In-add ko sya sa Facebook. At bago ang araw ng Pageant, kinagabihan nun.. nagmessage ako sa kanya.
Ruth: Good Luck! J
Tommy: Uy.. Thank you! J
At akalain mo yun. Nakapasok ang mokong sa Top5. Top 3 or 4 ata siya. Nagmessage ako ulit.
Ruth: Uy.. Congrats! J
Tommy: Thank you Franz. J
Simula noon, palagi na kaming magkachat. Nakakatuwa sya kausap. Lima silang magkakapatid, ang parents nya nasa ibang bansa.
Tommy: Aalis na si Mommy.. hindi man lang kita napakilala..
Ruth: May next time pa naman. J Paki sabi have a safe flight. Naks! Feeling close.
Tommy: Anung feeling close ka dyan? Sige sasabihin ko. J
Tapos, isang beses tinawag nya akong Dear. Natuwa ako. Kasi first time na may tumawag sa kin ng ganun. At mahilig si Tommy sa Firsts. Kaya simula noon tinatawag nya akong Dear.
Minsan niyayaya nya din ako sa lakad ng friends nya.
Tommy: Sama ka naman, pupunta kami Dear ng Enchanted Kingdom ng friends ko ngayon.
Ruth: Ngayon na? Hindi ako pwede. L
Tommy: Ayyyy... L Sige. Next time ha! Sumama ka Dear.
At palagi nya akong tinatawagan at tinetext. Sukdulang makitext sya sa ibang tao.
“Dear.. Birthday ni Kuya ngayon.. Pumunta ka.”
“Nasa sementery ako eh. Overnight kami dito dear.”
“Sayang. Kumpleto kaming magpipinsan dito oh. Ikaw lang wala.”
“Haha. Enjoy nalang dear. Wag masyadong mag iinom ha.”