Dedicate ko to sa kanya...
@supergirlwearspants <[[--- new friend ko sa watty world. HAHA...
I'm currently reading her story "Di Bale nalang kaya?" Chapter 3 palang ako eeee... pero maTOROY tong short story na... Please read it. Di kayo mag sisisi.. HEHEHE >.<
Madami sya story... pili nalang kayo, pero syempre yung sakin din
VOMMENT and LIKE sa gusto. Thankchu...!
<While eating kwek kwek> HAHA
-------------------------------------------------------------------------------------------
After class sinundo ako ni motherlu. Nasa isang mamahaling restaurant kami at nagdidinner.
“Junakiz, ispluk mo na mga happenings sa balur ng gwapings mong boyfriend to be.” Sabi ni motherlu habang hinihintay namin ang aming order.
“Motherlu ha! Boyfriend to be ka dyan.” Saway ko sa kanya.
Kinuwento ko na nga ang lahat ng mga ngyari kay motherlu, nakakahiya na nga dahil tumitili ito at kinikilig sa mga kinukwento ko. Mas kinilig pa sakin eh. Habang kumakain tuloy pa din ako sa pagkukwento.
“Oh talaga? Talandi ka junakiz. Ay peg ko na yang si Alec chuva chu chu na yan. Di na yan mahihirapan sa papa mo friend pala sila e.” Kinikilig na sabi ni mudrabels.
“Haisst motherlu, wag mong bigyan ng meaning yun, mabait lang talaga si Alec. Anyway motherlu mudrabels, yung pinapahanap kong address? Ihatid mo naman ako dun ngayon, gusto ko nang mabawi ang bag ko. Please?” nagpacute pa ako kay motherlu, pumayag din naman sya agad.
Itinigil ni motherlu ang sasakyan sa isang di kalakihang modern house sa loob ng exclusive subdivision. Binayaran ni motherlu ang guard kaya kami nakapasok.
“Junakiz, call me maybe ha? Kapag magpapasundo ka? Ano bang number ni Alec?” Sabi ni motherlu ng makababa ako sa kotse.
“Motherlu naman, bat ba kasi ayaw mo pa akong hintayin saglit lang naman to.” Maktol ko sa kanya.
“Sorry naman junaknak, need kong mag flylalu talaga sa office. Ibigay mo na kasi ang number ni Alec chuvanez mo.”
“Hindi ko alam ang number nun e. At tska nakakahiya.” Nakapout kong sabi sa kanya.
“O sya, sya. Mag doorbell kana para maka gora na ako, baka wala dyan yung Stanley na yon.”
Nagdoorbell na nga ako, mga limang beses bago may magbukas ng pinto. Nang makita ni motherlu na lumabas ng pinto si Stanley nag babye na sya sakin.
“Sino yan? Do I know you?” nakakunot ang noo nya mukhang bagong gising, nagkamot pa ng ulo at humikab. Do I know you ko yang pag mumukha nito e.
Di pa din nya binubuksan ang gate na di naman kataasan.
“Kukunin ko lang yung bag ko, sabi mo pumunta ako dito para kunin yon.” Seryoso kong sabi.
“ahhh, ikaw pala Jekz. Teka pano ka nakapasok sa subdivision?” binuksan na nya ang gate, dare daretso naman akong pumasok. Siga lang.
“Anak ako ng president ng pilipinas, Ugh! Pwede ko na bang makuha?” mataray kong tanong, pero tinawanan lang nya ako.
Pinapasok nya ako sa loob. Mukhang sya lang ang tao sa bahay na yon, but infairness malinis sya.
BINABASA MO ANG
It Takes Two < ONGOING >
Teen FictionLove is a choice. It takes two people to make a relationship and two hearts to fall in love,but it takes only one to fight and the other one to give up. First time ever toh na mag-isip ako kung sino mas mahalaga, mas matimbang, mas mahal ko, lahat n...