Chapter 1Maganda 'yung buhay na meron ako.
Kahit masama ang ugali ko, alam kong mahal na mahal ako ng mga taong nasa paligid ko.
Kahit hindi ako sumusunod, alam kong mahal ako ng daddy ko.
Kahit inaaway ko ang mga kuya ko, alam kong nag-aalala pa rin sila sa akin.
Kahit palagi kong linalait ang nag-iisa kong totoong kaibigan, alam kong hinding hindi niya ako pababayaan.
kahit bunga ako ng kasalanan, tinanggap at minahal pa rin ako ng asawa ng daddy ko. Si Mommy Rose.
At kahit hindi kami nagkakasundo ng totoo kong mommy at kapatid, alam kong may puwang pa rin ako sa puso nila kahit papaano.
I am surrounded with love.
Pero sadyang selfish lang yata talaga ako at hindi makontento sa pagmamahal na meron ako.
I am always craving for a different love.
I am wanting someone's love and affection.
But that someone's love and affection can never be mine.
Nagsimula ang lahat ng iyon nung tumuntong ako sa kolehiyo.
I woke up early, did my daily rituals and went to school.
Nakatira ako sa bahay ng daddy ko kasama ang dalawa kong kuya at si Mommy Rose na asawa ng daddy ko.
Masaya ang buhay ko. Kahit anak ako sa labas, never nilang pinaramdam sa akin iyon.
Close kami ng mga kapatid ko at itinuring akong anak ng mommy Rose ko.
I was a princess. They gave me all that I wanted. Lumaki akong spoiled brat pero okay lang sa kanila iyon. Kaya akala ko kaya kong kunin ang lahat ng gugustuhin ko.
"Ereal, we're here." Tinapunan ko ng tingin si Kuya Vein.
Si Kuya Vein ang pangalawa kong kuya. He's one year older than me.
Second year college siya rito sa Don Benidictos University, isang kilalang university kung saan karaniwang nag-aaral ang mga taong may kaya sa buhay.
I'm inside his car. Ipinagbilin kasi ni daddy na dapat akong palaging sasabay kay kuya. Kung hindi naman, kailangan akong sunduin ng driver. May pagka-over protective din kasi si daddy.
Tumango lang ako kay kuya at walang salitang lumabas sa engrande niyang kotse.
Madaming estudyanteng natigilan. Nagbulong-bulungan. Kanya kanyang opinyon.
Sikat ang pamilya namin. Laman ng iba't ibang business magazines. Real estate ang business ni daddy na minana pa niya sa lolo ko.
At dahil anak ako ng isang business tycoon, hindi ako nakaligtas sa mga media. Hindi na rin lingid sa kanilang kaalaman na anak ako sa labas.
Maraming nanghusga, pero dahil tanggap at mahal ako ng daddy, ipinagtanggol niya ako sa lahat.
And as for me, I learned to live with it. I learned to ignore it.
Hanggang ngayon, marami pa ring nanghuhusga, hindi na yata talaga mawawala iyon.
Pero hanggang bulong na lang sila. Wala nang nagtangkang lumapit.
Inakbayan niya ako at mapanuksong ngumiti. Mang-aasar na naman siguro ito.
"Woah. Beast mode little sis?" Pinisil niya ang kaliwang cheek ko na lalong nagpainis sa akin.
"Stop doing that! I-alis mo nga 'yang kamay mo Vein." Diniinan ko ang pagbanggit sa pangalan niya.
"What did you call me?" Mukhang inis niyang sabi.
Natawa na lang ako. Ayaw na ayaw niya talagang hindi tinatawag na kuya. Disrespectful raw kasi.
"Tss. Wag ka kasing magulo. Ang kulit mo." Sinimangutan niya ako. Naku mukhang magtatampo yata 'to.
"Isusumbong kita kay daddy!" Natawa ako.
"Sige ba! Gusto mo samahan pa kita eh. Alam ko namang hindi ako pagagalitan ni daddy. Mahal ako nun eh." I stick my tongue out.
Imbes na mas magalit siya, tumawa na lamang siya. Ganyan talaga kami. Ginagawa naming bonding 'yung pagkukulitan. Wala pa nga 'to. Kapag na sa bahay si Kuya Von, 'yung panganay naming kuya na nasa states nag-aaral, sobrang ingay ng bahay. Palagi ko kasi iyong kakamping asarin si kuya Vein.
"Spoiled brat!" Sigaw niyang tumatawa at ginulo ang buhok ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi inalintana ang mga matang nakatingin.
I'm used to that. Minsan nanghuhusga, minsan rin naman humahanga.
Hinatid ako ni kuya sa mismong classroom ko. I waved goodbye to him before I went inside my new classroom.
Wala pang teacher at hindi pa occupied masyado ang mga upuan.
I scanned the whole room and found the perfect seat just beside the window.
Matatanaw mula sa bintanang iyon ang mini-forest ng school. Puro puno iyon, pero namaintain naman ang ganda.
Maglalakad na sana ako papunta sa upuang gusto ko nang may naunang naupo sa akin.
Napatigil ako at napatingin sa lalaking naka-hoodie at may earphones sa tenga. Nakatingin siya sa bintana at walang pakealam sa kanyang paligid.
Naglakad ako patungo sa kanya. Nang makalapit ako ay hindi ko maiwasang punahin ang kanyang matangos na ilong at kulay rosas na mga labi. Mga pilikmatang mahaba. He was facing sideward. But I can tell he is handsome. Very attractive. And when I say attractive, I mean darn attractive. He has this kind of aura that I've never felt from someone before. He's different from everyone I've met before.
Halos hindi ako makahinga nang lumingon siya at tinanggal ang suot niyang earphones. Wala yata akong masabi sa itsura niya. He's almost perfect. Nakaka-intimidate titigan ang malamig at kayumanggi niyang mga mata.
Napa-iwas ako ng tingin. Hindi matagalan ang pagtitig sa kanya ng diretso sa mata.
What is happening to me. Para akong na-hypnotize sa mga mata niya. Hindi ko magalaw ang nanginginig kong mga binti.
I am not usually like this. I am confident and vocal. Pero pagdating sa kanya, umuurong ang dila ko.
Tumikhim siya. Pati tikhim niya ay tila musika sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakataas ang dalawa niyang kilay na tila nagtatanong kung ano ang kailangan ko.
Pumikit ako ng isang beses bago nagkalakas loob na magsalita.
"Uhm... Ano... Is this seat taken?" Itinuro ko ang upuan sa tabi niya.
Ipinaubaya ko na sa kanya ang upuang gusto ko. I think mas gusto ko nang umupo sa tabi niya kesa sa upuang tabi sa bintana, malayo naman sa kanya.
"Yes." Walang pag-aalinlangan niyang sagot nang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Who? I mean.... Sino ang naka-upo dito?" Halos sipatin ko ang sarili ko. Umayos ka Ereal.
Magsasalita na sana siya nang mapalingon siya sa likod ko dahil sa isang pagtawag.
"Code!" Tinig ng isang babaeng pamilyar sa akin.
Tumayo ang lalaking kausap ko at lumakad papunta sa likod ko.
Nakita kong inakbayan ng lalaki ang babaeng sobrang pamilyar sa akin.
"Siya. Siya ang naka-upo." Nanlaki ang mga mata ng babaeng nakatingin sa akin.
"Ereal..." Sambit niya.
"Mary Aiah.... Kamusta?"