Chapter 4.

28 3 0
                                    

LEE

Tahimik lang ako sa nagdaang oras, Ewan ko ba bigla akong natamad. Hindi ko na din ninais pang pag-usapan ang naging kilos ko kanina. Nagpapasalamat nalang ako't di na inusisa pa ni Jennie ang dahilan ng pag-iyak ko kanina sa pantry.

Ganun kasi kami sa friendship! May Respeto sa feelings ng bawat isa. Kahit parang laging nakalulon ng megaphone yun, maasahan yun!

Tapos na ang klase at nagsisi-uwian na ang lahat habang ako eto. Nag-iikot, naghahanap ng matatambayan. Wala pa kasi ako sa mood na umuwe!

Palakad-lakad lang.. Tingin sa kaliwa't kanan, harap at likod...

Ay Oohh.. Ang cute! May lugar sa likod ng school na ma napapalibutan ng bermuda grass tapos may malaking puno sa gitna. Perpek! Pwedeng-pwede kapag gusto kong mag moonie-moonie.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga matapos kong maupo sa ilalim ng nasabing puno.

Ang fresh dito ahh.. Nakakarelax!

Binuksan kong muli ang bag ko at hinanap ang bagay na yun. Ewan ko  akala ko maiiwan ito sa future pero laking gulat ko ng makita ko itong nakasuot parin sa leeg ko.

 Ewan ko  akala ko maiiwan ito sa future pero laking gulat ko ng makita ko itong nakasuot parin sa leeg ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tanga ba talaga ang tawag sa tulad ko?" Tanong ko habang nakatitig sa pendant.

"Nagmahal lang naman ako ng totoo pero ba't ganun! Ako lang yung nasasaktan!" I can't believe na I'm doing this.

"Sa di ko malamang dahilan, hindi kita kayang itapon!" saad ko. Napaka espesyal sakin nitong kwintas na to! Bigay niya to sakin ehh.. Tandang-tanda ko pa yung Taong yun! Third year anniversary namin yun ehh..

"Sa loob ng pitong taon na yun, Alam kong minahal mo 'ko! Pero anyare?" di ko napigilang mapaluha ng konti.

"S-sabi m-mo Ako lang diba? Sabi mo H-hindi mo ako s-sasaktan! Eto ako ngayon Ohh.. Sobrang wasak! Para mo kong pinatay! At paulit-ulit na pinapatay Alam mo ba yon!" naiyak na talaga ako ng tuluyan.

"Nyemas ka! Hinding hindi na talaga ako magpapaloko sayo. Pag ako talaga naka move on maghahanap ako ng mas higit sayo at ipapangalandakan ko talaga siya sa pagmumukha mong leche ka!"

Who am I kidding? Makakahanap ba talaga ako ng hihigit pa sa kanya?

"Hey... Could you please lower down your voice! Nakakaistorbo eh!" Sabi ng isang boses. Nawindang ako dun! Shit may tao!

Hinanap ko kung san nanggaling yung boses ng makita ko itong nakatingin sakin mula sa taas ng puno. My goodness may taong Unggoy!

"S-sorry kuyang Ungg-- ay este kuya lang.. Kuya lang!" sabi ko sabay Peace sign.

Nakakahiya! Feel na feel ko pa naman magmonologue kanina.

"Tssss!" sabi niya sabay baba sa puno.

Ikaw Parin PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon