Chapter Four | Anemone

400 22 20
                                    


Chapter theme: Another Me - The Cab

February turned into our busiest month and it was filled with surprises every day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February turned into our busiest month and it was filled with surprises every day. With Valentine's Day just around the corner, our shop was bustling from morning until night. Mabuti na lang at nakauwi na si Mommy galing sa probinsya, kaya kahit paano ay hindi kami nangangarag.

Kung kami lang ni Kuya ang nasa shop, baka umiyak na lang kami sa sulok sa sobrang taranta. Our mother really knew how to work under pressure unlike us. Iyon siguro ang dapat naming matutunan pa ng kapatid ko mula sa kanya.

Umaga pa lang ay sobrang abala na kami sa kanya-kanyang gawain na nakatoka sa amin. Customers and online orders kept pouring in, leaving me breathless from constant sales talks and phone calls. Nang maubos ang tao sa shop, doon lang ako nakakuha ng pagkakataon na maupo sa wooden chair sa lounge area. Pagal kong isinandal ang likod ko sa matigas na sandalan at ipinatong ang mga paa ko sa coffee table.

"Pagod ka na niyan?" Kuya Mike teased, handing me a glass of water.

"Talking non-stop can be exhausting. Halos matuyo na kaya ang lalamunan ko," katwiran ko, himas-himas ang tiyan kong kumakalam na.

"Kelly, put your feet down," Mommy scolded from the counter when she caught a glimpse of my feet on the coffee table.

Umiling ako kaya pinandilatan ako ng mga mata ni Mommy, natatawang nag-peace sign pa ako. But the moment she raised an eyebrow, I quickly put my feet down. Takot ko lang sa kanya.

"Good afternoon, ma'am. Delivery po!" A man in a green shirt and black pants entered our shop.

Kumunot ang noo ko nang dumako ang tingin ko sa mga dala niyang pagkain.

"Hindi naman po kami umorder."

Napakamot sa ulo si Kuyang rider habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga bitbit niya. "Pero ma'am, dito po kasi naka-address."

Nilapitan ito ni Kuya Mike upang i-double check ang dala nito. Nagsalubong ang dalawang kilay niya habang sinisiyasat nang mabuti ang resibo. "Dito nga sa shop naka-address at bayad na rin."

"Talaga?"

Tinanguan ako ni Kuya saka kinuha na 'yong mga pagkain na para sa amin. Nang makaalis 'yong nag-deliver ay pakurap-kurap ang mga mata ko sa labis na pagtataka. Si Kuya naman ay inilalapag na sa mesa sa aking harapan ‘yong isang bucket ng fried chicken, isang box ng pizza, family pan ng spaghetti at tatlong magkakaibang flavor ng milk tea.

"Kanino naman kaya galing 'to?" bulalas ko.

Mommy joined us, skeptical about the unexpected delivery. "Are you sure para sa atin ‘to? What if there's a mistake?"

"Sa atin talaga, Mommy. Address ng shop natin ang nakalagay eh, tapos kay Kelly nakapangalan."

Isa-isang binusisi ni Mommy ang mga pagkain sa mesa. Inamoy-amoy pa nga niya ang mga ito. "Wala naman sigurong lason ang mga 'to, 'no?"

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon