KABANATA 18

11.4K 390 71
                                    

[Adara]

Magdamag kaming sinamahan nitong sina Pierre, Sam, at Christian sa huling lamay ni Atoy. Naglaro kami ng cards katulad ng mga bisitang nagsusugal din ngunit ang parusa namin ay isang malakas na pitik sa tao sa bawat talo.

Hinawakan ko ang noo ko na manhid na sa kapipitik nilang tatlo. Si Sam ay parang hindi naman sineseryoso iyong pagpitik sa akin dahil tumatawa lang siya pero itong dalawang lalaking kasama namin ay mga walang konsensya! Mukhang tuwang tuwa pa silang nakikita na papula nang papula ang noo ko. Hmpf! Makagaganti rin ako sa inyong dalawa!

Marami pa ang sumunod naming mga laro ngunit ni isa ay wala akong naipanalo. Nakasimangot kong niligpit ang mga cards na ginamit namin.

Hinawakan ni Sam ang kamay ko at pinaupo ako bigla. Bahagya siyang yumuko at dinampi dampi niya ang kanyang panyo sa aking noo na mukhang binanlawan niya ng malamig na tubig. "Thank you."

"Laro ka kasi nang laro hindi ka naman pala marunong maglaro," sabi niya habang dinadampian pa rin ng malamig niyang panyo ang noo ko. Napakalapit ng mukha niya habang ginagawa iyon. Malapitan kong nakikita ang concern sa kaniyang mukha. Napaka-gentleman talaga ni Sam.

"A-Ako na riyan." Kinuha ko mula sa kanya ang panyo. Binigay naman niya at nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko. Nasulyapan ko mula sa kanyang likuran sina Pierre at Christian na parehong nakatingin sa direksyon namin.

Tumayo ako at inaya na si Sam na pumunta sa kinaroroon noong dalawa. Sumunod naman siya at umupo ako sa bandang dulo tapos siya ay sa tabi ko. Katabi niya si Christian at sa kabilang dulo ay si Pierre. Nasa pinakaharap kami ng mga nakahilerang upuan. Taimtim kaming nakinig sa mga matatandang nagdadasal para kay Atoy. May isinagawa ring misa ang pari ng kapilya malapit dito. Pagkatapos ng mga padasal namin ay hindi ko namalayang nakatulog ako sa balikat ni Sam.

Maliwanag na nang magising ako.

"Hala sorry, nakatulog ako." Kinusot ko ang mata ko at nag-ayos ng upo. Hindi ako nakaramdam ng pangangawit dahil nakaalalay sa buong pagtulog ko ang braso ni Sam. "Thank you ha. Naku, mukhang nangawit ka. Sana ginising mo na lang ako."

"Okay lang. I know you're tired," nakangiti niyang sagot. Napatingin ako sa dalawa pa naming kasama na wala sa tabi namin. "Nasaan sila?"

"They're cooking."

"Ahh... wait. What? They're cooking? As in nagluluto?"

"Oo. Pinagpahinga muna nila ang papa mo at sabi nila sila na lang daw ang magluluto."

"Marunong sila?"

"Kuya is a great cook. I'm not sure with Pierre."

Agad akong tumayo at pinuntahan sila sa likod. Doon kasi ang pinaka-kusina nina Mang Arturo kung saan sila nagluluto. Pagdating ko ay nakita kong nagluluto nga si Christian habang si Pierre ay nagsisibak ng kahoy na panggatong. Pawisan silang pareho at walang suot na damit pang-itaas. Nasulyapan kong nakasampay ang kanilang mga damit sa alambreng nakatali sa gilid.

"Gising ka na pala," ani Pierre sabay sibak sa kahoy sa kanyang itak. Iyong katawan niya ay parang hinubog mula sa kasanayan niya sa pagsisibak ng kahoy. Sobrang pirme ng muscles niya sa katawan na sobrang bumagay sa kulay nang balat niya na bahagyang nag-tan na. Matangkad si Pierre. Siguro ay nasa 6'1 ang height nito.

Napatingin naman ako kay Christian na seryoso sa pagluluto niya. Saglit din siyang sumulyap sa akin. Nakatatawa siya dahil sobrang tangkad din niya at kailangan niyang umupo habang nagluluto dahil nasa lapag iyong kalan na bato. Nakabalandra tuloy sa paningin ko iyong malapad at maputi niyang balikat. Nakatutuwa silang panoorin. Ang lalaki nilang mga tao at parang mga sanay na sanay sila sa buhay na may kalayuan sa kabihasnan.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon