CHAPTER 4

7.6K 193 4
                                    

Yesha's POV

Bumungad sakin ang puting kisame nang magising ako.

" Ghad, Yesha. You're awake!" Masayang wika ni ate Kysha.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang doktor.

" How's your feeling, hija?" Tanong nito.

" Doc, kamusta ho ang baby ko?" diretsahang tanong ko at hindi ko na pinansin ang tanong niya. Napabuntong hininga siya..

Shit kinakabahan ako.

" Hija.." napaluha agad ako sa unang salita na lumabas sa bibig niya.

" Doc, sabihin niyo agad  ang totoo, please.." Ngayon ay humagulgol na'ko. Oa na kung oa! anak ko 'yun! "Kinakabahan ako" dagdag ko at patuloy na umiyak

" Hija, calm down. Your baby is safe. " napahinga ako nang maluwag sa magandang balita na ipinabatid ng doktor.

" Thank God"dahan dahan kong pinunasan ang luha ko at napangiti sa narinig ko.

" Thankyou doc" sabi ko pa.

" Pero hija, muntik na. Iwasan mo ang mga sitwasyong mapapaaway ka. It might cost your baby's  life" seryosong sabi  ng doctor.

" Yes doc," sagot ko. Hindi na talaga ako papasok sa ganoong sitwasyon!

" Doc, pwede na po bang umuwi ang kapatid ko?" Tanong ni Ate Kysha.

" Yes hija, tandaan ang habilin ko ah?" Tumingin sakin ang doktor at tumango naman ako bilang sagot

Paalis na sana siya pero muli siyang nagtanong.

" And... Ms. Reyes. How young are you?" Tanong nito. Nahiya ako sa tanong niyang iyon. Goshh

"Uhm, 13 po" nakayuko kong saad dahil sa hiya.

Ngumiti siya sakin " You're still young, but keep it in mind. I'm glad because you take your consequences. Bye!" At diretsong lumabas ang doktor.

Nakahinga ako nang maluwag.

Tinanong ni ate Kysha kung anong nangyari sa'kin sa school at kinwento ko naman sa kaniya ang nangyari.

" Ate sorry, magagastusan ka pa sa pagdala dito sa'kin sa ospital" I looked at her and she just smiled.

"Uhm ayos lang. Alagaan mo 'yang nasa tiyan mo na 'yan" turo niya sa tiyan ko. Hayss, mabuti naman at tanggap niya na

" Oo ate, alam ko masama pa rin ang loob mo sa akin. Pero promise, babawi ako pagtapos ko manganak" sagot ko.

" Sabi mo 'yan ah?" Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Isang buwan na  ang lumipas nang makalabas ako sa ospital. Tinanong ako ni Lea kung anong nangyari sa akin kasi hindi ko siya pinasama noong araw na 'yon kasi ayokong malaman niya na buntis ako

Sinabi ko nalang sa kaniya na may dalaw lang ako at may problema ako sa dugo. Hindi siya naniwala nung una pero nakumbinsi ko rin siya sa huli.

Sa dumaan na isang buwan hindi pa din ako tinigilan ni Deign sa pag aakalang may problema lang ako sa dugo kaya nangyari sa'kin yon. Patuloy pa rin siya sa pang aasar sa akin at pambu-bully sa loob ng campus.

Nananahimik na lang ako at hindi na siya pinapansin para hindi na lumaki pa ang away.

Si Drew naman, paulit ulit na pinagtitripan ako sa school. Aagawin ang notebook ko, uutusan akong bumili ng meryenda nila ng mga ka teammates niya o kaya naman ay  pinaprank ako. Tiniis kong maging sunod-sunuran para walang away. At lalong lalo na para sa anak ko.

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon