Chapter 7

758 50 3
                                    

ROSHAN HALLEY.

"Love, magsi-CR lang ako." Tumayo ako matapos magpaalam kay Josh nang magbreaktime kami. Tumango lang sya habang nakatuon padin sa nilalaro nya.

Napairap naman ako. Walang sawang mobile games. Nako!

Lumabas na ko ng room at dumiretso sa banyo. Pumasok ako don at nagtungo sa isang cubicle. Nagsalpak ako ng earphones then sinimulan ang business ko. Actually, kanina pa ko nakakaramdam eh. Buti mailalabas na.

Ilang minuto nang natapos ako kaya agad akong naglinis. Siniguro kong walang kahit anong amoy bago ako lumabas. Kinuha ko ang powder ko sa bag pero napahinto ako nang makita ko ang isang babaeng nakatungo sa sink. Lumapit ako ng konti pero halos mapaupo ako sa nakita ko.

Ang daming lumalabas na petals mula sakanya!

Ilang sandali pa nang mag-angat sya ng tingin.

"A-ate Roshan?" Gulat na tanong nya.

My lips parted when I saw Alliah looking pale. What the hell?

"L-liah. Ano yon?" Tanong ko.

Sheez! Alam ko kung ano yon. Alam na alam ko. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko nago ako dahan-dahang lumapit sa kan'ya.

"May sakit ka?" Mahinang tanong ko habang namumuo ang luha sa mata ko.

Napahagulgol s'ya kaya hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya. Damn! She's my sister at ang sakit na malamang may ganito syang sakit!

"A-ate... N-nahihirapan ako."  Hagulgol nya. Tuluyan na ding bumuhos ang luha ko habang hinahagod sya sa likod. 

Oh God, why does it have to be her?

"Alam ba ito ng Kuya mo?" Tanong ko saka hinarap sya. Pinunasan ko ang luha nya. It hurts seeing her like this.

"Hindi." Umiiling na sagot nya.

Tinitigan ko sya at alam kong sobrang nahihirapan sya base lang sa itsura nya. I never thought that a once cheerful and jolly girl would be like this. Why does it have to be her?

"Sino ang dahilan?" Tanong ko saka hinawakan ang magkabilang balikat nya. Napatitig din sya sakin bago sumagot.

"Si..." she took a deep breath. "Si Pablo."

Napahawak ako sa bibig ko.  Hindi ako makapaniwalang si Pablo ng dahilan. Hindi ko expected na mahuhulog sya kay Pablo. I silently cursed when I realized all my teasings about her and Pablo.

"Sorry," sabi ko.

Her tearful eyes looks up at me. "Bakit po?"

Pinunasan ko ang luha n'ya. "Kasi tinutukso kita sakanya. Hindi ko alam na mahirap pala para sayo," sabi ko saka niyakap ulit sya.

"Ate, please po. Sa'tin lang itong sikretong ito. Wag na sanang malaman pa nang iba. Lalong lalo na si Pablo," sabi nya.

Naiintindihan kong ayaw nyang malaman ni Pablo 'yon pero kahit ba kay Josh, 'di nya ipapaalam?

"Paano ang Kuya mo? Dapat alam nya yan," sabi ko.

"Opo. Sasabihin ko po sa kanya pero Ate, pwede bang samahan mo 'ko 'pag sinabi ko kay Kuya?" Walang alinlangan akong tumango. Inayos ko ang nagulo nyang buhok at pinunasan ang luha nya.

I really love her as my sister. Siguro kung hindi ko sila bakilala nang Kuya nya, ang lungkot nang buhay ko. Wala kasi akong kapatid kaya laking pasasalamat ko nang makilala ko si Alliah at Josh.

"Tara na? Baka hinahanap na nila tayo," sabi ko. Lumapit ako sa sink at nilinis 'yung petals na dinuwal nya, naghugas ako ng kamay saka inakbayan sya palabas ng restroom.

"Love, saan ka nagpunta?" Napairap na lang ako sa tanong ni Josh sakin. Tss. Hindi ko pinansin. Naupo nalang ako at kumain.

"Love," tawag nya. Tiningnan ko sya saka kumain ulit.

"Kuya," tawag ni Alliah sa kanya. Napayuko ako dahil ramdam kong anytime, tutulo ang luha ko.

"Bakit, Liah?" Tanong ni Josh na nakabaling na sa kapatid nya. Binalingan ko si Pablo at nakita kong nakatuon din kay Liah ang atensyon nya.

"Pwede bang turuan mo ako mamayang maglaro sa mobile games mo?" Nakangiting tanong ni Liah.

Shit.

"Mamaya? Sa bahay?" Tanong ni Josh. Tumango si Liah.

"Sige ba!" Sagot ni Josh saka binalingan ako kaya mabilis akong nagkusot ng mata.

"Liah, ayos ka lang?" Tanong ni Pablo. Tumango si Liah at kumain na.

"Pablo." Napatingala ako sa isang babaeng nakatayo sa tabi ni Pablo.

"Uy, Reign!" Sabi ni Pablo.

Reign? Yung babaeng gusto ni Pablo? Siya ba?

Damn! Hindi dapat ito nakikita ni Alliah. Mahihirapan na naman sya!

"Hello po. Sorry sa istorbo pero pwede bang makausap saglit si Pablo?" Tanong sa amin ni Reign.

"Oo naman. Pwedeng pwede," sambit ni Stell. Pinagtulakan pa nila Ken at Jah si Pablo kay Reign.

"Liah..." Tawag ko. Natulala ako nang makita ang luha nya pero mukhang ako lang ang nakapansin. Nakayuko sya at kumakain pero kita ko ang luha nya. Mabilis syang nagpunas at tumingala.

"Bakit, Ate?" Tanong nya saka ngumiti. Nakita ko naman kung paano hinawakan ni Daria ang balikat ni Alliah. I bet, they already knew.

"Tara? Samahan nyo 'ko, girls. May papakita ako," sabi ko saka tumayo at sinenyasan sila Daria, Celine at Keicy na sumunod.

"Love, saan ka pupunta?" Tanong ni Josh pero humalik lang ako sa pisngi nya saka binalingan sila Alliah bago ako lumabas ng cafe kasunod nila. Huminto ako nang nasa field na kami. Naupo kaming lima doon.

"Alliah. Umiyak ka na. Sige na," sabi ko saka hinarap sila.

"Namumutla ka. Umuwi ka na muna kaya," sabi ni Daria. Keicy went to her and wipe her sweat

"Ayos lang ako." Nakayukong sagot ni Alliah.

"Alliah. 'Wag ka nang matigas ang ulo. Tama si Daria. Mabuti pang umuwi ka na. Magpahinga ka," sabi ko.

"Pero, Ate--" She couldn't finish what she'll say when Keicy spoke.

"Please, Alliah naman! Nahihirapan ka na, oh! Makinig ka naman. Please lang! Kaya nga pinapauwi ka namin para malaya mong mailabas 'yang pagmamahal mo kay Pablo!" Sigaw ni Keicy. Mabuti at walang estudyante dito. Malayo sila kaya hindi rinig si Keicy.

"Please, Alliah. Magpahinga ka," sabi ni Celine.

"Tara, Ihahatid kita. Tatawagan ko lang si Josh," sabi ko saka tumayo na. Rinig ko pa ang pagtutol ni Alliah pero hindi ko na pinakinggan.

"Love..." bungad ko namg sagutin n'ya ang tawag.

"Oh bakit? Asan ka ba, love?"

"Umuwi na tayo." Nilingon ko si Alliah na tahimik na nakatingin sa akin.

"Ha? Bakit?"

"Please, gusto kong umuwi na muna eh."

"Nasan ka ba?"

"Nasa soccer field. Kasama ko si Alliah."

"Sige. Wait lang..."

Pinatay ko na ang tawag at lumingon kay Alliah. Putlang putla na sya kaya kailangan nang umuwi para makapagpahinga.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtawag ni Josh sa kung saan.

"Love!" He shouted and I immediately look at Alliah.

I know, she can do it.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon