ACOSTA BLOOD SERIES 4
CHAPTER 1
3RD PERSON's POV
NAKATAYO si Zeri at Zera sa pintuan ng silid ni Yurizo at Yuan na parehong nag-iimpake ng kanilang mga gamit.
“Are you both sure that you really want to transfer? I mean, maganda naman sa school na pinapasukan niyo ngayon ah. Doon kami nag-aral ng mom at mga dad niyo.” ani Zera at sabay naman siyang nilingon ng anak at pamangkin.
“I'm sure about this aunt,” Sagot ni Yurizo na mabilis namang sinang-ayunan ni Yuan.
“Me too mom. I can't let my cousin go there alone, kawawa naman siya dahil paniguradong mamimiss niya 'ko.” Ngising litanya nito.
“As if, stop saying nonsense Yuan. Why don't you just stay here? Your presence is not needed there after all.” Pambabara naman ni Yurizo sa pinsan na agad namang sumimangot.
“Whatever! I'll go with you okay? Isa pa, as if din naman na kailangan ka roon.” Inirapan ni Yuan na parang babae si Yurizo kaya napailing nalang ito.
Napangiwi naman si Zera dahil kakaiba rin talaga ang kan'yang anak at pamangkin. Hindi niya maintindihan ang tumatakbo sa isipan ng mga ito.
“Pst fine! Kayo ang bahala pero saang school niyo ba balak lumipat?”
Nagkatinginan naman ang magpinsan dahil sa naging tanong niya.
“HAYASHI UNIVERSITY.” Sabay na sagot ng mga ito tsaka ngumisi dahilan para matigilan siya.
“HAYASHI UNIVERSITY? Saan naman nakatayo ang paaralan na 'yan? It's my first time hearing that school's name.” Kunot noo na litanya niya.
Napailing naman si Zeri.
Wala kasing ideya ang kapatid na si Zera sa whereabouts ng paaralan na sinabi ng anak at pamangkin nila.
Well, it's already expected dahil hindi naman lahat ng tao ay alam ang tungkol doon. After all, it's not an ordinary school that everyone should know.
“HAYASHI UNIVERSITY is not the right school for the both of you.” Sa pagkakataon na ito ay siya na ang nagsalita
Seryoso siya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ni Zera.
“Bakit naman Zeri?” Tanong nito sa kan'ya habang bakas sa mukha nito ang kuryosidad.
“Because it's a dangerous place. Lahat ng estudyante roon ay mga mafia, gangster, at assassin. Doon hinahasa ang kakayahan ng mga taong nais maging malakas at bihasa.” Kaswal na sagot niya naman.
Lumaki naman ang mga mata ni Zera matapos iyong marinig.
“W-what!? There's a school like that?” Hindi makapaniwala nitomh sabi.
BINABASA MO ANG
HAYASHI UNIVERSITY: LOVE CATASTROPHE
Action𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #4 HAYASHI UNIVERSITY: LOVE CATASTROPHE Bata palang ay alam na ni Yurizo at nang kan'yang pinsan ang history ng kanilang pamilya simula sa kanilang lola West at lolo Kalem hanggang sa kan'yang mga magulang subali...