First Sight

79.5K 2.3K 1K
                                    

First Sight written by iammissred

***

"Ma, wala na rin namang magagawa pa ang operation eh. Kahit pa magpa-opera ako, wala rin. Magsasayang lang kayo ng pera at oras," pag-eexplain ko sa Mama ko.

"Pero Ali, pag-isipan mo pa rin. Okay?" pag-pupumilit pa nya. 

"Opo," sagot ko kahit sigurado na ako sa decision ko. 

"Sige. Labas muna ako. 'Pag gusto mong maglibot, tatawag ka ng nurse ha," sabi niya.

Tumango ako tapos narinig ko nalang 'yung pagsara ng pintuan sa kwarto ko dito sa ospital.

Ako si Tanya Alison Santos. 18 years old at wala pa akong nakikitang kahit anong bagay sa mundo. Oh well, bulag ako. Dalawang beses na akong nag-try magpa-opera pero wala namang nangyari eh. Tapos this time, gusto ni Mama na i-try ko ulit, pero ayaw ko na. Hindi naman sa ayaw ko nang makakita pero ayaw ko nang umasa.

Maya-maya may kumatok sa pintuan. Nurse siguro.

"Pasok po. Bukas 'yan," sabi ko. 

"Ah-eh. Hello," narinig ko ang boses ng isang lalaki. 

"Hi?" Unsure kong sagot sa kanya.

Sigurado ako na hindi siya 'yung nurse ko. Sigurado rin akong hindi siya isang nurse. 'Yung way kasi ng pagkaka-approach niya sa akin ay unlikely para gawin ng isang nurse.

"Pasensya ka na ha, pero sino ka po?" tanong ko habang sinusubukang gawing mahinahon ang boses ko. Sa totoo lang kasi, kinakabahan ako. Paano kung kidnapper pala 'to? O magnanakaw? Baka rapist pala 'to tapos gahasin muna ako bago patayin.

Nagulo ang pag-iisip ko nung bigla siyang magsalita.

"Pasyente din ako dito. Gusto ko kasi ng makakausap. Ayos lang ba?" sagot niya. Siguro naman sincere 'to sa mga pinagsasasabi niya, 'di ba? Saka siguro ayos din na may makakausap ako. Boring din naman eh. 

"Ako si Alison. Sigurado ka bang kakausapin mo lang ako? Hindi mo ako nanakawan? O kikidnappin?" seryoso kong tanong.

Narinig kong tumawa siya ng malakas.

"Hindi ako magnanakaw o kidnapper o rapist o kung ano mang masamang tao, Alison," sabi niya sa gitna ng pagtawa. "Pangako, makikipag-kaibigan lang ako. Wag kang mag-alala."

Unti-unting sumabay na rin ako sa pagtawa niya.

"So pwede ba kitang maging kaibigan?" sabi niya.

Tumango ako, "As long as wala kang gagawing masama."

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at sinandalan ang parehong unan na sinasandalan ko

.

"Magkwento ka tungkol sa sarili mo," sabi ko para mag-start yung conversation. 

"Uhmm... basic informations? Ako si Edward. Hero Edward Serrano. 19 years old na ako," panimula niya. 

First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon