Chapter theme: Bop Bop Baby - Westlife
My thoughts were in chaos as the events at Eclipse kept replaying inside my head. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko na bigla na lang kumakabog sa tuwing rumerehistro sa isipan ko ang pamilyar na mga mata ng lalaking 'yon. May part sa akin na umaasa na baka si Gabriel nga 'yon, lalo't nakabalik na siya rito sa Sunny Ville. After all, naging kaibigan din naman niya si Aiyah, so it made sense for him to secretly attend her gig.
Pero mas malaki rin ang possibility na nanaginip lang ako ng gising noong gabing 'yon. Gabriel wasn't the only guy in this world with deep-set of eyes. Isa pa, baka nililinlang lang ako ng mga mata ko no'n dahil medyo nahihilo na rin ako. Kung sino man siya, salamat sa kanya dahil naturuan niya ng leksyon 'yong nambastos sa akin.
"Spongebob na naman 'yang pinapanuod mo. Ilipat mo nga 'yan," sita ni Kuya Mike sa akin kaya napabalik ako sa wisyo.
Umupo ito sa tabi ko at pilit na inaagaw mula sa akin ang remote control ng TV kahit anong paglayo ang gawin ko. Nakakainis naman itong si Kuya Mike! Kanina pa ako rito sa sala at tahimik na nanunuod, tapos bigla siyang manggugulo.
Napasimangot na lang ako nang tuluyan na niyang maagaw ang remote at inilipat ang channel para makanuod ng balita—so typical of him. Sana naman makapag-asawa na siya para lumipat na siya ng bahay at mawalan na ako ng kaagaw sa TV namin. On a second thought, mamimiss ko pala siya kapag bumukod siya, so ayos lang kung balak niyang maging single forever.
Since wala naman na akong magawa dahil siya ang panganay, isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Nakinuod na rin ako kahit labag man sa kalooban ko.
"Mainit ka na naman," he commented, feeling his fingers lightly brush against my forehead. "Magpahinga ka nga ulit sa kwarto mo."
"Ayaw. Mainit do'n dahil sira na naman ang aircon. Dito na lang ako," paglalambing ko sabay higa sa mga hita niya. Pinitik naman nito ang ilong ko.
"Aray ko naman!"
"Mahina lang naman 'yon, stop being so dramatic. And why are you wearing a bonnet? Anong feeling mo winter na?" pang-aasar pa nito sa suot-suot kong yellow na bonnet.
Ang hilig talaga manira ng trip nito. Hindi ko na lang siya pinansin kaya nanahimik ito. Ilang sandali pa, na-bored na ako sa pinapanuod naming balita kaya nagsimula akong dumaldal ulit.
"Kuya," I called his attention. He glanced down with a furrowed brows.
"Bumalik na si Gabriel, sabi ni Danika. Anong gagawin ko kapag nagkasalubong kami sa daan? Maliit lang itong Sunny Ville, kaya hindi imposible na mangyari 'yon."
"Kung hindi mo siya kayang harapin, umiwas ka na lang muna. But if you're ready to make amends for your mistake, explain everything to him. He deserves to know the real reason behind your actions and decisions back then. Hindi tayo pinalaking sinungaling ng parents natin," simpleng sagot niya bago ibalik ang mata sa telebisyon.
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Romance"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...