--Chapter Five--

10 0 0
                                    

-THE DEAL-

--PRESENT--

        MAAGANG NAGISING si Xandria at nag-joggiing sa tabing dagat. Papasikat pa lamang ang haring araw kaya't iilan lang mga taong naroroon sa baybayin. May couple na naglalakad-lakad habang magka-holding hands, may dalawang babaeng nakaupo sa buhanginan at panay ang pose at kuha ng litrato at may dalawa pang tulad niya'y nada-jogging rin.

        Marahan lang ang pagtakbo niya at medyo may kalayuan na siya sa resort. Siguro'y hindi na iyon bahagi ng Paradizo Resort dahil may nakakita na siyang picket fence sa di kalayuan. Naaaninag rin niya ang kulay pulang bubong ng isang bahay.

       Humuhingal siyang huminto at nag-stretch. She was about to turn to run back to the resort but her attention was captured by the rising sun. Its golden rays that are reflected by sea water mesmerized her. Kung kaya't sa halip na bumalik ay naupo siya sa buhangin, bathing in the rising sun's golden rays. Hindi pa nakuntento, she lied down and looked at the clear, blue morning sky.

       "This is a new beginning," bulalas niya at ipinikit pa ang mga mata. For the past days, she's been enjoying the peacefulness and calmness of the resort. She fell in love with sea at ang paglalakad-lakad tuwing hapon or di kaya ay ang patakbo sa shoreline tuwing umaga ay nakatulong para pansamantala niyang makalimutan ang buhay na tinakbuhan.

      "Hmmm...You made it Xandria! Sabi sa'yo eh, hindi mo na kailangan ng mapa ni Dora to find your haven!" she uttered, smiling.

       

         "HINDI MO BA alam na bawal matulog sa tabing-dagat?"

      Biglang nagmulat ng mata si Xandria sabay bangon. "Ikaw na naman?" reklamo niya ng mapag sino ang gumambala sa kanyang 'me-time'. "Bakit naririto ka naman? Are you stalking me?"

       The guy is wearing a black cotton shorts and a black jacket na bahagya lamang naka taas ang zipper. Kita rin niya ang gray shirt nito na medyo basa na ng pawis sa bandang dibdib. On his feet is a pair of black and white running shoes. Halatang nag-jogging rin ang lalaki ngunit sigurado niyang hindi ito sa tabing dagat tumakbo dahil hindi niya ito nakita kanina.

       Nakaupo siya sa buhanginan and he was looking down at her.

       When their eyes met, she gasps. She can't understand why her heartbeat is in chaos sa tuwing malapit ang lalaking ito. This isn't the first time na pakiramdam niya'y may naghahabulang mga daga sa dibdib niya dahil sa kaharap. 'O, puso kalma. Baka atakehin ka,' sita pa niya sa sarili.

     Rayven did not answer any of her questions. Nakatingin lang sa kanya ang lalaki, matiim at tila nang-aarok. She felt like she was falling into a deep, dark and dangerous abyss while looking him in the eyes kaya't mabilis niyang inilihis ang paningin.

     "At sino naman ang may sabing bawal matulog sa buhanginan? Can you not bother me please?" Inirapan pa niya ito.

     "Why do you like lying in the sand so much? This is the second time I saw you lying on the sand comfortably like you're lying in your bed," he asked her instead.

     "I was just enjoying the peace and quietness of the morning, kaso may sumulpot na asungot."

      The man chuckled. His voice is deep and sweet to her ears.

       'Ops! Teka, sandali! Ba't napaparami ang adjectives para sa asungot na 'to?'

      Rayven offered his hand to her to help her stand-up pero hindi iyon inabot ng dalaga. She stood up at pinalis ang mga dumikit na buhangin sa kanyang damit.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon