The Guy Who Loves The Rain

121 5 0
                                    

Raein's POV

"Raein! Raein! Raein!"

Umagang umaga ang Ingay ni Mama. Grabe kung makasigaw at tawag sa akin.

Eh anong oras palang naman eh.

Tinignan ko yung wall clock sa tapat ng pinto ko at nak ng pusa. 7:30 am na. May pasok pala ako ng 8:00 am. Shizz! Kaya pala kanina pa ngawa ng ngawa si mama. Yari ako neto.

"Raein! Ano ba. Oras na!" Pag tawag ulit ni mama sa akin.

"Opo ma. Eto na po." Sagot ko kay mama. Naku naman. Asar oh.

Hi guys nako nga pala si Raein Maree M. Bulaon. nag-iisang anak nina Justein Marty G. Bulaon and Rayvee S. Manucum. Why Raein? Ok explain ko. (Wait kailangan ba? Basta explain ko pa din.)

Rayvee x Justein = Raein.

Rayvee x Marty = Maree.

Alam niyo na guys. Ay wait kikilos nako bago pa magwala si Mama! Hahahaha :)

"Justein Marty Gempeso Bulaon! Pagsabihan mo nga tong anak mo. Aba'y ambagal kumilos. Hala't mahuhuli kayong dalawa neto oh." Sigaw ni mama kay papa. Kelangan talaga ma, complete name ni papa? Alam mong taranta na si mama pag ganito. Hahahahaha.

"Hon, naman kailangan ba talaga eh. Complete name ko? Halika nga rito. Kiss nga kita para lumamig ulo mo. Umagang umaga eh ang high blood mo." Ito talagang si papa alam kung paano lambingin si mama. Hahahahaha. cute nilang dalawa.

Nagmadali nakong maligo at magbihis at di na nga din ako kumain ng almusal para makaabot sa first subject ko.

"Pa, tama na nga yan. Magkikita pa naman kayo ni mama, mamaya eh." Pag-aaya ko kay papa na pumasok na sa trabaho niya at school ko. Malelate na nga kame. Harot pa inuuna. Hahahaha.

"Oo na Raein. pumasok kana sa kotse. Ikaw talaga oh. Bye mahal (sabay kiss kay mama) see you later. (Sabay kindat.)" hay. Harot nila. Nasa harap nila ako niyan ha. Nako grabe sila.

"Ingat kayo mahal. Ikaw Raein mag-aral ng mabuti ha?" Pagpapaalam ni mama sa amin.

btw. Ako pala ulit si Raein M. Bulaon. Raein as in ulan. Ayan. baka nakalimutan niyo na agad. Hahahahaha :) Ako'y malelate na sa sobrang pagpupuyat ko. Ansaya. Di ko na tuloy maabutan yung lalaking nagpapakumpleto ng araw ko. Kainis.

Di ko alam yung pangalan. Pero lagi ko siyang nadadaanan papasok ng school niya. Ang tangkad niya. Mga 6'0 feet height niya. Moreno, or baka nababad lang siya sa init ng araw. basta cute siya. His eyes. naku. Grabe!

"Oy, Raein anak. Bakit Natawa kang mag-isa diyan ha?" Pagsita ni papa sa akin. Si papa talaga oh. Panira ng moment.

"Wala po pa." Ngiti ngiti kong sagot sa kanya. hay. Sana makita ko siya ulit. Nagdrive lang si papa ng tahimik.

---

"Andito kana anak." Sabi ni papa. That was fast. Hay. Nasa hell na naman ako. Hell talaga. Paano insecure sila sa akin.

Paano ba naman yung mga lalaki sa school lapit ng lapit sa akin eh wala naman akong panahon sa lovelife-lovelife na yan. kaya nga yung mga fangirls nila inaaway ko. Kainis lang! naku. Ayyy erase nga ng bad vibes.

"Osige po pa. Bye." Sabi ko sa kanya.

"Oi yung kiss ni papa asan?" Seriously dad? Gosh.

"Papa naman." Pagrereklamo ko. Ang tanda ko na kaya for that.

"Ok ikaw bahala. Wala na yung hinihiling mong iphone6." Sabay taas ng bintana ng kotse niya.

The Guy Who Loves The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon