Last UD For This Story

81 3 1
                                    

Xandra's POV

Naging mahirap ang pag alis ko ng bansa at lalo na ang pag iwan ko kay Zackrey. Pero alam ko sa ikabubuti naming dalawa yun. Ginawa ko yun para akuin nya ang responsibilidad nya kay Lenette at sa magiging anak nila. Ayokong lumaki ang anak nyang walang ama. Kahit masakit ginawa kong lumayo at kalimutan sya.

Pero dadating talaga ang panahon na haharapin mo ang sakit at ang nakaraan.

"Xandra!!! Welcome back!" Yakap ni Justin sakin

Natawa nalng ako dahil sobrang clingy nya talaga. Kala mo hindi kami nagkita last month.

"Ay harot ni Justin" sabi ni Loisa

"Ikaw ang friend?! Ha? Ikaw?!" Sarcastic na sabi ni Cassy kay Justin at hinala ito para makabitaw sa yakap sakin.

"Itong mga to naman. Grabe" sabi ni Justin

Niyakap na ako ni Cassy at Loisa at saka iniwan kila Justin at Darren ang mga maleta ko.

"Namiss kita bruha huhuhuhu" sabi ni Loisa at hinalikan ako sa pisngi.

"Okay ka na? Hindi ka na ulit iiyak?" Tanong ko

"Hindi na! Di nya deserved iyakan noh!" Sabi ni Loisa

Natawa nalng ako, nag break na kasi sila ni Josh last week lang. Nagulat nalng ako ng mag call sya sakin ng madaling araw ibigsabihin gabi sakanila.

"Nagkakausap naman kayo ni Janelle?" Tanong ko sakanila

"Oo! Buti pa ang lokaret na yun masaya ang lovelife" sabi ni Loisa sakin

"Namiss kita sobra!!!" Yakap sakin ni Casoy

"Wala ka bang pasalubong samin?" Pag papacute nila

"Wala hehehehehe" sabi ko

Nakalabas kami ng airport at sumalubong samin ang ilang itim na Everest.

Haysttt hindi ko nga sinabi sakanilang uuwi ako pero nalaman pa din.

"Opps wala kaming alam dyan" sabi sakin nung dalawa ng tignan ko sila.

Napatingin ako kila Justin.

Nakakaloko ang ngiti ng isang mokong na si Justin.

"Sorry hehehe" sabi nya sakin at nag peace sign.

Agad na lumabas sa kotse ang mga bodyguard at kinuha ang mga maleta ko kila Justin at saka dun lumabas ang buong pamilya ko.

Patago kasi akong bumili ng ticket pauwi hindi galing sa mga perang pinapadala nila Daddy. Pinagipunan ko sa mga sweldo ko.

Isa na akong ganap na model sa England. Noong una ayaw pa nila Daddy dahil pwede naman mag trabaho nalng ako sa company at nang magamit ang pinag-aralan ko pero gusto kong makaexperience ng ibang trabaho. Nadiscover lang ako sa pag bili ng groceries noon. May lumapit na talent manager sakin at inaya akong mag model. Hindi ko na hinindian dahil para sa new experience.

Naka bakasyon lang ako ngayon dito. Hindi sa nag mamayabang pero sikat na ako sa modeling. Madami-dami na din akong endorsements. Wala media ngayon sa airport dahil biglaan lang talaga. Hindi planado buti nalng talaga hindi nag release ng article ang company na pinagtratrabahunan ko.

"Alexandra!!!" Lapit sakin ni Daddy at pinaghahalikan ako sa buhok kasabay ang pagyakap sakin ni Mommy.

"Bakit mo naman hindi sinabing uuwi ka? Buti nalng talaga sinabi samin ni Justin" sabi ni Kuya Xandro

"Biglaan lang Kuya." Sabi ko

Napalingon ako kay Justin at sinamaan ng tingin.

"Lagot ka sakin mamaya" pabulong kong sabi

Ang Asawa ko Fangirl ko din!?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon