka naman excited 'no?"
"Hindi nga eh!"
Natawa na lang ito saka sila naglakad na palabas ng school. Katulad ng napagkasunduan ay nandoon na nga si Dian sa labas ng gate at iniintay sila.
"Kanina ka pa ba?"
Tanong niya kay Dian at umiling naman ito.
"Kalalabas ko lang din"
"So tara na!"
Hinigit niya pareho sina Dian at Zyrina na ikinatawa naman ng mga ito. Pagdating nila sa auditorium ay marami ng tao doon. Kakasimula lang din ng play nang dumating sila.
"Doon tayo sa unahan umupo para mas maganda ang view..."
Bulong niya kina Dian at Zyrina dahil tahimik ang buong lugar ngayon. Sagrado kasi ang play na iyon kaya ganoon.
Madalim din ang buong lugar at ang tanging may ilaw lang ay ang stage.
Maglalakad na sana sila papunta sa unahang bahagi nang may humigit sa kanya. Pagtingin niya sa kung sinong humigit sa kanya ay nakita niya si Ally.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Novela JuvenilOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"