Chapter 21

46.5K 1K 45
                                    

May mga gamot si Alyssa para pampagana sa pagkain pati na rin mga vitamins para maibalik ang normal niyang timbang pati na ang pagbalik nang gana niya sa pagkain. She's at the window where Damien left her.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapanood ang nasa labas nito. Pinadalhan ni Damien ng pagkain ang dalaga matapos nitong lumabas at asikasuhin ang mga naiwan nitong trabaho.

He left Alyssa with guards outside their room. Kahit saan tumingin ang dalaga ay security ang nakikita niya. She looked at the food. The food seems not delicious in her eyes. Nasa tabi ng pinggan ang mga gamot niya na nakaayos talaga.

Tinuruan siya ni Karlos kung ano ang dapat unahin bago kumain o kung ano ang iinumin pagkatapos kumain pero sa nangyari kanina tila walang plano ang dalaga na gawin ang payo sa kanya ng Doktor.

She felt suffocated. Eventhough Damien said, she's free to roam around in this Mansion. Pakiramdam ng dalaga kulungan pa din ito gaya ng kulungan niya noon. Hindi niya maalis-alis ang alaalang yon dahil parang nangyayari ito ulit sa kanya ngayon kahit pa hindi naman talaga siya nakakulong.

Carmela and Doctor Harvey were not present, and they have not been located. She was disappointed when she came to the kitchen to greet Carmela. Only to discover that the couple was no longer in the picture.

Ipinadala ni Damien ang mga ito sa Amerika sa pag-aari nitong Mansyon doon. Walang makausap ang dalaga, wala siyang mapagsabihan ng kanyang mga hinanaing. She expected that Carmela is still here.

She expected Carmela would be here, comforting and hugging her. "Ano bang ginawa nila Carmela sa kanya?" Bulong ng dalaga sa kanyang sarili. After what happened between them at the bed, Alyssa slapped Damien.

Nagkamali yata ang binata, akala niya ay tatanggapin ni Alyssa ang halik niyang 'yon. Alyssa slapped him as retaliation for insulting her after she initiated the kiss earlier.

Hindi pa din ginagalaw ng dalaga ang pagkaing nasa bedside table. Tinignan niya lang ito at ibinaling ang tingin sa mga gamit pang-pinta na nasa kama. Nang dalhan siya ng pagkain dito, dala-dala din ito ng isa pang katulong.

She asked them the same question she asked at the Chef but they didn't answer her. Ang Chef lang ang sumagot sa kanya kung nasaan sila Carmela pagkatapos noon ay wala na. Ang lahat ay hindi na nagsalita, hindi na bumubukas ang mga bibig nila sa tuwing nasa paligid siya. 

She eventually returned to this room, sulking with her own thoughts and loneliness. Securities trail her wherever she goes. Kahit nasa loob lang siya ng bahay nakasunod ang mga ito. She's irritated. She can't do whatever she wants to do. Napakagat ng labi ang dalaga at pinahidan ang luhang tumigil sa gilid ng kanyang mga mata.

Lumapit siya sa kama at kinuha ang mga gamit pang-pinta. Kinuha niya ang upuan sa tabi ng side table. Itinali niya ang kanyang buhok, naghalo ng mga kulay at kinuha ang blankong portrait.

"When you don't have the freedom to do what you want, love is meaningless. When you're trapped in someone's arms, love isn't the only way out." She longs for her freedom, but she's back at first base.

Sana lang ay hindi magtagal ito. Sana lang ay marealize ni Damien na ang pagmamahal ay hindi kailangang nakakasakal. Ang pagmamahal ay hindi nakakatakot na kailangang ikulong ang taong minamahal.

Kung natatakot siyang kunin ng iba ang dalaga, ipakita niya sa iba na hindi nila kailangang gawin iyon dahil maayos ang kalagayan ni Alyssa sa kanila pero tila pinapatunayan niya lang na mali ang ipagkatiwala sa kanya ang dalaga.

Alyssa hands moves with a heavy heart. Bawat pagguhit, bawat kumpas ng kanyang mga daliri at paglagay sa mga kulay ay sadyang napakabigat sa dalaga. 

A person requires freedom; they are not birds in a cage. "That's why he refers to me as his dove, because I am his bird." Tumawa ng pagak ang dalaga habang itinutuloy ang pagpipinta. Her tears are dripping onto her lap and the canvas.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon