Zero's POV
"Nandito kaming lahat upang ipabatid sa inyo na magaganap na ang blood moon sa susunod na limang araw. "
Nagulat ang lahat sa anunsyo ni demigod Xiera at kahit kaming power 10 ay nagulat din maliban lamang kay Clark at Cyan na mukhang inaasahan na ang sasabihin ng tita Xiera nila.
"Alam kong alam na rin ninyo ang tungkol sa balitang ito, at ngayon ay ikinukumpirma ko na. Masyado nga lang napaaga ang blood moon at hindi din namin inaasahan iyon."
Seryosong nakikinig ang lahat sa sinasabi ni demigod Xiera.
" Alam nating lahat na napakapanganib ng blood moon dahil dito mas lumalakas ang masasamang demonyo. Kaya inaasahan ko kayong patibayin ang inyong mga loob at protektahan ang eskwelahang ito.
Ang mga nasa moon dormitory ay hindi rin ligtas. Napakalakas nv enerhiya na ilalabas ng impyerno sa oras ng blood moon huwag niyong hahayaang maagaw kayo ng kasamaan. Kung maari ay bantayan niyo ang isa't isa. "
Dagdag pa ni demigod Xiera at mukhang nangangamba na rin ang mga taga moon dormitory base na rin sa mga ekspresyon nila.
"Inaasahan ko rin ang pagtutulungan sa bawat dormitoryo. Nagtakda na ang student council ng mga mangunguna sa bawat dormitoryo."
Tumingin naman si Demigod Xiera kay Clark na hudyat upang ito naman ang magsalita sa harapan.
"Ako at ang aking kanang kamay na si Pierce Grey ang mangunguna sa Star Dormitory. Summer Larson at Hadley Cooper ang mangunguna naman sa Sun Dorm. At sa Moon Dorm naman ay sina Gwendolyn Diaz at Lowell Mendez. Yun lamang."
Sabi ni Clark at bumalik na sa kanyang upuan.
Pumunta naman sa harap ang isa pang demigod na hindi ko pa kilala at mukhang ito ang tatay ni Dusk at Dawn dahil kamukha nila ito.
"Marami pang mga bali-balita ang kumakalat sa loob ng eskwelahan at ngayon pa lamang ay sinasabi ko na sa inyo na wala ni isa man sa mga yun ang totoo. Lalo na ang sinasabing propesiya na wala man lang makapagsabi kung ano nga bang propesiya iyon."
Seryoso ang lahat sa topic na ito, dahil mukhang mas mainit pa ang issue na ito kaysa sa Blood moon.
"Magtiwala lamang kayo sa amin. At huwag ng magkalat pa ng kahit na anong bali-balita. Aasahan ko yan sa inyo. Yun lamang at tayo'y kumain na."
.
.
.Mas kakaiba ang hangin sa loob ng Great Hall ngayon. Siguro dahil nandito ang lahat ng mga demigod at ang royalties ng kingdom of Vector.
Lumipas na ang ilang minuto at kumakain na ang lahat
"Ah Zero?"
Napatingin naman ako kay Blair na nasa harapan ko.
"Gusto mo bang malaman kung sino-sino ang mga nasa harapan?"
Tanong nito at sa tingin ko pa lang sa kanya ay mukhang alam na niya ang sagot.
BINABASA MO ANG
Rise Of The Fallen [HIATUS]
Fantasy[ Sons and Daughters of Satans Children, and Demigod's 3rd generation | Fallen book #2 | Tagalog storyline ] • Book Cover by Suhoberrie • Creating a world where the fallen will arise with the angels from above. Demigods and demons will collide, but...