CHAPTER 20

1.2K 41 22
                                    

NA//Six chapters na lang tapos na tong story na toh...by the ways thanks sa votes and comments...At sa mga nabitin heto na po atleast update agad agad diba......

NOEMI'S POV

Bahagya na ring lumiliwanag ang buong paligid dahil unti unti na ring sumisikat ang araw.....Ngayon nagiging malinaw na rin sa paningin ko ang lalaking nakatayo na nakatalikod sa di kalayuan.....Kung tama ang iniisip ko na si Eric at Marco ay iisa bakit nya ginagawa ito?Bakit nya ako pinadukot?Tinali at dinala dito sa burol.....Hindi ko alam napakarami kong tanong?

Nagka Amnesia kaya talaga sya at nung mismong araw ng kasal namin ay bumalikna ang alaala nya?Naguluhan sya kaya hindi nya ako sinipot....Pero ang tanong bakit hindi nya ako kinausap ng maayos?Kung nagbalik ang alaala nya bilang Eric syempre maalala nya rin ako...Ang samin....pero bakit sa ganitong paraan pa?na halos akala ko papatayin na ako ng mga dumukot sakin...kailangan bang takutin pa ako?At bakit pinalabas ng nanay na patay na sya?hindi ko alam wala akong mahanap sa utak ko kahit isang sagot.......At sigurado ako na tanging sya lang ang makakasagot ng tanong ko.Pero bakit hindi nya ako nilalapitan...

Nagulat na lang ako ng may nagtangal ng pagkakatali ko....Namumukhaan ko sya ang dumukot sakin.....Ibig sabihin talagang si ERic o Marco ang nagpakidnap sakin..

BAKIT?

Ngayon hindi na ako nakagapos sa puno.....Gusto ko syang lapitan para masagot na ang lahat ng tanong ko.....Pero bakit tila hindi ko magawang ihakbang ang paa ko...Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.....Lalo na nung humarap sya sakin.....Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko........ng makita si ERIC ..Oo si ERIC at hindi si MARCO ang nakikita ko...Punong puno ng galit ang mga mata nito....Mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko ng naglalakad na sya palapit sakin pero hindi ko na sya hinintay na lumapit ako na ang tumakbo palapit sa kanya niyakap ko sya..Mahigpit na mahigpit....nabura na sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina.......hindi ko alam kung bakit..

Pero sing lamig pa ng yelo ang naging reaksyon nya....Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at inalis nya ako sa pagkakayakap......walang lumabas na salita mula sa bibig ko....hinihintay ko na sya muna ang magsalita........pero nakatitig lang sya sakin ang mga titig nya punong puno ng galit.......na parang gusto na nya akong lamunin ng buhay..

"KAMUSTA KA NA?"walang kahit anong emosyon nyang sambit..

"Ok lang ako......akala ko......."umiiyak na ako...pero pinipilit ko pa ring maging malinaw ang boses ko para makausap ko sya ng maayos pero bago ko pa ituloy ang sasabihin ko pinutol na nya yun...

"AKALA MO GANUN NA LANG NA BASTA BASTA AKO MAWAWALA MATAPOS NUNG GINAWA MO SAKIN....MATAPOS MO AKONG IWANAN KAPALIT NG KALAHATING MILYONG PISO NA BINIGAY SAYO NG MAMA KO AT NUNG MALAMAN MONG NABULAG AKO DAHIL ALAM MONG WALA NA AKONG SILBI SYO...HINDI MO BA ALAM NUNG ARAW NG AKSIDENTE NA AKALA KO MAMATAY NA AKO PERO PILIT PA RIN AKONG BINUHAY NG PAGMAMAHAL KO SAYO NA SA PAGMULAT NG MATA KO WALA NA AKONG MAKITA PERO KAYA KO YUN BASTA MALAMAN KO NA BUHAY KA TITIISIN KO MABULAG KAHIT HABANG BUHAY BASTA NANDYAN KA PERO INIWAN MO AKO....HINANAP KITA ISANG TAON NG MULI AKONG MAKAKITA...NA HINDI AKO NANIWALA NA KAYA MO AKONG IPAGPALIT SA PERA HANGGANG SA NATAGPUAN KITA KASAMA YUNG EDWARD NA YUN ANG SAYA NA PARANG WALA LANG NA NAKAYANAN MONG MAGING MASAYA SA PILING NG IBA SAMANTALANG AKO ISANG TAON AKO WALANG MAKITA NG DAHIL SAYO......ISANG TAON AKO NABUHAY SA DILIM DAHIL SA AKSIDENTE NA ALAM MO KUNG BAKIT NANGYARI DAHIL SA PAGMAMAHAL KO SAYO............"

Halos wala na akong makita dahil sa tuloy tuloy na pagdaloy ng luha ko........walang lumabas na salita mula sa aking bibig dahil gusto ko pa maging malinaw sakin ang lahat kaya hinyaan ko munang magsalita si ERIC...kahit parang pinipiga na ang puso ko sa sobrang sakit..

....Oo NOEMI!!!Si Marco at Eric ay iisa lang.......DAHIL PINANGAKO KO SA SARILI KO NA HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KO IPAPARANAS SAYO ANG LAHAT NG SAKIT NA GINAWA MO SAKIN..HINAYAAN KONG MABUHAY SA KATAUHAN NG IBA PARA MAISAKATUPARAN KO ANG BALAK KO.....NA PAIBIGIN KITA BILANG MARCO FUENTABELLA...AT HINDI AKO NABIGO...LALO NA NG PUMAYAG KANG MAGPAKASAL SAKIN DUN KO NASIGURO NA NAKALIMUTAN MO NA SI ERIC LEDESMA AT NGAYON SI MARCO NA ANG MAHAL MO...KAYA HINDI KITA SINIPOT SA KASAL............AT ETO NGAYON AKO SA HARAPAN MO PARA IPAMUKHA SAYO ANG LAHAT NG SAKIT NA BINIGAY MO SAKIN...DINALA KITA DITO SA LUGAR KUNG SAAN NAGSIMULA ANG LAHAT KUNG SAAN KO PINATUNAYAN KUNG GAANO KITA KAMAHAL....

I LOVE YOU...till forever..(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon