" ~Bespren <3~ "

268 6 0
                                    

BESPREN

Kaithlyn's POV

Bakit ganito ang buhay? Bakit sa bespren ko pa ko nahulog …. MALI TO, MALING MALI ! May iba syang gusto pero bakit kahit alam kong may iba syang gusto, gusto ko pa rin sya ….. Para syang password ko sa FB, kahit palitan ko, hinding hindi ko naman makalimutan … Haysss >_<

"Hoy Kaith" may kumalabit sa akin.

"takte naman oh, sino ka ba?" paglingon ko si Mico, ang bespren ko.

Tama kayo guys, si Mico! Siya yung bespren ko na makulit …. Siya yung laman ng puso kong hibang … Sheems >_<

"Di mo na ko kilala bespren ah!" nagpout sya … ang kyut nya talaga!

Anyways guys, baka nagtataka kayo kung nasan kami, nandito kami ngayon sa classroom. Nakaupo ako. Si Mico, sa may likod ko sya nakaupo.

"Syempre hindi, bespren kaya kita" at mahal kita … di ko lang masabi L

"kala ko nakalimutan mo na ako . So, kamusta na yung pinsan mo, si Lorraine?" pssh .. Lorraine na naman!

"okay lang sya!" sabay pilit na ngiti

"lakad mo ko dun espren ah!"

"subukan ko" pilit na ngiti ulit

"wag mo subukan, gawin mo please!" ngumuso sya at nagpuppy eyes … sino ba naman ang di makakatanggi sa kakyutan nya!

"psh, oo na nga!" ang kyut mo kasi eh :)

"salamat ng marami bespren …. Kaya mahal kita eh!" Tama ba yung narinig ko? Mahal nya ko?

"Talaga, mahal mo ko?" sabay ngiti ng todo todo

"oo naman!" yiee .. :">

"parehas tayo!" ginulo ko buhok nya dahil sa kakiligan ko :)

Syempre sinunod ko yung pinanagako ko.Nilakad ko sya kay Lorrraine. Nakakainis nga yun si bespren eh, nung nilakad ko sya kay Lorraine,din a kami masyadong nagkakasama at nakakapag-usap. Lagi nalang sila magkasama ni Lorraine. Hays >_<

Ngayong araw ay wala kaming pasok. Pumunta kami ni Sophia sa Mall. Si Sophia ay isa rin sa mga friends ko. Nagshoshopping kami. Hahaha .. Joke lang, bumibili lang kami ng panggawa ng project sa Filipino :)

"hey kaith, nasaan si Mico?" aba, malay ko!

"ewan!"

"Speaking of Mico, ayun sya oh, papalapit dito!"

"weeh?" may kumalabit sa akin. Pag kalingon ko, si Mico …

"hi espren!"

"hello" gumagana na naman ang kaplastikan ko!

"anong ginagawa nyo dito?" haler?

"common sense will tell you!" >_<

"galit ka ba?"

"hindi, bakit naman ako magagalit?"

"ewan ko. Baka dahil hindi na tayo nagkikita at nag-usap?"

"aba! Wala akong pakialam sa iyo! Wala ka namn kasing pake sa akin diba?"

"so galit ka nga?"

"ay hindi!" kakapang init ng dugo! Hay…

Umalis na kami ni Sophia sa store na yun at nagpasya kaming kumain.

"kaith, galit ka ba kay Mico?" ay, isa pa to!

"oo" >_<

"bakit?" tsismosa?

"kasi mahal ko sya at nagseselos ako kay Lorraine!" oh … nadulas ako! Pero okay lang yan, friend ko naman sya eh!

O_O <--- sya

^_^ <---- ako

"O.A. mo nama!" haha J

"pero in fairness ah, mas bagay kayo ni Mico!" :)

Umuwi na kami ni Sophia pagkatapos naming kumain.

Nasa bahay na ako ngayon nang magtext si Lorraine sa akin.

From: CouzLor:)

   Hi cousin! Alam mo kami na ni Mico at dahil yun lahat sayo … thank you kasi pinakilala mo sya sakin :)

Aray ….. Ang sakit naman nun! Yung lalaking mahal ko, hinayaan ko lang mapunta sa iba!

Ang saklap parang gusting kong magwala at umiyak pero chillax! Baka naman sila talaga ang para sa isa't isa :( Hay ….

Pagakatapos nang mahabang pag-iisip ay nakatulog na rin ako.

----------

Araw, Linggo , at umabot pa ng Buwan na di kami nagpapasinan ni Mico! Pero alam ko naman na Masaya na sya kay Lorraine :(

----------

Disperas na ng pasko ngayon pero di parin ako makapag Move On! Hay …. tanging hiling ko lang , kahit di na maging kami ay sana magkabati na kami, sana mabalik yung dating kami. Hay …. >_<

"anak , ayusin mo yung pagbabalot ng mga regalo"

"opo mom"

Nagbabalot kami ng mommy ko ngayon ng mga panregalo sa mga bata na mamamasko at para sa mga pinsan at mga kamag-anak namin.

Maya maya ay may kumakatok sa bahay namin.

"anak, baka mga batang namamasko yun. Bilangin mo kung ilan sila" utos ni mom

"sige po"

Tumayo ako at pumunta sa may pinto. Nang binuksan ko ay nakita ko si Mico

O_O <--- ako

^_^ <---- sya

"oh M-Mico!"

"hi espren :)"

"He-hello!"

"namiss kita alam mo ba yun?"

"ako rin!"

"espren, wala na kami ni Lorraine :(" kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot

"Condolence!" sinubukan ko magpatawa at di ako nabigo dahil tumawa sya.

"haha .. ikaw talaga, kahit kalian ang adik mo!" kinurot nya ang mga pisngi ko :)

"so bakit kayo naghiwalay?"

"kasi nalaman ko na kahit anong gawin ko, di ko sya matutunang mahalin dahil may lamang iba ang puso ko!" sino naman kaya ang tinutukoy nito? Sana ako... haha :)

"sino naman yung taong nandyan sa puso mo?" tinuro ko yung puso nya

"ikaw"

O_O <---- ako

^_^ <--- sya

"aahh … ehhh … ahhh …."

"hindi mo naman kailangan suklian ang pagmamahal ko sayo eh. Okay lang kahit hindi mo ko mahal!" pilt syang ngumiti

"hindi. Mahal din kita :)" sa wakas … pagkalipas ng ilang taon , charott!

"talaga?" maloko nga >:)

"hindi ah nagbago na yung isip ko eh :)"

"ay ganun? :(" hahaha .. di ko na talaga mapigilan ang hindi tumawa!

"ahaha …. Joke lang ito naman!"

"so tayo na?"

"eh .. ligawan mo muna ako :P"

"kung yan ang gusto mo, gagawin ko" ang sweet naman!

Hinawakan nya ang aking mga kamay tsaka nya sinabi ang mga katagang "MAHAL KITA BESPREN"

Hays … ang saya ng pasko ko. Ilang lingo lang rin nang sinagot ko si Mico. Masay kami na kasama na naming ang isa't isa at wala ng makakasira pa n gaming masayang pagsasamahan :)

-WAKAS-

A/N: sana po nagustuhan nyo ... haha :) 

&quot; ~Bespren &lt;3~ &quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon