Chapter 1

444 6 0
                                    

Reese's POV

"Hindi ka pa ba nagsasawa diyan sa ginagawa mo, Aure?"natatawang tanong ko kay Aure na nag-aabang ng balita tungkol kay Blake Eliezer at siya pa ang unang magcocomment para lang ibash ito.

"Sa lahat ng basher na kila ko, ikaw yung parang tangang magsasayang ng oras para lang mangbash."sabi ko at inilingan siya.

"I mean pwede ka namang maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Tsaka tignan mo nga yang account mo, dami na ding nambabash sayo dahil ikaw pinakamalala kung mambash diyan kay Blake."sabi ko at napailing na lang sa kanya.

"Tignan mo, nilike agad nitong si @blublubluh. Nakakachat ko ito, naiinis din pala kay Blake. Sabi sayo hindi lang talaga ako e."natatawang sambit niya pa dahil madalas kapag nagcocomment siya ng hindi maganda tungkol kay Blake ay nilalike agad ng account na iyon. Napailing na lang ako sa kanya. Nadaig pa kasi nito ang mga fans ni Blake sa sobrang updated tungkol dito.

"Tumayo ka na nga diyan. Umuwi ka na, hindi ka ba magbeabeauty rest, bukas na ang start ng klase nanaman natin"sabi ko sa kanya dahil wala pa ata itong balak umuwi. Gusto pa atang hintaying sunduin nina Tita.

"May ganoon pa?"hindi niya mapigilang itanong at nilingon pa ako.

"Syempre joke lang! Gusto lang talaga kitang pauwiin. Umuwi ka na!"pagtutulak ko dito.

"Mamaya na, paniguradong maririnig ko nanaman ang hagulgol ni Archer."sabi niya at napailing iling pa.

Bago pa siya makaangal ay rinig na rinig na namin ang pananawag sa kanya ni Tita mula sa labas ng bahay. Napatawa ako ng mahina ng dahil dito. Pakamot kamot pa siya sa ulong lumabas ng kwarto ko.

Aure is my Bestfriend since grade's school. Maraming may ayaw sa akin noon dahil almost everything ay pinapakialaman ko but she never hates me. Lagi ako ang gustong kasama but when I asked her kung bakit she said..

"Kaya lang naman kita kinakausap noon para manghingi ng sagot."but I never even let myself used by others. Kaya alam kong hindi iyon ang dahilan. Well, that's Aure e. You don't really know what's going on her head unless you know her too well.

"Bye, Reese! Beauty rest ka lang, rest lang pala. Wala kang beauty."humagalpak pa siyang umalis sa tapat ng bahay namin kahit na halos kaladkarin na siya ni Tita para lang umuwi.

"It's time to study na rin pala."sabi ko at napakibit ng balikat. May pasok na kami tom but I need to advance reading kahit na alam kong introduce yourself lang naman ang magaganap bukas.

"Wait.. I forgot to buy that book! Pesteng Aure, dinaldalan ako! I almost forgot!"hindi ko mapigilang sambitin ng maalala ang libro na dapat ay kanina ko pa nabili kung hindi lang dumating si Aurelis.

"Dad, I need to buy something. Balik din po ako agad."sabi ko kay Daddy na nakaupo sa sofa at mukhang nanonood ng news. Tinanguan lang ako nito kaya lumabas na ako para tumungo sa malapit na bookstore dito sa village namin.

Pakanta kanta pa akong naglalakad ngunit muntikan na akong masubsob nang matapilok sa hindi ko napansing bato. Lumingon lingon pa ako kung may nakakita, nakahinga ako ng maluwag ngunit agad pinamulahan ng mukha nang makitang may nakatingin na isang lalaki at mukhang nakita ang pangyayari.

Ngumisi pa ito sa akin kaya agad akong napatakbo sa kahihiyan. Parang gusto ko na lang na kainin ng lupa. Hindi naman siguro ako mamumukhaan nun dahil medyo madilim naman sa parte kung saan ako natapilok.

Nang makarating sa bookstore ay nagtataka sa akin si Mang Lito dahil hinihingal ako.

"Anong nangyari sayo, Reese? Tumakbo ka ba patungo dito? Hindi pa naman kami magsasara at pwede mo naman kaming puntahan sa bahay kung sakali."sabi niya sa akin ngunit napailing na lang ako.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon