"Maybe we don't have the same feelings. But the important is, we have the same route. And when that time comes that I've to get off from this bus, please don't ever call my name again."
Prologue
HE
"Good morning Big Boss!" masayang bati ko sa CEO ng aming kompanya. At the age of 16 ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at ang pagiging businessman.
"Good morning Roth.." kahit kilala bilang magiliw sa eskwelahan at lapitin ng mga babae, ay hindi pa din mawawala ang kilabot ng mga taong naririto dahil sa lalim at maawtoridad niyang boses at pananalita.
"Big Boss, may babaeng naka-school uniform sa baba, ang sabi kapatid niyo daw po?" tanong ko dito, inilapag ko ang isang folder na may lamang resume, kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"What?" tanong nito nang sa tingin ko ay hindi naintindihan ang sinasabi ko, kinuha niya ang folder na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa at saka binuklat ito. Magsasalita na sana ako ng bigla na lamang siya napamura.
"What the f***!?" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa tagal ko na dito ay ito ang unang beses na nakita ko siyang nagulat at napasigaw. Siguro ay may nakakagulat nga talaga sa resume na iyon...?
"Tawagin mo si Leavi.." utos nito sa akin, nang hindi ako kumilos agad ay tumaas na naman ang boses niya. "NOW!" sigaw nito sa akin, dahil sa takot ay agad akong napatakbo papalabas ng kaniyang suite at dali-daling pumunta sa office namin kung nasaan nag-iistambay ang mga kasamahan ko. Halos masubsob pa ako sa pagmamadali.
"Oh? Roth dahan-dahan lang!" natatawang sabi sa akin ni Rrine nang makitang halos mahalikan ko na ang tiles sa sahig.
"Problema mo?" nakakunot noong tanong naman sa akin ni Erith. Ngumuso naman ako dahil sila dapat ni Leavi ang nag-aabot ng mga resume ng mga applicants kay Big Boss eh, ako tuloy ang nasigawan. Hindi ko naman sinagot si Erith at agad ko namang nilingon si Leavi na nakatayo, nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Si Big Boss, nagwawala na naman!" sabi ko kay Leavi, nawala naman bigla ang ngisi ni Rrine sa kaniyang mukha.
"The fuck Dude? Ano na namang ginawa mo?" si Deus na kararating lang, may dala-dala pa siyang mop. Nilingon ko siya at nag-pout ako. "Naririnig kong nagsisigaw si Big Boss!" ani Deus na nagpakaba sa akin.
"Aish!" si Leavi na nagmamadali papalabas ng opisina namin. Nang makalabas si Leavi ay nagsitinginan naman kaming mga naiwan doon sa isa't-isa, at parang may sariling mga utak na nagsitakbo pare-pareho sa suite ng aming amo. Pagkadating sa harap ng pintuan ay eksaktong kasasarado lamang nito dahil sa pagpasok ni Leavi doon. Para kaming mga sira-ulong bata na kaniya-kaniyang dikit ng taenga sa may pintuan upang marinig ang pinag-uusapan nila Big Boss at Leavi sa loob.
"May naririnig ka ba?" tanong ni Rrine sa akin, umiling naman ako. "Ikaw?" tanong naman niya kay Deus.
"Wala eh.." sagot naman ni Deus sa kaniya.
"Malamang mga sira-ulo kayo! Sound proof ang loob eh! Hindi niyo talaga maririnig!" si Erith na naka-crossed arms at masama ang titig sa amin! Lalo na sa akin!
Pare-pareho naman naming inilayo ang mga taenga sa pintuan dahil sa dismaya! Akala namin ay may maririnig kami! Iyong naman pala ay wala!
"Hays! Hayaan na lang muna natin si Leavi. Alam naman natin na siya lang ang may kakayanan na pakalmahin ang demonyo nating amo." ani Erith, tumango naman si Deus kaya't wala na din akong nagawa.