[59]: December..

197 10 0
                                    

[SUE's POV]

Paskong pasko. Parang semana santa naman mukha nila. Kakauwi ko lang kasi galing ng Japan dahil sa business na inaasikaso ko doon. "May namatayan ba?" agad silang lumingon sakin. Sina Ash, Austin, Seb, Xander, Dylan, Ethan, Kay, Natalie at Tyler. Nevermind Jace kasi lagi namang happy new year ang mukha niyan. Parang pinasabugan ng watusi ang mukha sa saya. Pffft. Si Hunter? Nasa palagid lang yun. Ginigiba ang kama ng iba. XD

"How's Japan Ate?" -Seb

"How is she Seb?"

"Ate naman eh. Paskong pasko ayokong marinig pangalan nun."

Kaya tumahimik nalang ako. Nilapag ko mga gamit na dala ko.

"Oh ineng andyan ka na pala. Nako, pasensya na di pa ako nakapaghanda ng agahan. Pero saglit nalang yun. Teka titignan ko muna." sabay balik ni Manang sa kusina. Umupo ako sa tabi ni Jace na naglalaro ng?

"Ano yan Jace?"

"2048 Ate. Malapit ko na sanang makuha yung 2048 eh nagkamali ako ng move. Tsk kaya ayan inulit ko uli."

2048? Ah yun. Yung mag saswipe ka lang sa iba't ibang direksyon para ma add yung mga number at makuha yung 2048. At boom! Panalo kana. XD

"Try mo yung LOL ate." -Ethan

"LOL? Laughing Out Loud? Meron ganung laro?"

"Hindi ate. League Of Legends." -Kay

"Ngek, ayoko niyan. Sa henerasyon niyo lang yan. Sakin plants vs. zombie. Haha."

Kruu.. Kruuu...

T^T

Mga walanghiya! Ako lang tumawa sa sinabi ko. "O nakahanda na yung almusal. Kain na kayo." mabilis pa sa alas dos kung tumayo tong mga to. Ah now I know. Gutom lang pala sila kaya ganun mga mukha. -_-

*

*

*

[JACE's POV]

"Anak ng tokwa naman oh. Pwede ba tanggalin mo na muna yan. Langya ka Andrada."

(Gago ka, mabibitin to. Promise pagkatapos nito. Fvck!)

-__________-

Binaba ko nalang ang phone ko. Ang aga aga babae na agad inaatupag, psh. "Jace.."

Lumingon ako, "Oh?"

"Naks, ganda ng bungad natin ah."

"Bakit mo kasi tinatawag gwapo kong pangalan Ava."

Tumabi nalang siya sakin habang nakatingin na ulit ako sa laptop ko. "Namiss kita."

*cough cough* Agad niyang hinimas ang likod ko. "Ano?"

"Sabi ko namiss kita. Gwapo ka nga bingi naman."

"Sinisiguro ko lang baka iba sinabi mo." busy pa rin ako sa laptop ko. May kailangan kasi akong gawin. May mission impossible ako.

"O Ate Hunyo. Andito ka pala, nasaan yung jowa mo?" narinig kung tanong ni Sam sabay tabay sakin din. Nako naman iipitin pa ata ako. -____-

[SAMANTHA's POV]

Itong si panda nagbibusy-busyhan kahit hindi naman talaga. "Ah si Terrence? Susunduin niya ako mamaya dito kasi may pinuntahan lang siyang importante."

Tumango lang ko. Sinilip ko ang ginagawa ni Jace sa laptop. Hindi ko alam kung may ginagawa ba talaga siya o may pinapanood.

"Hindi ba daw sila uuwi dito Sam?" agad ako lumingon kay Ate Ava. Umiling ako, "Wala na akong balita sa iba Ate. Pero ang alam ko uuwi sila Kuya Kai at Ate Kylie mamaya o bukas. I'm not sure."

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon