ALLIAH KEITH.
Napatingin ako at nakita si Kuya na naglalakad palapit sa amin. He spotted me immediately before he jogs towards us.
"Liah, bakit namumutla ka?" Tanong ni Kuya at lumuhod sa harap ko. Inilapat n'ya ang kamay sa noo ko. I bit my lips to stop my tears but my voice betrayed me.
"Kuya," naiiyak at basag na tawag ko. His expression changed. Mabilis n'yang hinawakan ang kamay ko bago nag-aalalang tumingin sa akin.
"Bakit? May problema ba?" Worry was laced in his voice. The softness in my brother's eyes making me tear up.
"Uwi muna tayo. Masama pakiramdam ko eh," sabi ko habang pinipigil ang luha ko.
"Oo nga, Kuya Josh. Iuwi nyo muna ni Ate si Alliah para makapagpahinga," sabi ni Daria. Kuya Josh looks at her and he look at me again.
"Anong masakit sa 'yo?" Tanong ni Kuya. Hindi ako makasagot dahil abala pa rin ako sa pagpipigil ng luha ko.
"Love, sa bahay mo na sya tanunguin. Sa ngayon, umuwi muna tayo," sabi ni Ate saka bumaling kela Celine. "Girls, kayo na bahalang magpaalam para kay Alliah. Okay lang?"
The three of them look at me before passing me a soft smile. Keicy even hugged me before they all nodded.
"Tara na," sabi ni Kuya kaya tumayo na 'ko at saka kami naglakad palabas ng field. Kuya and Ate Roshan went to their room first to excuse themselves. Naiwan ako sa mga kaibigan ko.
"Magpahinga ka pag-uwi, okay?" Daria told me. Napangiti ako sa kanila at tahimik silang niyakap.
Please, don't let me hurt these precious people. Sana hindi ko sila masaktan nang dahil sa kalagayan ko. Please.
My Kuya and Ate went back after a minute. Nagpaalam na rin ako bago kami lumabas. Ate passed the excuse letter to the guard kaya pinalabas na rin kami.
Pumikit ako pagkasakay sa kotse. Hirap na hirap ako sa paghinga. Parang gusto ko nang matulog pero ayoko. Baka di na 'ko magising. Nakakatakot.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong pumikit hanggang sa narinig ko ang boses ni Ate.
"Alliah, nandito na tayo." Dumilat ako at nakita si Ate Roshan na nasa labas ng kotse. Bumaba na 'ko at saka naglakad papasok ng bahay.
Humarap ako sa kanila bago ngumiti. "Magpapahinga muna ako, Ate at Kuya," sabi ko saka dumiretso sa kwarto ko. Saktong pagsara ng pinto, napasalampak ako sa sahig at nagsimulang umubo nang umubo. Shit! Eto na naman!
Patuloy na sa pagtulo ang luha ko habang umuubo ako.
20... 21... 22... 23... 24... 25...
Padami nang padami ang nailalabas ko kaya napahiga na ako sa sahig pero patuloy padin sa pag ubo. Damn it!
"Alliah!" Rinig kong sigaw. Hindi ko maaninag kung sino 'yon dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. Mabilis at sunod sunod ang paghinga ko matapos umubo. Shit!
"Alliah, si Kuya ito." Si Kuya Josh pala ang tumawag sakin. I can sense panic in his voice then, I felt his hands lifting me up.
"K-kuya..." Nahihirapan akong huminga.
"Alliah, ano ito? Bakit may ganito?" Rinig kong nabasag ang boses ni Kuya hudyat na umiiyak na sya. Binuhat ako ni Kuya at inihiga sa kama pagkatapos ay kinumutan. Damn! Hindi ko na maidilat ang mata ko sa sobrang panghihina.
"Alliah," tawag ni Ate at naramdaman ko ang paghaplos sa buhok ko.
I can hear their sobs but my eyes remained closed. My tears couldn't stop anymore. It fell freely on my cheeks. Ipinikit ko lang ang mata ko at sinubukang alisin ang nagbabagang sakit sa dibdib ko.
Masakit. Ayoko na. Hirap na hirap na ako.
Please, stop this pain.
-
Edited Version
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanfictionHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...