The Zoom Gali-Gali story mga oracion at kalokohan

116 2 2
                                    

Grade one ako ng mag simula akong mag carpool nakakatakot pero nakakacurios ang mga tao o ang mga carpoolmates ko dun. enjoy na enjoy ako kapag may nakikita akong funny or nakakatawa na mga ginagawa nila .

lagi akong nakaupo sa dulo ng carpool. sa may pintuan left side. ako dpat ang nanjan. dahil pwesto ko yun. HAHAHA 3:)

masaya ako kahit wala pa ako masiyadong kaclose noon. may isa pero hindi pa rin. masaya ako kasama ang aking napaka gandang pwesto sa carpool. mahal na mahal ko ang pwestong iyon.

nang biglang may dumating na nakakainis na batang babae na may mejo kulot na buhok. inigaw niya sakin ang pwesto ko. naiinis ako syempre.

kung ito'y ihahambing mo sa pag ibig. isa itong love triangle .. mahal ko ang upuan ko. at mahal ako ng upuan ko kaso siya ang kontrabida ng aming pagmamahalan .. masakit pero ito ay dapat kong tanggapin.

hanggang sa naging close kami ng babaeng iyon nag bago ang tingin ko sa kanya .. isa na siyang demon and half angel para sa akin..

ref ng bayan I mean Ref ko lang. ako ang kumakain ng partial ng laman ng lunch box niya from recess to lunch. syempre di na kasali ang dinner. :)

grade two kami ng makakita kami ng isang malunggay tree or shrub or bush basta MALUNGGAY PLANT . at syempre dahil bata pa kami nun. naniniwala kami sa mga kapngyarihan na dala ng lupa,hangin,tubig at apoy .

at dahil ang apelido ko ay malapit sa salitang mambabarang na siya din ang nakaimbento na kinalat niya sa kaing mga carpoolmates naging sikat na iyon.

nag simula ang paniniwala ng aking mga classmate na ako DAW ay isang mambabarang ng kumakanta ako ng zoom gali gali gali zoom gali gali♫ sa carpoool noon at na plat ang gulong ng carpool kaya nag laro kami ng mga favorite naming mga laro ang CHINESE GARTER! PIKO atbp.

dito din nagsimula ang unahan sa pila at ang silence game upang piliin ng teacher sa para sumulat ng Noisy,Standing at Behave.

at dahil sa kanya .. natutunan kong mangutang .. mangutang para sa sarili ko. at mangutang para sa kanya. at mag bayad ng utang at umutang ulit . magulo ba ? basahin mo na lang ulit para ma gets mo.

 at may naalala akong laro na nilalaro namin noon ang princess and the pauper multiple choice.

example:

tatanungin ka niya nga tanong then pasasagutin ka ng A. or B. kahit hindi mo naman alam ang laman ng bawat letra. adik lang? pero enjoy itong laro na ito. kailanagn mo lang ay ang iyong IMAGINATION .

"sino ang gusto mong charcter? A? or B?" yan ang unang tanong na tinatanong niya kapag nilalaro namin ito.

"ahh .. B "

"oohh~ ikaw yung pauper!!!"

para sa part ko mas guso kong maging princess. kasi ewan. gusto ko lang. ayokong maging poor no.

meron din siyang hula-hula session noon. huhulaan niya daw kunwari ang future mo. hinulaan niya ako noon. magiging isang hamster warrior daw ako tuwing sasapit ang dilim at makikipaglaban ako sa mga kambing. at ako naman syempre dahil mga bata kami nun. naniwala din.

sumulat ako ng letter para ka Jesus para bigyan ako ng guidance sa laban namin ng mga kambing. at iniwan ko ito sa alter. kinabukasan ito ay nawala at para sa akin. kinuha iyon ni Jesus upang basahin ^.^

ng minsang nagkasala ako sa kanya nung grade two kami. naglalaro kami ng habulan kasama ang aming mga carpool mates at sa panahong iyon ay may hinanakit na sila sa akin dahil nga sa ugali . pikon daw kasi ako dati. may hawak akong patpat noon. at timing ako ang naging taya atsa hindi ko alam na dahilan nakaramdam ako ng abnormal na pakiramdam hinabol ko siya at hunili gamit ang patpat na hawak ko feel ko kasing kamay ko ito. HAHAHA kaya ayun. napalo ko siya sa ulo at nag simula akong takutin ng aking mga carpool mates.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Zoom Gali-Gali story mga oracion at kalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon