Paunawa:
Ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. :)
Hindi ko po pag-mamayari ang Sinangag Express.
------------------------
Magkababata kami ni Carlo at lagi kaming magkasama
Hindi ko alam unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kaniya
Pero anong laban ko kung ang mga kasama niya
Ay mga sexy at babaeng magaganda.
Isang araw aking natuklasan,
ang isang kainan na nag-ngangalang
Sinangag Express kung saan doon matatagpuan
Mga kaning masarap at iba't ibang klaseng ulam.
Si Carlo ang aking unang naisipang
Yayaing sumama sa bagong kainan
Dahil siya ang lalaking aking minamahal
At para kunwari kami'y magkasintahan.
Pumunta na ako sa bahay nila
at don ko nakita ang kaniyang ina
na nagsabing na si Carlo'y nakahiga
sa kanilang malaki't malambot na sofa.
At ayun nga aking naabutan si Carlo
Na nakahiga at nakawak sa kaniyang ulo
Lumapit ako sakaniya sabay bulong ko,
"Carlo gusto mo ba mag-SEX tayo?"
Biglang tumayo si Carlo at pinaupo ako
sabay sabing "Ano ulit ang sinabi mo?"
"Ang sabi ko kung gusto mo ba mag-SEX tayo."
Pero ang nakakapagtaka ay ang reaksyon ni Carlo.
"Ano bang nangyayari sayo Shirley?
Hindi ka naman ganiyan dati,
You know I really love you dearly
Pero wag ka naman sanang mag-madali."
Nagulat ako at doon ko naalala, sabay bigla akong natawa
Na hindi pala niya alam ang tinutukoy ko
Pero mas nagulat ako sa pangalawang sinabi niya
na umamin siya saakin na mahal niya ako.
"Carlo mali ang iyong pagkakaintindi
Pero natuwa pa rin ako sa iyong sinabi.
Dahil mahal din kita hindi bilang kaibigan,
Kundi mahal kita parang isang kasintahan."
"Ano ba talaga ang SEX na iyon?" tanong sakin ni Carlo.
"Acronym siya ng sinangag express isang kainan." yan ang sagot ko.
"So mali pala talaga ang pagkakaintindi ko?"
"Oo, pero at least nalaman kong mahal mo pala ako."
-THE END-
------------
A/N
LOL :)
Spur of the moment lang po ito :D kaya sorry kung hindi masyadong polished :)
c-h-r-i-s-t-i-n-e-d-a-n-i-e-l-l-e<3
BINABASA MO ANG
"Keep calm at mag-SEX tayo"
PoetryDon't judge a book by its cover. :) (Written when I was on my last year of High School. Total cringe but this was a part of my path to becoming the person I am today, so wouldn't delete this)