UNSTOPPABLE
one-shot
"Narinig niyo ba? Natagpuang patay si Chester kagabi malapit sa bahay nila!"
Sino ba ang hindi makakaalam sa nangyayari kagabi? Kung mayroon man siguro wala talaga siyang paki.
Laman ngayon ng balita ang pagkapatay kay Chester Jacinto kagabi. Ang sabi ay nakatamo raw ito ng 15 na saksak sa iba't ibang parte ng katawan na nagsanhi ng maraming dugong nawala sakaniya.
Masasabi kong kahit malaki ang village namin ay walang balitang makakalampas dito sa maliit na highschool dito sa village. Halos lahat ng nakatira rito na bata ay dito nag-aaral dahil malapit na, ay maganda pa ang pamamalakad.
Kaya naman ay nagulat ang mga tao nang mahagip nila ang balitang may gumawa umano ng ganoon krimen.
"Grabe! Walang awa ang gumawa nun kay Chester! Alam ko namang may pagkakataong bully talaga 'yun," saad ni Hugo habang may pagkain pa sa bunganga nito.
Narito kami sa cafeteria at kasulukuyang kumakain. Tulad ng nakasanayan ay maingay talaga rito pero mas umingay sa araw na ito.
"Wala raw silang nahanap na murder weapon o kahit anong DNA sa katawan ni Chester, hindi natin alam kung sino ang suspect kaya mag-iingat tayo. Lalo na ikaw, Alexa," napangiti ako sa sinabi ni Micheal, ang boyfriend ko.
Hinawakan niya ako sa baywang at lalong pinalapit sa kaniya. Napakagat ako sa labi ng makaramdam ng pamilyar na sensasyon. It felt like there were butterflies flying in my tummy.
"Nakuha niyo pang lumandi, baka mamaya isa na sa atin mamaya ang matagpuang patay," bigla kaming natahimik sa sinabi ni Freye.
"Hindi magandang biro 'yan, Fre," seryosong saad naman ni Walter.
"Nga naman, alam niyo mas maganda pa, mag-aral na lang tayo."
Lahat ng tao ay nag-iingat ngayon lalo na't hindi pa natutukoy kung sino ang suspect. Naging mas istrikto din ang mga pulis dito, ang curfew na sa halip ay 8 ng gabi, ay naging 7.
Pagkauwi ay naghahanda na si Mommy ng meryenda kasama si Daddy na nanonood ng TV sa sala.
"Nakauwi ka na, 'nak!" excited na baling sa akin ni Mommy sabay yakap sa akin, niyakap ko siya pabalik.
"I made lasagna! Go get changed!" utos niya sa akin at napangiti naman ako. Lasagna has always been my favorite.
Umakyat na ako sa kwarto at nagpalit. Being an only child was also great, I had a big room with my own bathroom and own walk-in closet. Walang kaagaw.
"I heard that one of your schoolmates got murdered last night, have you heard about it?" tanong ni Dad nang kumakain kami.
"Of course, Dad. It's all over the school," walang interes kong sagot.
"That's why you shouldn't go out at night," sabi niya.
"Alam ko, Dad," ngiti ko sakaniya.
Mom was quiet the whole time we were talking about the murder that happened last night. That's weird, usually she will give her thoughts about the case.
YOU ARE READING
Unstoppable | Oneshot
Mystery / ThrillerIn which multiple murder cases take place in a village where Alexa and her family lives. She didn't care at first not until her mother was under investigation for being the suspect.