LUCID DREAM (ONE-SHOT)

22 0 0
                                    

Ito nga pala ang unang story na ipinublish ko sa wattpad. One-shot lamang ito, at sana maging masaya kayo rito. Guys, kathang-isip lamang ang lahat ng mga pangyayari at tauhan sa story at hindi nangyayari sa tunay na buhay. Kindly check the multimedia, dahil ang kantang iyan ay ang pinakinggan ko habang sinusulat ito. Thank you sa inyong support at pagbasa. Please huwag kalimutang mag-like , follow at comment! Salamat :) :)

----------------------------

Ako ay nanaginip. Ito ay kakaibang panaginip na hindi basta-bastang mawawaglit sa aking isip. Presko pa ito sa aking isipan. Sa aking panaginip, ako ay nakaupo sa isang kilalang dalampasigan ng aming lalawigan. Habang nakaupo, mararamdaman mo ang kapayapaan sa dagat at kaginhawaan habang tinitingnan ang mga bituin sa ulap. Ito ay isang masayang pangyayari sa akin sapagkat sa panaginip kong ito, ako ay nakaramdam ng panatag sa aking puso.

Dahil sa aking napanaginipan, ito ang nag-udyok sa akin para puntahan ang lugar na iyon. Nanghingi ako ng pahintulot sa aking magulang na mag-overnight stay sa bahay ng aking kaibigan para payagan ako sa aking nais. Pinayagan naman ako ng aking magulang dahil kilala naman nila ang aking kaibigan. Kahit na mali ay ginawa ko pa rin ang aking balak sapagkat gustung-gusto ko iyong puntahan.

Malayo ang lugar na iyon at marapat sumakay muna ako ng bus para makapunta roon. Sumakay ako ng bus at mahigit isang oras ang aking naging biyahe bago ko narating ang bayan ng Anda.

Eksaktong alas-diyes ng gabi ako nakarating sa dalampasigan ng bayan, at pagdating ko roon, inilapag ko lahat ng gamit sa may buhangin ng dalampsigan at masayang ninamnam ang sariwang hangin.

Ilang minuto ng aking pagmuni-muni, may biglang tumabi sa akin na isang estranghero. Tiningnan ko siya na may tanong sa aking mukha.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Pasensya ka na kung natakot kita. Sandali lang ako rito dahil sinunod ko lamang ang aking napanaginipan," sagot naman ng estrangherong lalaki sa akin.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Nanaginip kasi ako na ako ay nandirito habang nakatanaw sa mapayapang dagat," salaysay niya.

"T-teka... Katulad pala tayo ng panaginip," manghang sabi ko naman na ikinagugulat niya.

Sa pangyayaring iyon, patuloy kaming nag-uusap at nakilala ko rin siya. Ang kanyang pangalan ay Kierven at sa hindi inaasahan, nag-aaral kami sa iisang paaralan lamang. Siya ay nag-aaral ng Engineering samantalang ako naman ay BS-Psychology. Naging magaan ang loob namin sa isa't isa, at masasabi ko na ito ay isa sa mga masasayang araw ng aking buhay. 

Kinabukasan sa paaralan, habang ako ay naglalakad patungo sa cafeteria ay may biglang tumawag sa akin. Hinanap ko ang boses na iyon at laking gulat ko nang makita ko si Kierven. Inanyayahan niya akong sabay na kumain at masaya naman akong tinanggap ang kanyang alok.

"Anong oras ang sunod mong klase?" tanong niya sa akin.

"Mamayang alas diyes pa," sagot ko.

"Pareha pala tayo. Anong subject?" – siya.

"Filipino 2," – ako.

"I-iyan din ang subject ko mamaya," di makapaniwalang sabi niya.

Kaya ang ending, magkaklase pala kami ni Kierven sa subject na ito. Sa totoo lang, hindi ko talaga siya napansin nung mga nakaraan araw sa klaseng ito.

Lumipas ang ilang mga araw, mas lalong kaming malapit sa isa't isa ni Kiervenn. Isang araw habang ako ay naghihintay sa kanya sa cafeteria, may nakita akong may kausap siyang babae. Masayang-masaya siya habang kausap ang babaeng iyon, pero sa hindi inaasahan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso. May kunting paninibugho akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

"Ken, si Veronika nga pala," pakilala ni Kiervenn sa babaeng kasama at binati ko naman siya, "Sabay nga pala siya sa ating kumain kung okay lang sa'yo."

"Sige brad. Okay lang sa akin," hindi halatang pilit na sagot ko naman.

Kumain na kami pero halos silang dalawa lamang ang nag-uusap, at minsan tumawa lang ako sa kanila pero ito ay sadyang pilit.

Ilang araw na ang lumipas, mas lalong naging malapit sa isa't isa sina Kierven at Veronika. Minsan ay hindi na siya sumabay kumain sa akin, at dahil sa pangyayaring ito, ako ay malungkot na malungkot.

Habang nasa klase kami ng Filipino, may sinulat akong liham para kay Kiervenn. Hindi ko pinakita sa kanya ang ginawa ko kahit na magkatabi kami ng upuan. Matapos ng klase namin, nilagay ko ang papel na aking pinagsusulatan sa kanyang bag. Niyaya niya akong mag-lunch pero siya ay aking tinanggihan.

Kinagabihan, habang ako ay nag-aaral, may natanggap akong mensahe sa aking cellphone.

'Pwede bang magkita tayo ngayon? Sa Southwestern Park,' mensaheng aking nabasa na galing kay Kiervenn.

Walang pag-aalinlangan ay agad akong pumunta sa nasabing parke. Maraming katanungan na umuukilkil sa isipan ko ngayon.

Nabasa kaya niya ang liham ko? Bakit kaya gusto niyang makipagkita sa akin?

Pagdating ko roon, hinanap ko kung nasaan si Kiervenn hanggang sa nakita ko siya sa may puno ng manga habang nakahiga. Nilapitan ko siya at umupo malapit sa kanya.

"Nabasa ko ang liham mo," diretsong wika niya sa akin.

Hindi naman ako nakasagot. So tama ako na nabasa niya talaga.

"N-ngayon, gusto ko rin na malaman mo na may nararamdaman din akong kakaiba sa iyo," gumaralgal na sagot din niya. Nagulat ako sa kanyang sinabi na nagbibigay kalituhan sa aking isipan.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Simula kasi nung makilala kita Ken ay magaan talaga ang loob ko sa'yo. Habang tumatagal, may nararamdaman akong kakaiba sa'yo. Alam ko na mali ito kaya ibinaling ko ang aking atensyon sa iba, at iyon ay kay Veronika. Pero, nung malaman ko na may nararamdaman ka ring kakaiba sa akin ay hindi ko maipaliwanag ang tuwa sa aking puso," mahabang paliwanag niya sa akin.

Hindi ko masikmura ang mga pinagsasabi niya sa akin. May kunting saya akong nararamdaman pero lamang ang pag-aalala.

"I-ibabalewala lang ba natin ito Kierven?" nauutal na sabi ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko masasagot iyan, pero sa tingin ko, mas mabuting maging masaya tayo sa isa't isa," sagot niya naman.

Inakbayan niya ako at inakbayan ko rin siya, at masaya naming tinitingnan ang mga kumislap na mga bituin sa ulap.

----------------------THE END---------------

Gusto niyo ba ng part 2? Kindly leave a comment. Don't forget to like and follow me. Kansahamnida :) :) 

Lucid Dream (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon